CHAPTER 24
NOLAN'S POV ▪
Pinagmamasdan ko siya habang kumakain kami , hindi ko maiwasang mapangiti. " Tunaw na naman ako " bigla siyang nagsalita
" Ang ganda mo kasi " Sabi ko
" Ngayon mo lang nalaman ? Matagal na kaya " sagot niya
" Momma , Dada ang tagal niyo po kumain. Naka dress na po ako para sa pupuntahan natin. "
" Tapos na baby , magbibihis lang din ako tapos pupunta na tayo sa pag Simba. " Sagot ni Nayumii
" Ma'am ako na po ang magliligpit n'yan , mag bihis na po kayo. " Sabi ni Nova
" Salamat " sagot ni Nayumii , umakyat na ulit siya sa kwarto para magpalit ng damit.
-
" Wow , ang ganda ng momma ko parang ako lang 'di ba tita Nat Nat " Sabi ni Nyanza
" Oo nga kulet , blooming si ate " sagot ng kapatid ni Nayumii
Napanganga ako habang pababa siya ng hagdan. " Tara na " yaya niya
" You look gorgeous as always Mimii " Sambit ko
" Thank you " sagot niya
Nagpaalam lang kami Kay Tita Natalia at nagtungo na kami sa Simbahan. " Dada , gusto ko po ng balloon "
" Sige baby , after ng mass bibili tayo " sabi ko
Nagsimula na ang misa. Tahimik kaming nakikinig sa pari , seryosong nakikinig si Nayumii , focus. Ganito din kami dati , nagsisimba tuwing linggo , namamasyal kasama ang buong pamilya nila.
Napatingin ako ulit kay Nayumii , nakatingin din siya sa akin at nakangiti. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi naman siya tumutol. Alam ko at ramdam ko na Mahal pa rin niya ako , siguro lang hindi pa siya handang sagutin ako ulit.
" Panginoon , Salamat po. Sana maging maayos na ang lahat , Sana po bumalik na ang lahatsm sa dati. Maraming maraming Salamat po sa magandang nangyari nitong mga nakaraang araw. The best po talaga kayo. Amen. " Dasal ko
" Mommy ! Let's go , I'm hungry ! "
Napatingin kaming Iahat sa isang batang babae na biglang sumigaw. Mabuti na lang at tapos na ang misa.
" Quiet ! " Saway sa kanya ng mommy niya
" Momma , bakit po siya sumisigaw ? 'di po ba bawal yon sa loob ng church " tanong ni Nyanza sa momma niya
" Baby , baka hindi niya alam , hayaan mo na lang siya. " Sabi ni Nayumii
" Nolan ? Nayumii ? " Nagsalita ang mommy ng bata , nilapitan niya kami paglabas ng simbahan.
" Nicca , kumusta ? " Tanong ni Nayumii , si Nicca pala yon hindi ko nakilala agad.
" Ayos lang. Magkasama kayo ni Nolan , kayo ba ? " Tanong ni Nicca na nakataas pa ang kilay. Kapag may ganyang attitude alam kung iinit ang ulo ni Nayumii , ayaw niya ng ganyang ugali ng babae.
" Actually Nicca , hindi pa ako nag aaral sa Moonstone University at kami na. Mukhang huli ka na sa balita , matagal nang kami. " Sagot ni Nayumii na nakangiti , kalma siya dahil kakagaling pa lang namin sa church.
" Ah ganoon ba ? Mukhang huli na nga ako. By the way nice to see you again , ang cute ng anak niyo. Mauuna na kami , bibisitahin kasi namin si Nadine , nanganak siya kahapon e. " Paalam ni Nicca
" Nice to see you again. Pakisabi na lang sa kanya congrats " sagot ni Nayumii
" Dada , bili na po tayo. Gusto ko po yong white " Sabi ni Nyanza
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Action[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...