CHAPTER 1
NAYUMII'S POV
Nakakapagod !
Malapit na ako , konti na lang at Yes ! I made it.
Naka akyat at nakarating na rin ako dito ng mag isa.
Maganda nga dito. Fresh ang hangin at makakapag isip talaga ako ng maayos , pagod na pagod na talaga ako sa buhay ko e. Konti pa lang ang naaalala ko sa nakaraan ko , Wala namang nagsasabi kung ano talaga ang nagyari sa akin dahil walang nakakakilala sa akin sa lugar kung saan ako napadpad.
" Makakalimutan rin kitaaaa ! Makaka move on rin ako sayo ! Palapit na sayo ang karma , manloloko kaaaaaa !! " Sigaw ko na may gigil at galit , medyo nag eecho pa nga e.
Ako lang naman siguro ang tao dito ngayon , malamang nakabalik na yung gwapong photobomber slash masungit na lalaki.
I'm NAYUMII DAPHNE BRITANIA , 20 years old at isang graduating student. Pabalik balik kasi ako ng eskwelahan dahil walang pampaaral sa sarili. Papasok sa school , titigil para magtrabaho bago babalik ulit sa pag aaral.
Ganyan ang buhay ko tapos niloko pa ako ng gag*ong ex ko ! Ginamit lang pala ako , rebound. Saklap.
Baka gusto niyang ipatumba ko siya sa mga tauhan ko e makita niya ! Oppsss kidding aside hehe
Yung buhok ko nga pala hindi kahabaan , sakto lang tapos naka undercut. At isa pa , maganda ako . . . . . Sa salamin namin.
Tumambay lang muna ako dito , Wala pa akong balak umuwi ngayon.
Nag iisip. Pilit kinakalimutan ang hindi magandang nangyari.
Hapon na , nandito pa rin ako. Siguro sa daan na lang ako matutulog , actually may tent naman akong dala at may nakita rin ako kanina na lugar kung saan pwedeng magtayo ng tent.
Malamig ang Gabi. Maliwanag ang buwan , tanging huni ng ibon at kuligkig ang naririnig ko.
Nagsindi ako ng apoy , nagsiga sa malapit lang sa may tent , pampawi ng lamig.
° Anak ,Mahal na Mahal Kita. Sana Wala kang galit sa amin ng daddy mo. Patawarin mo kame dahil sa pag iwan namin sa iyo °
Napamulat ako bigla , naka idlip pala ako. Medyo mahina na ang apoy sa tabi ko.
Bakit ba palagi kong napapanaginipan ang boses na yun ? Sino ba yun ? Nanay ko ba yun , bakit niya sinasabing iniwan nila ako ?
Naku naku ! Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 10:00 pm pa lang ng Gabi ? Naupo na lang ako ng maayos.
^^
Hanggang kailan ako mag hihintay na para bang wala nang papalit sayo ?Nasan ka man , sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon woahh . .
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sayong ngiti
Isang umagang dika nagbalik
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik' Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y Wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay
Sa Ngalan ng Pag-ibigHanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo
Nasan ka man , sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoahh . .Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintaySa Ngalan ng Pag-ibig
^^Medyo okay na ako. Kumakanta , ganyan palagi ang ginagawa ko kapag nagigising ako sa gabi dahil sa mga panaginip kong hindi maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
Suddenly , I'm In Love With A Stranger
Acción[COMPLETED] ✓ "From a stranger to someone I can't stop thinking about." "I love you! More than you'll ever know." Nakilala ba ng puso ang nakalimutan na nang isip? "Parang kilala ko siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya." Naging parte ba siya ng...