Prologue

2K 74 9
                                    

(PS: pakiplay ang kanta sa taas para mas feel ang emote Hahaha)

Sa tabing dagat sya dinala ng kanyang mga paa, matapos nyang makausap ang mg kaibigan. Masaya sya na sa wakas kahit paano ay nakakalimutan na nito ang sakit na dulot ng nakaraan.

Umupo sya sa malapit sa dalampasigan, gusto nitong nababasa ang mga paa nya. Umupo lang sya doon at tinitignan ang papalubog na araw.

"Panahon na ba para kalimutan ka? Panahon na ba para tanggapin ko ang lahat? Pero bakit ganun? Bakit malaking bahagi ng puso ang nagsasabing maniwala lang ako na babalik ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Panahon na ba para kalimutan ka? Panahon na ba para tanggapin ko ang lahat? Pero bakit ganun? Bakit malaking bahagi ng puso ang nagsasabing maniwala lang ako na babalik ka. Babalik ka pa ba? o mabubuhay na lang ako sa wala?" bulong nito sa sarili nito.

"Siguro nga panahon na para i-let go ko kayo. Siguro nga panahon na para harapin ang lahat lahat." muling sabi nito at tumayo na sya sa pagkakaupo nya.

"Lord please. Bigyan mo po ako ng isang sign para sa gagawin ko." sabi nyang muli.

Umihip naman ng malakas ang hangin, at mukhang ito ang sign na hinihingi nya. Tumalikod na sya at nagpasyang pumunta sa lugar na kung saan iiwan na nya ang lahat.

Seryoso syang nakatingin sa daan, habang mabagal ang pagpapatakbo nito. Ngunit laking gulat nito ng isang babae ang biglang tumawid sa daraanan nya. Kaagad na tinapakan nito ang preno, mabuti na lamang at hindi nito nahagip ng babae. Mabilis na bumaba ito para tulungan ang babae at tanungin sya kung okay lang ito.

Hindi pa man sya nakakalapit ay agad na tumayo ang babae at nagsabing

"Oh my goodness! Akala ko mamamatay na ako. Sorry po kuya huh. Di ko po napansin na paparating ang sasakyan mo. Sorry po ulit." sabi ng babae.

Nagulat na lamang ang binata ng makita ang hitsura nito.

"Ikaw nga! Buhay ka! Tama ako! Buhay ka nga!" sabi ng lalaki at hinawakan nito ang kamay ng babae.

"Ah, oo kuya buhay po ako kaya bitiwan nyo na po ako. Hindi nyo naman po ako nasagasaan. Buo pa naman po ang katawan ko." sabi ng dalaga.

Pero niyakap lamang sya ng binata. Niyakap ng mahigpit. Mukhang natakot naman ang dalaga. Kaya kumalas ito pagkakayakap nito at tumakbo palayo sa kanya.

Hinabol naman sya ng binata. Subalit mabilis na nakaalis ang dalaga. Kahit saan ay hindi na nya ito nakita.

"Buhay nga sya. Buhay na buhay! Pero bakit di nya ako maalala?" tanong nito sa sarili nito.

Nagpasya itong puntahan ang taong posibleng may alam ng lahat ng ito.

Malalaman ko rin ang lahat. At kung totoo man ang hinala ko. Gagawin ko ang lahat maalala lang nya ako.

"Remember me, Marydale" ang usal nito sa utak nya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note :

Hello sa inyo!  Yuhooo! Eto na naman ako Hahaha. Sana po magustuhan nyo ang book 2 ng Stolen Memories.

Expect din po na may pagbabago sa mga characters. Hindi naman po mawawala ang squad pero mababawasan po exposure nila. Sana po suportahan nyo pa rin ito.

PS : Pakibasa po ang Stolen Memories dahil baka maligaw po kayo dito hehehe.

Maraming-maraming salamat po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maraming-maraming salamat po.

(I'll try my best to update once a day po. Depende sa takbo ng utak ko hihihi.)

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon