Chapter 8

12 0 0
                                        

Kim's POV

Nandito ako ngayon sa isang madilim na lugar.Naglalakad ako at palinga linga.Pinasisingkit ko pa ang mga mata ko para lang maaninag kung nasaan ako.

Tapos biglang may lumitaw na liwanag sa kung saan man kaya sinundan ko ito.Ng matapatan ko ang liwanag ay bigla na lang nagliwanag ang buong paligid ko.

"Kyla Mae Zapanta"napatingin ako sa nagsalita.Si Angel lang pala.Pero bakit ang hinhin nya ngayon?Anong meron?Tapos bigla na lang sya umiyak.Nilapitan ko sya.Pero biglang gumuho yung lupa kung saan sya nakatayo.Mabuti na lang at nahawakan ko ang kamay nya.

"Angel humawak ka lang!Huwag kang bibitaw!"sabi ko sa kanya.Pero iyak lang sya ng iyak.Padulas na ng padulas ang kamay nya kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak ko dito.Tapos bigla na lang nagliwanag ang buo kong paligid as in yung mabubulag ka na dahil sa sobrang liwanag.

--------

Nagising ako ng mag gagabi na.NANAGINIP AKO?!At ang napanaginipan ko pa ay si Angel!Ang kaibigan ko?!Hala anong gagawin ko?!Tiningnan ko ang phone ko.At may message galing kay Angel.

Kim pupunta kami dyan ha.

Sabi dun sa text kaya dali dali akong bumaba.Pagbaba na pagbaba ko nakita ko sina Reygie,Cl,Seon at Alex.

"Si Angel?!"tanong ko sa kanila.Diyos ko po sana po walang nangyaring masama dun.Kinakabahan ako eh!

"Ah lumabas.Bibili daw sya ng soft drink eh"sabi ni Alex.Kaya naman dali dali.akong lumabas at nakita ko si Angel na may hawak na maraming soft drinks at tsitsirya.Yung tipong di na nya mahawakan lahat kasi nga madami.Nang nasa gitna na sya ng kalsada eh bigla na lang nahulog yung mga tsitsirya.Pupulutin na nya sana kaso lang may sasakyan na sobrang bilis ang bigla na lang bumusina.Nakita ko na tuloy tuloy yung sasakyan at mukang walang balak na tumigil.Kaya tumakbo ako papalapit kay Angel at tinulak ko sya.Kaya ngayong mukang ako ang masasagasaan.Hindi ito ang nakita ko sa panaginip ko!Si Angel ang nasa panganib diba?!Hindi lang natuloy kaya ngayon hindi nga sya masasagasaan pero bakit ako yata ang masasagasaan?!Sobrang lapit na nung sasakyan!Napapikit na lang ako.At may naramdaman akong may humila sakin.Pagbukas ko ng mata ko nakita ko na nakayakap sakin si Seon at nakita ko rin na nakatayo si Angel at nakatulala samin.Nakatigil na rin yung sasakyan.Humiwalay na ko sa pagkakayakap ni Seon.Nakita ko naman na lumabas ng bahay sina mama,Reygie,Alex,Cl at si Katkat.Si mama dire diretso dun sa may sasakyan.Yung iba naman ay nagpunta sakin.

"Hoy kung may balak kang sagasaan ang anak ko siguraduhin mo munang may pang-ospital ka sa kanya!"kalampag ni mama dun sa may kotse.Kaming lahat ay nakatingin lang kina mama ng magsalita si Reygie.

"Kim okay ka lang ba?"tanong nya sakin.

"Ah oo........Thank you na lang Seon......."sabi ko kay Seon at punta na sa loob ng bahay.

Hanubayan!Hanggang dito ba naman sa loob ng bahay rinig pa rin yung boses ni mama!Dapat tumigil na sila doon nakakarindi na eh!Pati kasi sina Angel,Reygie at Katkat inaaway na yung driver ng sasakyan.Oo si Katkat nga!Sya yung tagasabi ng 'Oo nga'.Halimbawa sinabi ni mama 'Kaylangan mong pagbayaran yung mga ginawa mo sa anak ko.Kaylangan mong makulong' sasabihin naman ni Katkat 'Oo nga'.Hay naku may future tong kapatid ko.Pwede syang maging abogado.

Kaya para matigil na ang mga nakakarindinh ingay ay lumabas na ako.

"Mama tama na.Di naman ako nasaktan eh.Ni wala nga akong kagalos galos."sabi ki kay mama.

"Hindi pwede yun Kyla.Kailang---"bago pa nya ituloy ang sasabihin nya ay pinutol ko na yun.

"Mama di naman ako namatay ah.Atsaka alam kong hindi ako yung nasa panganib.Si Angel talaga yun."at sila naiwang nakanganga.

Nasa loob kami ng bahay at ngayon ay nanonood.Pero pansin ko lang,parang di naman sila nanonood, nakatingin silang lahat sakin.

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan?"

"Kim pano mo nalaman na si Angel ang nasa panganib"tanong ni Alex

"Sinabi sakin ni madam Auring-__-" sabi ko sa kanya.

"Hindi nga yung totoo Kyla Mae"Angel.

"Baka kasi di kayo maniwala.Baka sabihan nyo pa akong may sayad na.Atsaka wala rin naman kayong matutulong kapag sinabi ko yun sa inyo eh"pangangatwiran ko sa kanila.Pagkatapos nun di na sila nagsalita.

Pinauwi ko na sila ng maaga.Kasi gusto ko ng magpahinga.Atsaka may quiz kaya kami bukas.Kaya eto nanaman ako natatakot sa pwedeng mangyari.Kasi matutulog nanaman ako eh.Kaya bago ako natulog nagdasal muna ako......

[okay good night na po.Dont worry po sasabihin rin ni Kim yung problema nya sa mga kaibigan nya.Maghanda sa pagdating ng bagong character!!!!!]

Saving From My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon