Chapter 16

5 0 0
                                        

Kim's POV

2nd periodic assassment na.Kaya ibig sabihin non test nanaman!Hay naku!Pahirapan nanaman tayo nito.Atsaka malapit na rin magkuhaan ng card.Ano kaya top ni Cl?Good luck na lang sa kanya.

Habang nagrereview kami ay may isang babae na sa tingin ko ay pamilyar sakin ang pumasok ng room.Dirediretso sya doon sa tabi ko at doon sya naupo.Problema kaya nito?

Halos lahat ay nakatingin sa kanya.Tapos sya nakangiti sakin.Saan naman kaya galing itong isang to?Kasi parang ngayon ko lang sya nakita sa school pero parang nakita ko na sya dati.

Tapos ay biglang dumating si Angel kasama si Reygie.

"Kim sino yan?"tanong ni Reygie.Nagkibit balikat na lang ako.

"Ako lang naman si reyna Janna!"sabi nya.Teka parang kilala ko sya ah--tama sya yung nasa panaginip ko!Hindi malaman nila Angel kung tatawa ba sila o ano.

Pero wait lang,nagkatotoo ang panaginip ko!Wag mong sabihing nandito rin yung mga maliliit na tao,kasing laki ng tao at yung mas malaki pa sa tao.

"Wag kang mag-alala Kyla wala sila dito"sabi nya.Hala!Nabasa nya yung utak ko.

"Kim kilala mo sya?"Angel.

"Oo kilala nya ako.Ako si--"

"Ah sya si Janna Fuente"

"Hindi iyun ang pangalan ko!Ako si--"hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nya ng takpan ko ang bibig nya at hinila ko sya papuntang garden.

"Asdfgjkjfddrssgvnuxssy"sya.Tapos kinuha nya yung stick nya sa loob ng bag nya.

"Hep hep!Reyna Janna wag mo yang gagmitin dito baka mapahamak ang mga tatamaan mo nyan.Atsaka simula ngayon,Janna Fuente na ang gagamitin mong pangalan.Dito walang reyna kaya please po umakto kayo ng tama.Atsaka pano ka nga pala nakapasok dito?"

"Syempre,gamit ito"sabay taas doon sa stick nya.

"Bakit po ba kayo nandito?"

"Kasi nga diba ikaw yung taga-pagligtas namin.Malapit nang sumugod yung mga taga-Land of the Nightmares sa Dream Land.Alam mo naman na ikaw lang ang tanging pag-asa namin"sya.At nag-puppy eyes pa sya.

"Kim!!"

"Hinahanap na nila ako."

"Don't worry magkaklase naman tayo eh!"

"What do you mean?!"ako.Pero imbis na sagutin nya ako ay nginitian nya lang ako.Tapos biglang dumating sina Angel kasama sina Reygie,Cl,Seon at Alex.Nandito na agad sila?!

"O Kim sino yan?"tanong ni Alex.

"Ah si Janna Fuente"nag-chin up si Janna.Pero pagkalipas ng ilang segundo ay biglang nag-iba ang aura nya.

"Ano't hindi kayo lumuluhod?!"sigaw nya.

"At bakit kami luluhod sayo?!Di ka naman prisesa o reyna!"Reygie.

"Hep hep!"pag-aawat ko sa kanila.

"Reyna Janna di ba sabi ko sayo na dito walang reyna."bulong ko kay Janna.Nag-ayos sya at bigla na lang........

"Joke lang yun"tapos nag-smile sya.Napa-buntong hininga na lang ako dahil sa mga sinabi ni Janna kanina sakin.

Habang naglalakad kami pabalik ng room ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Pano ako magiging hero kung wala naman akong alam tungkol doon.Ni wala nga akong kapangyarihan para makipaglaban.Tapos sila may mga stick na nagma-magic pero ako wala.Siguro start pa lang ng laban namin talo na agad ako.

"Wag kang mag-alala kaya mo sila.Wag ka kasing negative!"iyan nanaman po tayo.Binasa nanaman po nya ang isip ko.

"Meron ka namang kapangyarihan"sya.

"Seryoso ka?"

"Oo nga.Kaya mong magmanipula ng ilusyon.Kahit anong isipin mo mangyayari.Pero syempre di yun gagana dito.Doon lang sa Land of Fantasy."

"O ano naman yun?"

"Ang pinaglalagakan ng mga lugar na imahinasyon lang ng mga tao.Katulad ng Dream Land!Ang alam ng mga tao ay imahinasyon lang natin ito.Pero ang totoo nyan,nage-exist talaga ito.Kada may maiisip ang mga tao na kakaibang lugar,lalabas na lang yun ng kusa sa Land of Fantasy"

"Eh paano kung ang isang tao ay nag-isip ng isang imahinasyong lugar pero ang nage-exist dito ay masasamang tao?"tanong ko sa kanya.

"Lalabas at lalabas yun sa Land of Fantasy.Kaya nga kailangan namin ng taga-pagligtas sa bawat henerasyon para naman may magtatanggol samin kasi alam naman natin na ang mga tao ay open-minded at pwede mag-isip ng kung anu-ano anytime."

"So kapag nag-isip ako ngayon ng isang lugar ay lalabas yun sa Land of Fantasy?"

"Hindi"

"Bakit?!Sabi mo kapag nag-isip ang isang tao ng isang lugar ay mage-exist na yon!Bakit sakin hindi?!Tao rin naman ako ah!"

"Kasi ang mga taga-Land of the Nightmares ay sinusumpa nga ang mga nagiging taga-pagligtas ng Dream Land.Alam kasi nila na once na mag-isip yung taong yun ng lugar na alam nilang pwedeng makatalo sa kanila ay pwede silang mabura at maalis sa mapa ng Land of Fantasy.Kaya bawat nagiging taga-pagtanggol namin ay nagagamit lang ang kapangyarihan nila sa pakikipaglaban."

"So,do you mean na hindi lang ako ang naging taga-pagtanggol nyo?"

"Oo.Pero lahat sila ay nabigo.Hindi nila kinaya ang mga kalaban.Kasi ginagamit ng mga taga-Land of the Nightmares na panlaban ang mga mahal nyo sa buhay.Kaya maghanda ka sa kung sino man ang pwede nilang ipanglaban sayo."bigla akong kinabahan sa sinabi nya.Dahil doon napatigil ako at sila naman ay tuloy-tuloy lang.

"O bakit ka tumigil?"Cl na may hawak na libro.Umiling- iling lag ako sakanya.

Sakto naman na pagpasok namin ay ang pagdadasal namin.

"Okay,class listen meron kayong bagong classmate.Sya ay si--ah---ugh!!Ikaw na nga lang ang magpakilala!"tapos tumayo si Janna.Hala bakit nagaliy si sir.

"Hello sa inyong lahat!Ako nga pala si Jemenny Andrea Neildy Nadine Austrine Gumido Fende.Nice to meet you all!"napanganga kami sa sinabi ni Janna.

"Sabi mo Janna Fuentes.Eh bakit ang haba non.Atsaka asan yung Fuentes doon?"Reygie.

"Baka nickname lang ang sinabi nya sakin"ako.Tapos marami na ang nagbulong-bulungan dahil doon sa pangalan ni Janna.

"Okay enough for that.Let's start now"sabi ni sir at binigay na samin ang test paper.

Sagot lang ako ng sagot ng mapansin kong may tao sa harapan ko.Pagtingin ko,si Janna ay nasa harapan ko na.

"Anong ginagawa mo dito?Bumalik ka na sa upuan mo baka mahuli tayo ma-zero pa tayo dito"pero ngumiti lang sya.

"Tapos na kaya ako.Atsaka di nila tayo mahuhuli"

"Anong hindi?!"bulong ko.Tapos tiningnan ko ang paligid ko.Ang lahat ay nakatigil.Nakaharap samin si sir pero kahit na magsi-sigaw ako dito ay di sya gumagalaw.Pati na rin yung mga kaklase ko.Kahit sa labas,nakatigil rin ang mga tao.Pati na rin yung eroplano.Tapos pagbalik ko sa upuan ko ay tapos na yung test ko.Tiningnan ko sya at nakabalik na sya sa upuan nya tapos gumagalaw na rin yung mga tao sa paligid ko.Tapos ganun rin ang ginawa nya sa iba pang mga subject.

[Gawagawa ko lang po yung magta-transfer sa araw ng exam.Hindi ko po kasi alam kung pwede yun eh.Kaya sakyan nyo na lang po pls.^_^v]

Ang inyong author,

SweetBlueKJ<3

Saving From My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon