Cl's POV
Readers!Tulong naman oh!Paano kasi alam kong iba na itong naraamdaman ko kay Kim.Hindi na sya yung kaibigan na gusto ko laging inaasar.Hindi na sya yung kaibigan na gusto ka kasama kasi magpapatulong ako sa homeworks ko.Sya na yung KA-IBIGAN na gusto ko laging nakikita at naririnig.Sya na yung KA-IBIGAN na gusto kong kasama kasi sya yung nagkukumpleto ng araw ko.Hindi na KAIBIGAN ang turing ko sa kanya kundi KA-IBIGAN na!
Tulungan nyo ako!Pano ko to ngayon sosolusyonan?!
Argh!Basta kung ano tong nararamdaman ko ipagpapatuloy ko.Ayokong maging torpe.Okay rin naman kasi sya.Diba readers?Okay sige bukas susunduin ko sya sa bahay nila para sabay kami pumasok.
------------------------
Kim's POV
Hala naku!Kailangan ko ng magamadali!Late na ako!Bumaba na ako at nakita ko si mama na nag aayos ng agahan.Ayos ah parang ngayon ko lang nakita si mama na nag aayos ng agahan para sakin!Haha.
Kukuha na sana ako ng pagkain kaso pinalo ni mama yung kamay ko.
"Hindi yan para sayo para yan sa bisita natin!"sabi nya.Kaya pala naghahanda sya kasi para sa bisita namin.Hindi pala para sakin.Eh kung yung bisita na lang kaya ang gawin nyang anak.Para kasing mas importante pa yun kesa sakin na anak nya.Sakin na galing sa sinapupunan nya.Sakin na anak nya na gawa ng pagmamahalan nila ni papa.Okay tama na ang drama ko umagang umaga baka masira pa araw ko.
Sinundan ko na lang kung saan dadalhin ni mama yung pagkain.Gutom na gutom na talaga ako.Ng nasa sala na kami laking gulat ko sa nadatnan ko.
So si Cl pala ang bisita namin na mas mahal pa ni mama kesa sakin.Pagkatapos ni mama ilapag kay Cl ang mga pagkain ay umalis na sya don.
"Anong ginagawa mo dito?-__-"pambungad ko sa kanya.
"Good morning din^_^"sabi nya.Grabe ang layo ng sagot nya sa tanong ko.Ano nanaman kaya ang trip nitong isang to?
"Bilisan mo na dyan late na tayo!"ako.
"Hindi ka kakain?Hindi ka sasabay sakin?"sya.Dahil gutom na gutom na nga ako eh umupo na lang ako dun sa tabi nya.Binigyan nya ako ng tinapay na may palaman na cheese.
"Bilisan na natin kasi late na tayo."ako.Pero dinedma nya lang ako ako at patuloy lang sya sa pagkain kaya ako kumain na lang rin.
Napasarap kami sa pagkain kaya di na namin namalayan ang oras.Pagakatapos na pagkatapos namin kumain ay parang automatic na napatingin ako sa orasan.Shocks!7:10 na!Ibig sabihin 10 minutes na kaming late!
"Cl bilisan mo late na tayo!"sabi ko sa kanya sabay hablot ng kamay nya.Nakarating kami sa sakayan na kinakabahan ako.Tapos sya parang chill lang.Pagkababa na pagkababa namin ay tumakbo na ako kasi late na late na kami.Tapos sya naman ganon lang reaksyon nya.Hindi porket tito nya yung may ari ng school e pwede na sya pumasok kahit anong oras gusto nya!
Nang makarating kami sa room eh may mga nakatayo tapos yung iba nakupo.Napatingin samin ang lahat pagkatapat na pagkatapat namin sa pinto.
"Good morning po Ma'am"bati ko kay Mrs.Marian teacher namin sa MAPEH.Pero sya poker face lang.Lagi naman yang ganyan eh.Pero okay na rin yun atleast hindi kami nasesermonan ng maaga.
"Okay dahil late kayong dalawa kayo ang partner para sa gagawin nyong project.Bubunot lang kayo ng song dito sa box tapos kung ano makuha nyo iyon ang iprepresent nyo sa Friday"sabi ni Ma'am.Grabe Friday talaga?Eh Wednesday na eh!Kaya wala na kaming nagawa.Bumunot na ako ng kanta.At ang nabunot ko ay Breaking Free ng Highschool Musical.
"Okay now you can go to your partner and practice your song"sabi ni ma'am.Tumabi sakin si Cl at tinanong kung ano yung kanta nami.
"Ano yung kakantahin natin?"pagtatanong nya sakin.
"Breaking free-__-"sagot ko sa kanya.
"Tara practice na tayo"sabi ko sa kanya.
"Tara!"sabi nya.Anyare dito?Parang ang hyper nya ngayon ah.
Were soarin flyin.........
[Hindi ko itutuloy yung sa practice nila ha.Kapag magpeperform na lang sila^_^]
Natapos na kami sa pagpapractice at para talaga syang wala sa kanyang sariling katinuan.Ano bang nangyayare dito sa isang to?
Wala yung teacher namin sa English.May sakit daw kasi.Mayamaya pa ay lumapit samin yung tatlo.Sina Cl,Alex at Seon.
"Once upon a time tayo"sabi ni Reygie.Um-oo na lang kami sa gusto nya.Kaya nag-form na lang kami ng circle.
"Once upon a time...............first love mo?"kay Seon tumigil yung kanta kaya sya yung tatanungin.
"True or false?"tanong ni Reygie sa kanya.
"True"sagoy nya.Tapos lumapit si Cl kay Reygie at may binulong sya dito.Tumango lang si Reygie sa kanya.
"Sino yung naging girlfriend mo?"bigla akong kinabahan sa tanong ni Reygie.Tumingin sakin si Seon pero umiwas na lang ako ng tingin.
"Yung totoo ha!"pahabol ni Reygie.Tatayo na sana ako para tumakbo ng pigilan ako ni Reygie.
"Hep!Hep!Walang aalis!Ikaw talaga Kim ang kj mo!Aalamun pa nga natin yung sagot ni Seon eh!"sabi nya.Wala na akong magagawa kundi ang maupo na lang.
"Ano Seon?Sagot na!"matapang na sabi ni Angel.
"Si......................................................Kyla ang ex ko"sabi ni Seon.Parang gumuho ang buong mundo ko ng sabihin nya ang pangalan ko...........

BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Novela JuvenilIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?