Angel's POV
Hello sa inyong lahat!Ay ako nga pala si Angel Zalen ang bff ni Kim siguro naman pinakilala na nya ako sa inyo no dahil kung hindi lagot yun sakin.Ang hirap kayang mag type dito.Tapos magpapakilala pa.Wag na lang no.Mas gugustuhin ko pang maging stanger.De joke lang!
Andito kami ngayon sa bahay ni Kim at hinihintay syang bumaba.Kasama ko ngayon si Gigi(Reygie) at papa Chris.Grabe tong dalawang to kaninang kanina pa to eh.Pano ba naman nakita ko sila sa may garden tapos tinanong ko sila kung nasan si Kim sabi nila ewan daw tapos si Gigi kilig na kilig.Tapos nung nasa room kami di sila mapaghiwalay dalawa sila ang magkatabi laging nagkukwentuhan,nagtatawanan at nagbubugbugan.Tapos nung papunta na kami sa bahay ni Kim ganon pa rin ginagawa nila.At ngayong nandito na kami ganon pa rin walang pinagbago.Siguro may something na sa kanila.
"Oy anong--"ay ayan na pala si Kim.Natigil sya ng magsalita ako.
"Hi Kim bakit di ka ba pumasok ha?Alam mo.bang na o-OP ako sa kanila kasi di ako makarelate sa pinagkukwentuhan nila"sabi ko sa kanya ng sunod sunod.Hihi.Ang cute kagigising lang nya siguro kasi ang gulo pa ng buhok nya eh.Sarap picturan at ilalagay sa google at lagyan ng scariest picture.Hehehe pero joke lang yun no bff ko kaya yan.Namula sya bigla ng makita nya si Papa Chris at ganon din si papa Chris.Hihi ang cute nilang dalawa para silang cherry.
"A-anong ginagawa nyo dito?"tanong nya.
"Ah mamamasyal lang tayo"sabi ni Gigi.
"E ikaw anong ginagawa mo dito ha!"sabi ni Kim na halatang naiinis.
"Ah sasama sya satin Kim"sabi ni Gigi at talon.Para syang bata.
"Walang aangal kailangan sumama ka!"sabi ko sa kanya.Wala syang nagawa at umakyat na sya sa taas.Eh wala naman talgang magagawa yun e mapipilit namin sya kahit na anong mangyare sya lang yung nagpapahaba nung senaryo na yun no.
Pagkababa na pagkababa nya hinatak ko na sya papunta sa sakayan ng jeep kasi mag gagabi na rin eh.Wala syang nagawa kundi ang magpahatak.Pati yung dalawa tumatakbo na rin.Parang may humahabol samin.Yung sa action movie.Nakarating kami sa sakayan at hingal na hingal kami.Grabe parang naubusan akong hangin don ah.Teka lang ha*kinapa yung puso*baka kasi may butas na kasi sobra na yung hingal ko e.
May jeep naman na dumating kaagad.Grabe siksikan kami dito.Tumigil ulit yung jeep at may ale na sumakay e puno na.Tumayo si papa Chris pinaupo yung ale.
"Dito ka na po lola oh"sabi nya.Grabe ang gentleman naman ni papa Chris kaya crush ko yan eh.
Narating na namin ang mall.Grabe ang daming tao kahit mag gagabi na.Panong di dadame eh yung iba ngayon pa lang namimili ng school supplies.Tapos yung ibang istudyante dito rin pumunta pag katapos ng klase nila.Sinong nakakarelate?Hehehehehe.
Nakipag siksikan kami sa mga tao hanggang sa marating namin yung mcdo.Pupunta na sana ako sa counter ng may maalala ako.May kasama nga pala ako.Pagtingin ko sa likod ko kasi nga tatanungin ko sila kung ano gusto nila ay wala sila.Kaya bumalik ako.Ganun na ba ako kabilis maglakad para di nila ko maabutan.Ah basta hahanapin ko lang sila.
----------------------------------
Ano ba yan halos 30 minutes na akong naghahanap dito pero di ko sila makita.Umupo na lang ako don sa may bench.Paiyak na talaga ako.Di ko pa naman kabisado to kasi di naman ako pala labas eh.Pano nato.Tutulo na talaga yung luha ko.
"Okay ka lang"tanong nya tinanguan ko na lang sya.Hindi ko sya makilala kasi nakashades sya.
"Your not okay"sabi nya.
"Hindi okay lang talaga ako"sabi ko at umalis na don.Lalabas na nga lang ako.Nasa malayo pa lang nakita ko na sina Kim napangiti ako bigla at tumakbo papunta sa kanila.Niyakap ko si Kim.
"God Angel san ka ba nagpunta?!Alalang alala ako sayo!"sabi nya sakin.
"Hindi okay lang ako.Uwi na tayo"sabi ko sa kanya at umuwi na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/21604006-288-k137954.jpg)
BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Teen FictionIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?