Kim's POV
Ng matapos na ang exam namin ay bigla na lang ako hinila ni Janna sa kung saan man.
"Teka lang Janna!Masakit!Saan mo ba ako dadalin?!"tanong ko sa kanya.
"Kim kailangan na nating magsanay!Malapit na silang sumalakay!"sabi nya sakin.Wow!Kailangan magka-rhyme
"Eh saan nga tayo pupunta?!"
"Sa Dream Land!"tapos bigla nyang kinuha yung stick nya at kumumpas sya.Lumabas dito ang isang portal.Tapos ay para kaming hinihigop ng portal.
"Di mo na kailangan yan!"sigaw nya at tapon doon sa salamin ko sa mata.Tapos ay hinigop na kami ng portal.
"Waaaahhhhhh!"sigaw ko pero sya parang cool lang.
Tapos bigla na lang kaming bumagsak sa lugar na napanaginipan ko.Lahat ng nilalang doon ay napatingin samin.Tapos ayun nanaman ang mga tingin nilang pwede nang makapatay.
"Aray!!A-ang bigat mo!!"tapos narinig ko na lang si Janna na sumigaw.Ay nadaganan ko pala sya.Kaya pala halos patayin na ako ng mga tingin ng mga taga-dito.Tumayo na ako ta inalalayan ko si Janna na tumayo.
Nang pagtayo ni Janna nagluhudan ang mga nilalang dito.
"Tawagin ang sasakyan ko!"sabi ni Janna.
"Meron pa lang ganun dito Janna!"tapos ay bumalik ang mga tingin nila sakin na galit na galit.
"Kapag nandito ka,reyna Janna ang itawag mo sa akin kung ayaw mong maging pira-piraso"tumango na lang ako sa kanya..Tapos ay biglang dumating ang isang malaking ibon.Doon kami sumakay.
"Handa ka na ba?"hindi pa ako nakakasagot nang biglang lumipad yung ibon.Wahhhhh!Ang tinde nito!Halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko!Tapos ay inilapag kami ng ibon sa isang napakaganda at malaking palasyo na kulay pink at yellow.Ang ganda dito!
Tapos ay nagpunta sya sa isang malaking garden na puro puno sa gilid.Ang mga punong iyon ay may mga gintong dahon.Ang ganda talaga!
"Dito ka magsasanay"sabi nya.
------------------------------
Cl's POV
Katatapos lang ng exam namin at eto ako ngayon naghahanap kay Kim.Sabi nila kasama nya daw yung bagong transfer.Saan naman kaya sila nag-punta?Baka naman nasa garden sila.
Kaya pumunta ako ng garden.Naglalakad-lakad ako ng may mapansin akong salamin.Parang salamin ito ni Kim.Asan kaya sya?
Tapos ay bigla na lang humangin ng malakas.Kasabay non ang pagbukas ng isang portal.Hinigop ako nito at dinala sa kung saan man.
Pagbaba ko ay bumulaga sakin ang isang lugar na madilim.Hanggang sa unti-unting lumiwanag pero yung kaunti lang.Nakakita ako ng mga bahay-kubo.Tumingin ako sa langit at ito ay madilim at kumikidlat-kidlat pa.
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang open place.Tapos bigla na lang may sumulpot na mga nakakatakot na mga nilalang.Nakapalibot sila sa akin at palapit sila ng palapit sa akin.
Nang sobrang lapit nila sa akin ay tsaka sila tumugil.Tapos ay may lumapit sa akin na isang babaeng nakaitim.
"Christian Lawrence Drato"sabi nya.
"Sino ka?Paano mo nalaman ang pangalan ko?Nasaan ako?"sunod-sunod ang pag-tanong ko sa kanya.Tapos ay ngumiti sya at lumapit sa akin.May binulong sya sa akin na di ko maintindihan.Tapos ay para na akong nahihilo.Unti-unti akong napapikit hanggang sa matulog ako.
----------------------------------
Pagkagising ko ay nakita ko yung babae na nakatalikod sa akin.Nandito kami ngayon sa isang kwarto na kulay brown.Puro usok pa at sapot!Hindi ba sila naglilinis.Kadiri naman.Tapos ako nakatali sa upuan.
"Gising ka na pala"sabi nya at humarap sakin.
"Hindi hindi!Tulog pa ako.Nagi-sleep talk lang ako"sabi ko sa kanya At sya naman ay napangisi.
"How rude"sabi nya at kumumpas sya.Kasabay non ang pagka-kuryente ko.
"Aaaarrrrrrgggggggghhhhhh!!"sigaw ko dahil sa sakit.
"Ano ba kailangan nyo sakin ha?!"sigaw ko sa kanya.Tapos ay lumapit sya sakin at may nilabas na kutsilyo.Anong gagawin nya sakin?!!
"Hoy anong gagawin mo sakin?!Bakit ka may hawak na ganyan?!"tanong ko sa kanya.
"Relax ka lang.Ang kailangan ko lang ay ang dugo mo"
"Anong gagawi--Aaaaarrrrrrgggghhhhh!!!"hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang hiwain nya ang braso ko.Tumulo ang dugo ko at sinahod nya ang isang mangkok.Nang mapuno na ito ay tinanggal na nya ito atsaka lumapit sa hiwa ko at hinalikan nya ito.Nagulat ako nang ito ay maghilom.Tapos ay may binudbod sya doon sa mangkok na may dugo.Tapos bigla itong nangitim.Napangisi bigla yung babae na ikinatakot ko naman.
Tapos ay biglang sumakit yung pulso ko hanggang sa maging buo kong katawan ay sumakit na rin.Habang sumasakit ang buo kong katawan ay bigla na lang umangat ang kamay ko.Tapos ay may biglang nabuo na imahe sa pulso ko.Isa itong bilog na may bungo sa loob.Hanggan sa sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay.
-------------------------------
"Cl gising!!"nagising ako nang may yumuyugyog sa akin.
"Grabe pare binangungot ka!"sabi ni Alex.
"Ha ganun ba?"sabi ko at bumangon na ako.So,panaginip lang pala ang lahat.Akala ko totoo na.
"Nakita nyo ba si Kim?"nakita ko na bumusangot ang muka ni Seon.
"Hindi.Pero baka nasa bahay na nila yun.Ano uwi na tayo?"napatango na lang ako sa kanila.Habang naglalakad kami ay bigla na lang sumakit ang pulso ko.Napatingin ako dito at nakita ko yung imahe na nasa panaginip ko kanina.Kinusot ko yung mata ko at pag mulat ko ay wala na ito.Napailing na lang ako dahil dito.

BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Dla nastolatkówIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?