Reygie's POV
Hello mga readers!Ako nga pala si Reygie Aquino.13.At ako ang best friend ni Kim.Ay na ko alam nyo ba masyado pa syang pa hard to get eh gustong gusto naman nya.Wag kayong maingay ha nagtatago kasi ako ngayon dito sa may damuhan tinitingnan ko sila ni papa Christian at--AY!!!!!Wahhhhahahahaha nagkiss sila haha kitang kita ko na namumula silang dalawa hahah.Hay nako Kim nakahanap ka na ng katapat mo!
Biglang tinulak ni Kim si papa Chris.Ang kj naman!At dahil di ko na mapigilan ang makilig bigla na lang akong natawa ng kinikilig.
"Ihihihi"tawa ko.Nakita ko na papalapit sakin si Kim.Hala anong gagawin ko.Hala hala hala!!!!
"Ah Kim sorry na"sabi ni papa Chris.
"Dont call me Kim were not close"sabi ni Kim wahhh nag eenglish ang bebe namin.Pero sobrang kj nya talaga promise.At umalis na sya.Hay salamat akala ko malalagot na ako don eh.Tumingin sa direksyon ko si papa Chris.
"Labas na dyan wala na sya"sabi nya.Hala pano nya nalaman na nandito ako?Hindi kaya nakakabasa sya ng iniisip ng tao hehehe ano to I Hear Your Voice.Weh Reygie masyadong corny!Kaya naman lumabas na ako ng nakangiting pilit.
"Ah ikaw pala yan Reygie....Ah Reygie pwede mo ba akong tulungan--
Kim's POV
Umuwi na ako sa bahay.Hindi na lang ako papasok nakakainis kasi kung makikita ko pa yung lalaking yun grabe na ang pagkasira ng araw.Ngayon ko pa lang sya nakilala pero sobra na ang inis ko sa kanya.Di ko alam kung bakit.Basta inis na inis ako dun.Di na lang ako magpapaalam kina Reygie.Isa pa yun nakakainis rin yon.Alam ko na sya yung nanonood sa amin.Anong akala nya sakin telenovela.Makatulog na nga lang.Ito ang kinatatakutan ko ang matulog.At ito rin ang problema ko.Kapag kasi ako natutulog nananaginip ako ng nakakatakot yung parang may mangyayaring masama dun sa panaginip ko.Tapos pag gigising na ako mangyayari yon pero hindi ko naman talaga maaalis yung katotohanan na hindi ako matutulog.Kasi dahil dito namatay ang papa ko.Napanaginipan ko na si papa raw ay masasagasaan habang sya ay pauwi.Pagkagising ko umiiyak si mama tinanong ko sya kung bakit ang sagot nya ay wala na raw si papa.
Humiga ako sa kama ko ng may luha sa aking mga mata.Walang nakakaalam nito kundi ang sarili ko lang kasi wala namang matutulong yung iba eh at isa rin ito sa dahilan ko kung bakit mas pinili kong manahimik na lang para hindi ko na madamay yung iba.Kasi lahat ng kilala ko lang yung napapanaginipan ko.(evil smile)sana mapanaginipan ko si Cl.Hahahaa.Kaya naman natulog na ako.
---------------
Pagkagising ko nakabusangot ako.Paano ba naman wala akong napanaginipan.Yan din ang isa kong problema eh pag gusto kong mapanaginipan yung mga nakakaaway ko hindi ako nanaginip tapos yung mga kaibigan ko pa yung mga napapanaginipan ko.Sabi nga nila expect the unexpected.
Biglang pumasok si mama sa kwarto ko.Enebeyen meme.Di man lamang kumakatok bastos lang.Pano kaya kung gumagawa ako ng milagro dito tapos bigla nyang bubuksan edi di matutuloy,aba!Kung sino man ang nagiisip ng kung ano ano dyan mali po ang iniisip nyo.Ang tinutukoy ko ay pano kaya kung maglilinis ako tapos bigla syang pumasok edi hindi matutuloy kasi ayokong naglilinis sa harap ng mama ko kasi pag nakita nya ako sasabihin nya 'ang sipag sipag naman ng anak ko tingnan mo pati yung buong bahay malilinis mo' tapos kapag ayaw ko sasabihin nya 'wala kang baon ng isang linggo' kaya ako susunod na lang.Kasi hindi ako naglilinis ng kwarto ko kaya milagro kapag naglilinis ako.Si mama kasi laging naglilinis.O diba!Buhay senorita.By the way back to reality.
"Bakit"tanong ko kay mama.
"Sina Angel nagaantay sa baba bakit daw di ka daw pumasok?"sabi nya.Bumaba na lang ako at pinuntahan sila.Grabe sila inubos nila ang pagkain sa ref.Kasi iyon yung una kong nakita pagbaba ko eh.Ang daming pagkain sa sala!
"Oy anong---

BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Teen FictionIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?