Chapter 15

3 0 0
                                    

Cl's POV

Saan na kaya dinala ni Seon si Kim?Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?Bakit kasi nya kinuha si Kim?!Tapos bakit bigla na lang sumama si Kim kay Seon?!

Nandito ako ngayon sa gate ng school.Naghihintay.Nagtatanong sa sarili.Umaasang may sasagot sa mga tanong ko kahit na wala namang nakakarinig.

Bigla na lang may naupo sa tabi ko.

"Di ka pa naglalunch ah"Reygie.Pero di ko sya sinagot.Paano naman ako makakapag lunch kung hindi masagot ang mga tanong ko.Paniguradong hindi ako makakakain ng maayos.

"Babalik rin yun.Nandito pa kaya bag nya."sabi naman ni Angel.Nginitian ko na lang sila.

"Ihhh.Papa Chris naman wag kang ngumiti nakaka in love ka!!!"sabi ni Angel.Ang kulit nila!Hahaha!

Tapos nakita ko si Kim na naglalakad papasok sa gate.

"O anong ginagawa nyo dyan?"gulat nyang tanong samin.Tumayo ako at niyakap ko sya.

"Hoy ano yan Cl ha?!Tsansing na ha!!"sabi nya.

"Saan ka ba nagpunta ha?!"sabi ko sa kanya.Tapos bigla na lang sumulpot si Seon.

"Hoy Seon!Saan mo dinala si Kim ha?!"sigaw ni Reygie.Lumapit si Reygie kay Seon atsaka piningot sya sa tenga.

"Reygie tama na.Nag usap lang naman kami."sabi ni Kim.Sobrang mahinahon sya ngayon ha.Ano kaya pinag- usapan nila.

"Inayos lang namin ang dapat na ayusin"bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kim.Hindi kaya nagkabalikan na sila?Sana hindi naman.

"Inayos lang namin ang lahat.Hindi sa nagkabalikan na kami,naging magkaibigan lang kami ulit."sabi ulit ni Kim.Ano ba itong isang to.Mind reader ba ito?Bakit nasasagot nya ang mga tinatanong ko sa isipan ko?Pero masaya ako kasi hindi nangyari yung mga pinag iisip ko.

Napangiti na lang ako.

"Ihhh.Iyan ka nanaman papa Chris sa ngiting mong yan eh!"sabi ni Angel.

"Tara kain na tayo"sabi ko.Kaya nagpunta na kami ng canteen.Kumakain lang kami ng magtanong si Reygie.

"Si Alex?Nasaan yung isang yun?"tanong nya.

"Hayaan mo na lang yung isang yun.Wag na lang natin syang problemahin.Malaki na yun!"Angel.Tapos kumain na kami.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami pabalik ng room.Sila Reygie,Angel at Seon ay nauuna.Tapos si Kim ay nasa bandang hulihan kasi nagbabasa sya ng libro.Sinabayan ko sya sa paglalakad.Napatingin sya sakin atsaka nya binalik yung tingin nya doon sa libro.

"Pwede na ba akong mangligaw sayo?"tanong ko sa kanya.

"Papayag ako kung makakasama ka sa top 10 sa second grading"sabi nya.Naku po!Mukang malabong mangyari yun!

"Ha?Hehehe.Sige"pano ba yun?Napasubo yata ako.Pero kakayanin ko yun.

--------------

Kim's POV

Hahahaha.Bahala sya dyan.Mag aral muna sya ng mabuti.

Pagakadating namin sa room ay agad na umupo si Cl atsaka kumuha ng libro at nagbasa ng nagbasa.Hindi nya kinuha yung notebook nya kasi di naman sya nagsusulat ng notes eh.Tapos biglang dumating si Alex na may dalang bola.

"Pare may sakit ka ba?Anong nangyare sayo at may hawak ka nyan?"sabi nya kay Cl.

"Wag kang maingay!"sabi ni Cl.Hahahahaha!Seryoso nga sya.Tapos bigla na lang kinuha ni Alex yung libro na hawak nya.

"Mamaya na yan!Laro muna tayo ng basketball!"

"Ano ba akin na nga yan!"Cl sabay kuha doon sa libro.Nagulat naman si Alex sa inasal ni Cl.Hahahaha!Gagawin nya nga talaga.Joke ko lang naman yun eh.Pero dahil gagawin nya nga pwes pangatawanan nya!

"Pre anong nangyari sayo?!"pago-overact ni Alex.Nakakahiya na nga ang ginagawa nya eh.Tapos bigla na lang syang pumunta sa board sa harap at nag walling.Nagtatawanan na nga ang mga kaklase ko dito eh.Para syang tanga.Kaya ang ending di na sya naglaro.

Lumipas pa ang mga araw at puro libro na lang ang hawak nya.Tapos minsan sya pa ang nangunguna sa mga quizes.Baka nga makasama sya sa top 10 this quarter.

Pero okay na rin yun.Okay kasi sya.Sa totoo nga nyan eh nagugustuhan ko na sya.Pero kailangan nya munang patunayan na makakasama sya.

Nandito kami ngayon sa garden.Ako nakaupo lang.Sila Reygie at Angel nagkukwentuhan.Tapos sila Seon at Alex kumakain.At si Cl nag babasa ng libro.

"Ahhh!"biglang sumigaw si Cl.Kaya kami nagulat.Nasanay na kami dyan.Kada magbabasa sya tapos may matututunan na bago ay bigla na lang syang sisigaw.

Tahimik lang kaming anim dito ng bigla akong kabahan,hindi ko alam kung bakit.Bumibilis ang tibok ng puso ko.Hindi mapakali ang isipan ko.Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila para makauwi na ako.Hindi na kasi tama itong nararamdaman ko eh.Tapos sumabay sakin si Cl.Ihahatid na lang daw nya ako.Baka daw kasi may masamang mangyari sakin.Papagabi na rin kasi.

Habang naglalakad kami ay parang nagdidilim ang paningin ko.Hindi ko alam ang nangyayari.Parang inaantok ako.

"Kim ayos ka lang ba?"Cl

"Hindi ko alam"sabi ko sa kanya.Tapos bigla na lang nanghina yung tuhod ko.Tumigil ako sandali.Parang nakapikit ako kasi ang dilim na ng paligid ko tapos naramdaman ko ang matigas na lupa kasabay nito ay ang pagsigaw ni Cl sa pangalan ko.

"Kyla!"

At pagkatapos noon ay wala na akong narinig pa.

Nagising na lang ako ng parang may bumubulong.At ang lambot na ng hinihigaan ko.

"Kyla"

Hala ano yun?!Parang ayaw ko na tuloy idilat ang mga mata ko.Nakakatakot kasi yung boses nya.

"Kyla"

Hala ano ba yun?!Natatakot na ako ha!Pero parang may sariling buhay ang mga mata ko at kusa na lang bumukas ito.

Pagkagising ko nakakita ako agad ng rainbow.Wow ang ganda!Tapos bumangon na ako.Bulak?!Bulak ang hinihigaan ko?!

"Kyla"

Naku iyan nanaman yung boses na yun!Pero tiningnan ko ang paligid ko kung sino yung tumatawag sakin.Pero wala naman.

Pero ang ganda talaga dito.Kulay bue ang sky.Kulay pink ang mga bulak na tinatapakan ko ngayon.Tapos may mga cake pa na mas malaki kesa sakin.Tapis may mga lumilipad na candy.

"Hahahaha!"narinig kong may mga tumatawa.Kaya sinundan ko kung saan nanggagaling yung tawa.

Tapos napunta ako sa lugar na puro chocolates.Ang sarap naman!Tapos nakita ko na may maliliit na tao na may pakpak ang naliligo sa chocolate.Natigil sila sa ginagawa nila ng makita nila ako.

"Hehehe!Hello!"sabi ko sa kanila.Pero parang nagalit sila sa akin.Lumipad sila papunta sa akin at hinila ako papunta doon sa chocolate.Doon pinagbabato nila ako ng chocolate.Hala ang lagkit!Kaya naman tumayo na ako at tumakbo na papalayo sa kanila.Pero hinabol nila ako.Grabe warfreak sila!

Tapos dinala naman ako ng mga paa ko sa isang lugar kung saan may mga bahay na kulay puti o di kaya naman kulay asul.Nakakatakot itong lugar na ito.Nakita ko na biglang tumigil ang mga maliliit na tao na lumilipad at parang takot na takot sila.Bakit kaya?Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.Napatigil ako ng may mga tao na kasing laki talaga ng totoong tao ang naglalaban.Naglalaban sila ng gamit ang isang stick.Tapos may mga naglalaban din sa taas.Nakasakay sila sa walis tingting na may mahabang stick.Doon sila nakaupo.Yung nasa bandang parte ko ay mga nakaputi tapos sa kabilang dako naman ay nakaitim.

Tumakbo ako paalis doon sa lugar na yun kasi baka madamay pa ako.

Saving From My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon