Chapter 11

10 0 0
                                        

Kim's POV

(Flashback)

Nandito ako ngayon sa school.Umiiyak.Pano ba naman kasi sinira ni Marina yung drawing book ko.

May isang lalaki na lumapit sakin at nag abot ng panyo.

"Bakit ka umiiyak?"tanong nya sakin.Hindi ko sya sinagot at patuloy pa rin ako sa pag iyak.

Hindi na ako makahinga ng maayos kasi pahikbi hikbi ako.Tapos biglang umalis yung lalaki.Akala ko naman icocomfort nya ako.Yun pala aalisan nya ako.Kaya eto ako ngayon iyak pa rin ng iyak.

Maya maya pa ay dumating sya na may dalang tubig.Binigay nya sakin ito.Kaya ininom ko ito.Ng parang okay na ako, ay tinanong na nya ako.

"Bakit ka umiiyak?"tanong nya sakin.

"Yung classmate ko kasi pinunit yung drawing book ko"para akong bata na naagawan ng candy at nagsusumbong sa nanay nya.

"Hayaan mo na lang sya.Siguro naiingit lang sya sa drawing mo.Baka kasi maganda drawing mo.Kaya hayaan mo na lang sya.Hindi naman ikaw ang magkakasala"sabi nya.Kaya naman napangiti ako.Ang dami naman nitong alam.

"Ako nga pala si Seon Galataw.Ikaw?"sabi nya.

"Kyla Mae Zapanta.Teka lang dito ka ba nag aaral?"tanong ko sa kanya kasi parang ngayon ko lang sya nakita.

"Ah.Hindi binisita ko lang yung kaibigan ko dito."sabi nya.Pagkatapos nang araw na yun ay lagi ko na syang nakikita sa school.Kung hindi nya dadalawin ang kaibigan nya,ako ang dadalawin nya.Kaya mabilis na napalagay ang loob ko sa kanya.Aaminin ko crush ko na sya.

Pagkalipas ng isang taon ay pumunta sya sa bahay namin.Ayos na ayos sya.Ano okasyon?Niyaya nya akong mamasyal.Kaya naman nagpalit na ako ng damit.

Habang naglalakad,kami ay kumakain.

"Kyla may aaminin ako sayo"sabi nya sakin.Kaya naman napaisip ako sa kung ano man ang sasabihin nya sakin.

"Ano yun?"tanong ko sa kanya.

"Kyla....ano kase................uhm..............ano Kyla................"napabuntong hininga sya.

"Kyla crus--mali mahal kita.Hindi ko alam pero ito yung nararamdaman ko eh.Pero sana wag kang magagalit sakin.Sana wag maputol yung friendsh--"naputol yung sasabihin nya ng magsalita ako.

"Mahal din kita"bigla syang napangiti sa naging sagot ko.

"So ano tayo na?!"tanong nya sakin.

"Hindi naman pwede yun.Kailangan mo munang ligawan ako."sabi ko sa kanya.O diba ang bata ko pa.10 pa lang ako lumalandi na aketch.Kaya sya naman ay nagpursigi sa panliligaw.At ako naman wala pang dalawang buwan eh sinagot ko na!

Mabait naman sya.Caring syang bf.Pero kailangan naming itago ang relasyon namin.Kailangan walang makaalam nito kahit pa ang mga kaibigan namin.Kasi kapag nalaman ni mama ito baka palayasin ako sa amin.

Hanggang sa dumating na ang 1st anniversary namin.Excited talaga ako.Sa park ako maghihintay.Doon sa park na lagi naming pinupuntahan.Ang usapan namin ay 4:00.Kaya dumating ako ng 4:30.Hihihihi.Okay na yun no,siguro naman maiintindihan nya kung bakit ganong oras ako nakapunta.

Pero nagulat ako ng wala pa sya.Kaya naman kinuha ko ang cp ko para itext sya.Ang kaso nakalimutan ko.Yan kasi sa sobrang excitement nalimutan yung cp nya.Kaya nag hintay na lang ako.

Pero 6:00 na wala pa sya.Siguro naman naghanda lang sya ng mga pagkain para sakin para dito na kami kakain ng dinner.Kaya nag hintay pa ako hanggang 8:00.

Pero 8:00 wala pa sya.Iiyak na talaga ako.Makauwi na nga lang.Matutulog na lang ako.Sana mapanaginipan ko sya!Pero joke lang yun.Kaso malay ba natin na nagkasakit sya.Kaya okay lang.

Naglalakad lakad na ako ng may mangharang sakin na lalaki na nakahood.

"Sumama ka sakin!"sabi nya at marahas nya akong kinaladkad sa kung saan man.Iyak ako ng iyak.Hanggang sa mapunta kami sa isang madilim at masikip na eskinita.

"Akin na yang bag mo!"sabi nya.Pero inilayo ko yung bag ko.Wala syang makukuha dito.Nagdala lang ako ng bag kasi wala lang.Pero di ko pa rin ito ibibigay.Ang mahal kaya ng bag nato.

Hinila nya sakin yung bag ko pero hinila ko ito pabalik.Kaya ang kinalabasan nag tag-o-war kami.Pero naglabas sya ng kutsilyo at dinaplisan nya yung braso ko.Pero malalim yung hiwa.Kaya naman napabitiw ako sa bag ko.At sya naman ay tumakbo na.Iyak ako ng iyak dahil ang hapdi ng sugat ko.Tapos bigla pang umulan.Grabe ang boyfreind ko no.Sya na ang da best bf ever.Pag nakita ko sya makikipag break na ako sa kanya bilang reward.Grabe pinaranas nya sakin to.Dumaan muna ako sa park.Doon ko muna ilalabas lahat ng galit ko sa kanya.Ang kaso lang nakita ko sya doon.

Nilapitan nya ako at halatang gulat sya sa nakikita nya ngayon.

"Kyla anong nangyare sayo?"tanong nya sakin.

"Hayaan mo na hindi na to mauulit.Hindi na ako magpapagabi ng uwi dahil sa kahihintay sayo.Kasi break na tayo"sabi ko sa kanya.Ang sakit talaga.Sa puso at sa braso.Iyak pa rin ako ng iyak.Kaya naman tumakbo na ako at naghanap na ng tricycle.Kailangan ko na makauwi.Naririnig ko pa na tinatawag nya ako,pero mas binilisan ko lang ang takbo ko.Wala na akong pakialam sa kanya.Di ko na sya boyfreind.

(End of flashback)

Naiiyak talaga ako tuwing maaalala ko yun.Kase ang sakit talaga eh.Ang sakit sa braso.Imaginin nyo ang lalim nung hiwa tapos pumapatak pa yung ulan dun.Diba ang sakit nun?

Okay aaminin ko masakit rin sa puso yun.Eh totoo naman diba.

Kaya naman pagkatapos ni Seon banggitin ang pangalan ko ay tumakbo na ako.Ito naman ang lagi kong ginagawa eh ang tumakbo.Ang takasan lahat ng problema.Kasi kapag tumatakbo ako hinihingal ako.Kapag hinihingal ako di ako makhinga.Kapag di ako makahinga di na ako iiyak baka kasi mamatay ako eh.Hinihingal na nga humihikbi pa!Oh ano kinalabasan nun?Edi tsugi!Atsaka kapag tumatakbo ako parang nakakalimutan kong may problema ako.Kasi diba nakafocus ka lang sa dinadaanan mo hindi doon sa problema mo.Hehehehehe.Kung tumakbo na lang kaya ako forever.Pero di ko kaya yun. Kaya shashadap na lang ako at tatakbo na lang!

Saving From My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon