Cl's POV
Hindi ako makapaniwala na si Kim yung ex ni Seon.So nagkaron na sila ng relasyon!Kaya pala.Kaya pala ganon na lang ng galit ni Kim kay Seon.Pero siguro naman hindi na mahal ni Kim si Seon diba?Kasi naman kung mahal pa nya,pano lang ako?Teka bakit ba ako ganto.Eh hindi naman sakin si Kim!
Pero mahal ko na sya!Ayoko na masaktan ulit ako dahil sa pag papaubaya!Basta kung mahal pa ni Kim si Seon, hindi ako papayag.Hindi ko pa nga nasasabi kay Kim na mahal ko sya tapos talo na agad.Hindi pwede yun!Ang unfair nun!
Wala akong pakialam kung kaibigan ko ang kakalabanin ko.Basta kung ano yung gusto ko doon ako.
Kaya naman sinundan ko si Kim.Nakikita ko na habang tumatakbo sya ay pabagal sya ng pabagal hanggang sa tumigil sya kaya naman susunod ako.Titigil din ako.Tapos mamaya maya pa ay tatakbo ulit sya so ako sunod lang.Tapos tumugil ulit sya kaya ako tumigil rin.Tapos tumakbo ulit sya!Ano ba?!Nakakapagod na ha!Ano ba tumatakbo sa utak nitong babaeng to.Di naman malaman oh!Tapos tumakbo na sya hanggang sa makarating sya sa park na sobrang layo sa school namin.
Grabe tong babaeng to.Halimaw!Tinakbo nya lang ito mula school hanggang dito!Kung para sa kanya mga tatlong kilometro lang yun,pwes para sakin hindi yun LANG!
Ang layo kaya!Wait lang ha.Check ko lang puso ko kung butas na.Baka kasi pag pumasok sya dito baka makalabas pa sya.Hindi yun pwede!
Nakakatakot ba akong magamahal.Sorry ha.Masyado kasi akong nasaktan sa first love ko eh.
Tapos lumapit si Kim sa isang bench na may katabing puno at doon sya naupo sa bench.Kaya ako lumapit na rin sa kanya.Halatang gulat sya ng makita nya ako na nandoon.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong nya sakin.
"Sinundan ka.Grabe ang halimaw mo .Tumakbo ka ng ganung kalayo!Hingal na hingal kaya ako!"sabi ko sa kanya.
"Sino ba may sabing sundan mo ako"tanong nya.
"Ito^_^"ako sabay turo sa puso ko.
"Corny mo gago!"sya.Naupo na lang ako sa tabi nya.
"Mahal mo pa ba si Seon?"tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman natanong?"sya.
"Wala lang.Eh basta sagutin mo na lang."
"Sige aaminin ko oo may gusto pa nga ako sa kanya.Pero hindi na iyon tulad ng dati hindi ko na sya mahal pero may konting pagtingin pa naman ako sa kanya."sya.Nasaktan po ako ng sobra sa sinabi nya.Ang sakit!
Kung may pagtingin pa sya kay Seon, at si Seon ay may gusto rin sa kanya, ibig sabihin pwede pang bumalik ang dati.Pwedeng maging sila ulit.
"Kim pano kung mahal ka pa ni Seon?Posible bang mahalin mo ulit sya?"
"Depende.Depende yun sa ipapakita nya."sya.
Kailangan hindi ito malaman ni Seon.Kailangan hindi malaman ni Seon na may gusto pa rin si Kim sa kanya.Kundi baka magkabalikan sila.Hindi pwede yun!
"Pano kung may manligaw sayo.Posible bang hindi na lumago pa yung pagtingin mo sa kanya?"
"Uhm.Oo.Basta yung lalaking yun yung magpapasaya sakin.Yung oras nya ay alay nya para sakin,pero kailangan rin naman yung nakatuon sya sa pag aaral.Ayun!"
"Kim......I.Love.You"parang nagulat sya sa sinabi ko.
"Uhm.Sorry Cl hindi ako handa dyan eh.Kasi dahil doon sa dinanas ko kay Seon parang may nagsasabi sakin na pag aaral muna ang atupagin ko."dahil sa sinabi nyang yon ay parang gumuho ang mundo ko.Pero Cl fight lang!Hindi ako susuko!
Mga ilang oras rin kaming nakaupo sa may bench ng magyaya na syang umuwi.Bago yun ay bumili muna sya ng dirty ice cream.
Naglalakad kami ng sobrang tahimik.Kung para sakanya hindi yun awkward kasi may kinakain sya, pwes para sakin napaka awkward nitong scene na ito.
Maya maya pa ay bigla na lang sya pumunta sa may tindahan kaya sinundan ko sya.Hindi pa ba to nabubusog?Tapos nung tapos na sya kumain ay pumunta naman sya ng jollibee.May sawa ba to sa tyan?Tapos ay lumabas na kami.Habang naglalakad ako ay napansin kong wala na sya sa tabi ko.Hala nasaan na yun?!
Naghanap ako ng naghanap,pero hindi ko sya nakita.Bumalik ako sa jollibee nagbabakasakali lang na nandito sya.At ayun?Nakita ko na sya.
"San ka ba nangaling ha?!"
"Eh...nag--"
"Bakit di ka nag papaalam sakin?!"
"Eh kasi---"
"Di mo ba alam na nag aalala rin ako sayo ha?!"
"Eh mag hunos dili ka naman kung makasigaw ka parang nasa kabilang ibayo ako ng mundo ah!Wag kang mag alala, dyan lang ako galing sa cr!Nagpalit lang ako ng napkin!Bakit kailangan ba hanggang sa pag papalit ng napkin kasama kita?! Ha?!"pagkatapos noon ay tumakbo sya paalis.Naku nakakahiya yun!Ipagsigawan ba naman na nagpalit sya ng napkin.Ikaw kasi Cl eh!Sigurado galit yun sakin.
Sinundan ko na lang sya hanggang sa bahay nila.Pumasok na sya ng gate tapos nung papasok na ako ay bigla na lang nya sinarado yung gate ng ubod ng lakas, kaya ayun nauntog ako sa gate.
Huhu!Ang sakit!Yung matangos kong ilong!
Nagsorry naman ako sa kanya at inaccept naman nya.Syempre naman ganun kaya sya kabait!
Tapos lagi na ko na syang niyayaya kumain sa labas.Pero syempre treat ko.

BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Teen FictionIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?