Kim's Pov
(Continuation)
Nagulat na lang ako nang tumigil sila sa paglalaban at tumingin sila sakin.Oh no!Sumigaw sila at hinabol nila ako.
Tinitira nila ako gamit yung stick.Buti na lang nakakaiwas ako!Tapos napunta ako sa may gatas na kasing laki ng dagat doon nilublob ko ang sarili ko.Nakita kong tumigil yung mga tao.Tapos kasabay na pala nila yung mga maliliit na lumulipad na tao!
Tapos mula sa ilalim ay may naramdaman akong lumalangoy.Pagtalikod ko ay isang higante na kulay green ang bumungad sakin.Malaki talaga sya,sobrang laki!
Kaya eto nanaman tayo.Takbo ulit ako.Eh sino ba naman ako para labanan sila?Isa lang naman akong hamak na tao.Habang tumatakbo ako ay napansin kong wala ng kadugtong yung lupa kaya napatigil ako.Bangin na pala ito!
Tapos tumalikod ako at nakita ko na galit na galit sila.Ano ba ang nagawa ko at ganon na lang ang galit nila sakin?Eh parang ngayon lang naman kami nagkitakita.Ano nang gagawin ko?!Napapikit na lang ako sa takot.Tapos naramdamn kong parang may tao sa harapan ko.At nararamdaman ko din na tumitigil na sila sa pagtakbo papunta sakin.Pagdilat ko ng mga mata ko ay may isang babae ang nakatalikod sakin at yung mga kamay nya ay nakataas.Magara ang suot nya na kulay pink,may korona at may hawak rin syang stick.Nakita ko rin na nakatigil na yung mga humahabol sakin.
"Ano ang karapatan nyo para guluhin ang aking panauhin"sabi nung babae.
"Patawad po mahal na reyna akala po namin ay isa syang mananakop mula sa Land of the Nightmares."sabi nung higante.Reyna?Sya reyna?At ano yung Land of the Nightmares?Nakakain ba yun?
"O sige na.Maaari na kayong magsibalik sa inyong mga lugar.At hayaan nyo na kami mag-usap ng aking panauhin"sabi nung reyna DAW.
"Opo mahal na reyna"sabay sabay nilang sabi at nag-bow sila.Wow taray ni ate!Umalis na yung mga nanghahabol dakin kanina atsaka humarap sya sakin.Wow!Ang ganda nya!
"Patawarin mo ang inasal sa iyo ng aking mga mamamayan"
"Ah hindi!Okay lang po yun.Nasaan po ba ako?"pagtatanong ko sa kanya.
"Ah!Nasa Dream Land ka"sabi nya.Weh?Meron bang ganon?Masyado naman bata mag-isip ito.
"At ako ang reyna dito.Ako si reyna Janna.Ikaw ay naparito sapagkat may mahalaga akong sasabihin sa iyo.Ang aming kaharian ay nanganganib.Kailangan namin ng magtatanggol samin."
"Ah talaga po?!Marami po akong kakilala!Sina Batman,Superman,Spiderman,Green Lante--"
"Hindi sila ang kailangan namin Kyla"
"Ki-kilala nyo po ako?"
"Oo.Sapagkat ikaw ay amin nang minamanmanan buhat noong ikaw ay isilang."
"Pero bakit po?"
"Sapagkat ikaw ay mahalaga para sa amin.Ikaw ang napili para magtanggol sa aming kaharian.Ngunit isang araw ikaw ay sinumpa ng reyna ng Land of the Nightmares.Sapagkat nalaman nila na ikaw ang tatapos sa kanila.Lahat ng panaginip mo ay may mangyayaring masama at ito ay magkakatotoo."sabi nya.Nagulat ako sa mga sinabi nya.Paano nya nalaman ang lahat?!Tanga!Minamanmanan ka nga since birth diba!Ah okay.Tapos ay may isang malakas na kalembang ang biglang tumunog.
"Paalam na Kyla.Magkita na lang tayo sa mundo nyo"sabi nya.Naguluhan ako sa mga sinabi nya.Magtatanong pa sana ako nang bigla na lang lumiwanag.
Pagkagising ko nasa bahay na ako.Nakapalibot sa akin yung mga kaibigan ko,si mama at si Katkat.Grabe naman yung panagi--
Nanaginip ako?!Pero bakit hindi nakakatakot?Yung walang namamatay.Tapos parang ang ganda ng panaginip ko.Wow!First time nangyari yun ah!
"Bakit kayo nandito lahat?"tanong ko sa kanila.
"Kasi Kim nahimatay ka kanina.Kaya dinala kita dito.Tapos tinawagan ko sila at nagsipuntahan sila dito."pagkukwento ni Cl.
"Ah ganon ba?"
"Kyl-- este Kim alam mo bang 29 minutes and 59 seconds kang nakatulog"Seon.Wow ha nagkulang pa yun ng isang segundo!
"Pano mo nalaman?"
"Timer!"sagot nya.Sabi ko nga eh.Dapat mag-iisip rin ako.
"Ano ba nangyari sayo Kyla ha?!"sabat ni mama.
"Hindi ko alam"
"Hindi kaya buntis ka na?!"
"Mama naman virgin pa ako no!"
"Siguraduhin mo lang bata ka!"
"Eh totoo naman eh!"sabi ko.
"Kim ano yung napanaginipan mo?Bakit umuungol ka kanina habang natutulog?Nakakatakot ba yun?"sunod sunod na tanong ni Reygie.
"May part na nakakakaba tapos may part din na maganda!"sabi ko.Tapos bigla ko na lang naalala yung mga napanaginipan ko.
Si reyna Janna totoo kaya sya?Pati na rin yung Land of the Nightmares atsaka yung Dream Land?Maniniwala ba ako sa panaginip ko?Panaginip lang naman yun diba?Pero kasi gumugulo sakin yung mga nangyayari sa tuwing nananaginip ako.Ang gulo!!
Bumaba na kami para kumain.Oo dito sila kakain.Kung sila kumakain,ako ni hindi ko man lang nagalaw yung pagkain ko sa kaiisip sa mga napanaginipan ko.Kaya binigay na lang ni mama kay Katkat yung pagkain ko.
At nag gabi na nga.Pinapauwi ko sila pero di nila ako pinapansin.Parang hangin lang ako dito na dumadaan.
"Mag sisiuwi ba kayo o ano?!"tanong ko sa kanila.
"Mamaya na!"Angel.
"Anong mamaya na?!Alas-diyes na ng gabi o!"
"Ihhh!Mamaya na nga!"
"Yung totoo saan kayo matutulog?"
"He-he-he-he"
"Sasabihin mo ba o hindi?!"
"Di-to"
"Sinabi nyo ba kay ma--"
"Oo ako kaya nagsabi!Binayaran ko pa nga yung mama mo ng dalawang libo para dito kami matulog eh"Cl.Kaya pala dito sila kumain.
"Eh ano pa nga ba magagawa ko?"
"Yehey!"silang lahat.Kaya nag punta na kami sa aming mga kwarto.Yung boys sa extrang room tapos kaming girls sa room ko.Kaya eto nanaman tayo,bago matulog nahawakan na nila lahat ng gamit ko!
BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Teen FictionIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?