Kim's POV
Ilang araw na rin ako nagpapabalik-balik dito sa mundo at sa Dream Land.At sobrang nakakapagod!Grabe!
Akala ko dati enjoy ang pagiging hero kasi lumilipad ka,famous ka atsaka sa huli ikaw lagi ang panalo.Pero ngayon sinasabi ko na,na ang pagiging hero ay isang nakakapagod at nakamamatay na gawain.Ikaw ba naman habang nagte-training e bagsakan ng malaking bato tapos ititigil mismo sa ulo mo.Tapos kapag di mo nailagan sasabihan kang tanga!O diba!Sino matutuwa doon!
"Kim maghanda ka na!"si reyna Janna.Nandito kami ngayon sa Dream Land nagsasanay.
"Oh ano nanaman-----Wahhhhhhh!!"tumakbo ako pero hinabol ako nung malaking bato.Takbo ako ng takbo pero bigla akong nadapa.Tapos biglang tumaas yung bato at biglang bumulusok papunta sa akin.At bigla na lang itong tumigil sa ulo ko.Halos mahimatay ako sa takot doon.Bakit kasi hindi pa ako masanay doon!
"Ano ba yan Kim ilang beses na tayong nagsasanay dyan pero di mo manlang magamit yung kapangyarihan mo!Tanga lang!"sya nanaman.Sinabihan nanaman ako ng tanga!
"Aba ikaw na lang kaya ang magligtas sa kaharian mo tutal ikaw naman ang magaling eh!Ikaw na ang hindi tanga!"ako.Grabe na sya ha!Tumayo na ako at tumakbo na paalis.Pero tama sya.Tanga nga ako.Tatakbo ako at aalisan ko sya pero hindi ko naman alam pabalik samin!
Takbo ako ng takbo tapos may narating akong gubat.Nakakatakot dito.Malalaki ang puno at ang dilim pa.Lakad lang ako ng lakad ng may matapakan akong sanga ng kahoy.Nagulat ako dahil sa pagkahati nito.Pero pag-angat ko ng ulo ko may nakita akong isang malaking portal.
"Baka ito na yung pabalik samin!"
"Kim wag kang pumasok dyan!"nakasunod pala sakin si reyna Janna.
"Gusto ko ng umuwi!"kaya naman umabante pa ako at pumasok doon sa portal.At sa isang iglap lang napunta ako sa isang malaking bahay.Di ako pamilyar dito kaya alam ko na wala ako samin.Naglakad ako ng naglakad hanggan sa pumasok ako sa loob.Napunta ako sa sala at meron akong nakitang napakalaking salamin.
Hinawakan ko ito at bigla na lang itong lumiwanag.Tapos lumabas ang isang imahe na hindi ko lubos na maunawaan.Ang nakita ko lang ay isang bilog tapos sa loob nito ay may isang bungo.Nawala na lang ito bigla at bigla na lang lumabas ang isang pamilyar na larawan na sa tingin ko ay kilala ko.
Ng bigla itong lumiwanag ay nagulat ako ng makita ko na si Cl yung nasa larawan na iyon.Ano ang kinalaman ni Cl dito?Bakit kilala sya ng bahay na ito?
Tapos ay may naramdaman akong papalapit sakin.Bigla na lang akong kinabahan kasi biglang tumunog ng malakas yung sahig.Kahoy lang kasi yung sahig.
Tapos ay may narinig akong mga yabag.Marami ito kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Natakot na lang ako ng may biglang bumangga sakin.Dahil sa liwanag na nanggagaling sa salamin ay nakita ko kung sino yung bumangga sakin.
Maitim,buto't balat na lang,matutulis na ngipin at kuko,namumuti at malalaki ang mga mata,kalbo.Iyan ang made-describe ko sa mga nilalang na nasa harapan ko ngayon.Tama kayo ng pagkakabasa.Hindi lang sya isa,dalawa,tatlo o apat,dahil anim sila.Dahil sa takot ko ay napatakbo na lang ako.Sorry dito lang ako magaling eh ang takbuhan ang mga problema imbis na harapin ito.
Nakarating ako sa may isang kwarto at ni-lock ko agad ang pinto.Tapos ay naghanap ako ng matataguan.Pero huli na para maghanap.Kasi nabuksan na nila ang pinto.Labis akong nagtaka kasi buto't balat na nga lang sila eh nagawa pa nilang buksan ang pintong tatlo ang lock.
Kaya naman ay napaatras na lang ako.Pero mabibilis sila at napalibilutan na nila ako agad agad.Habang papalapit sila sakin ng papalapit ay lalo akong natatakot.
Kung sana lang may mahaba akong espada para lang pang-dipensa sa kanila.
"Wahh!"nagulat na lang ako ng biglang may lumabas na espada sa kamay ko.Ay oo nga pala may kapangyarihan pala ako!Kahit ano ang isipin ko ay magkakatotoo.
Tapos ay inespada ko na sila pero di ako marunong gumamit nito.Kaya nag-isip ako ng mas maganda.
Pero kahit anong isipin ko ay di pa rin tumatalab.Nag-isip ako ng baril,itak,boxing gloves,etc. pero wala pa rin nangyayari.Ang tatatag nila ni hindi man lang sila napilayan!
Ay!Pano kaya kung isipin ko na lang na patay na sila agad agad >:).O diba di pa ako nahirapan!
At sa isang iglap lang ay nakahandusay na sila sa sahig.Makaalis na nga dito baka mamaya ay marami pang dumating na katulad nila eh.
Paglabas na paglabas ko ay may narinig akong pamilyar na boses.Sumisigaw ito at tila ba may inaaway.Sinundan ko ito at napunta ako sa likod ng bahay.Nagulat ako ng may isa pang portal ang nakabukas.Pero di ko nalang yun pinansin kasi baka mamaya nandoon pala yung pinanggagalingan ng mga nilalang na nakasagupa ko kanina eh.
Kaya bumalik na lang ako sa portal na kanina ay pinasukan ko.Nakita ki na nakatayo doon si reyna Janna.Inirapan ko lang ito at nagpatuloy na ako sa paglalakad.Di ko na ipapa-alam.sa kanya yung nangyari kanina Di ko na lang ipapa-alam na may nakalaban ako.
"Sino yung mga nakalaban mo doon?"tss.Kahit kelan talaga basa sya ng basa ng isipan ng iba.
"Wala lang yon.Natapos ko rin naman sila eh.Hindi ba pwedeng iyon na lang ang gawin kong pagsasanay?Para naman makauwi na ako maaga"
"Hindi pwede kailangan ipakita mo muna sakin.yung ginawa mo kanina!"wala na akong nagawa kundi ang bumalik na lang doon sa Dream Land at magsanay ulit.
Habang ako ay nagsasanay,ay bigla na lang dumilim ang langit at lumabas dito ang isang imahe na nakita ko sa salamin.Tapos ay biglang kumulog ng ubod lakas.
"Maghanda ka na Kim mayroon na silang ipanglalaban sayo.Layuan mo na si Cl hanggat maaga pa"sabi ni Janna.Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
Ano kaya ang imahe na iyon?
Ano ang kinalaman ni Cl dito?
Bakit ko sya kailangan layuan?

BINABASA MO ANG
Saving From My Dream
Fiksi RemajaIsang frenemy na magiging prince charming mo at magliligtas sayo sa kapahamakan. Ngunit ano ang iyong gagawin kung ang maglalayo sayo sa kapahamakan ay ang magiging kamatayan nya? Kaya mo bang isakripisyo ang buhay mo para lang sa kaligtasan nya?