Chapter 1

7.3K 147 3
                                    

Kim's POV


"Dad ayoko nga. Ok lang naman kung mag-tataxi ako eh." Giit ko parin, nasa gate na ako at palabas na ng bahay. Hindi ko talaga gusto na hinahatid ako sa school ng driver namin.

"Ano bang problema? Simula ng pumasok ka sa skwelahan na yan hindi ka na nagpapahatid." Malumanay nitong wika.

"Dad highschool na'ko. Malaki na'ko kaya wag na kayong mag-alala. Kaya ko namang mag-taxi eh. Tsaka wala na tayo sa china, hindi ko na kelangan maging vip."

"Teo hayaan mo na si Kim, malaki na nga sya kaya pabayaan na natin, she will be fine. Ayaw mo ba nun? Nagiging matured na sya at responsible." Singit naman ni mommy.

Ngumiti ako sa kanya. Kumindat naman ito sa akin.

"Oh sige na. Basta kapag may problema ka tumawag ka kaagad sa akin. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak kaya ayaw kitang mapahamak."

"Opo dad."

"Be a good girl. Sabihin mo kung may mang-bubully sayo sa school para mabigyan agad kita ng body guard." Umiiral na naman ang pagiging protective ni dad.

"Opo." Sabi ko na lang para hindi na humaba. Hindi ko na kelangan ng body guard. "Sige malilate na'ko. Bye dad, bye mom." Hinalikan ko ang mga ito. Masaya akong tumakbo palabas ng gate at sumakay sa naghihintay na taxi.

Hindi na ako makapag-hintay na pumasok ulit sa school. Excited na akong maglaro ng tennis. Kahit ito na ang pang-limang araw ng pagiging high school ko di ko parin maitago ang pagkasabik. Iba kasi talaga kapag highschool na, pakiramdam ko nagmama-matured na ako.

After 15 minutes nakarating na rin ako sa school. Agad akong nagbayad sa driver at bumaba.

Wala pa akong masyadong kaibigan dito pero marami na akong kakilala. Gaya ng mga kaklase ko at team mates. Finally kahapon nakapasok na ako sa tennis club at masayang-masaya talaga ako.

"Erika wait for me." Sigaw ng tao sa likod ko. Hindi naman ako nag-abalang lumingon, tuloy-tuloy lang ako papasok sa gate.

Ang daming mga kotseng papasok na naghahatid sa ibang student. This is a private school kaya alam kong mayayaman ang mga nag-aaral dito. Ako lang yata ang makikitang sumasakay sa taxi.

I want to stay low profile, ayokong gamitin ang pagiging bilyonario ng pamilya ko para magkaroon ng mga kaibigan dito. Gusto ko ring maranasan kung paano maging ordinaryong studyante. Malayo sa mga taong pera lang ng pamilya ko ang nakikita kaya nakikipag-kaibigan sa akin.

"Erika wait. Hintayin mo naman ako."

Biglang may bumangga sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Aray. Halata ang pagmamadali sa kanyang lakad.

Lumingon ang isang babae at tiningnan ang bumangga sa akin. "Oh Taylor."

"Sa wakas naabutan rin kita, kanina pa kita tinatawag eh." Humahangos ito.

"Sorry, hindi kita narinig." Ang lumanay ng pagkakasabi nya.

"Ok lang. Tara na, dadaan pa tayo sa principal office para malaman ang room mo. 15 minutes na lang magsi-seven na."

"Oo nga pala. Tara." Magkasabay silang naglakad palayo.

"Hoy tanga ka ba? Bakit humaharang ka sa daan?"

Muntik na akong mapatalon sa sigaw ng babae. "Ha?" Ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino. Si Harper Shi, isa sa mga kaklase ko. Kilala ko na sya dati pa dahil naging investor ang dad ko sa company nila last year.

Nakita ko syang sinama ng ama nya sa isang business meeting sa golf club. Alam ko namang hindi nya ako napansin noon, hindi naman kasi ako lumalapit kay dad kapag nasa meeting ito.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon