Erika's POV
"Erika. It's good to see you here." Nagulat ako ng lumapit si Rachel sa akin, bumeso ito at ganun rin ako. Andito kami sa isang private resort ni Kim, tatlong araw kasi akong walang trabaho at pasok sa school kaya naisipan naming magbakasyon muna. Luminga-linga ito sa paligid. "May kasama ka ba?"
"Oo." Pasimple ko namang nilingon si Kim na nasa labas ng hotel, may kausap pa ito sa cellphone.
"Sino? Boyfriend mo?"
"Ha? No, just a friend." I have to lie again. Ako naman ang may gusto nito kaya kelangan panindigan ko ang pagsisinungaling sa relasyon namin sa ibang tao.
"Hey." Di ko namalayang nasa likod ko na pala si Kim. Umakbay ito sa akin. "Hi." Bati nito kay Rachel.
"Hi." Ngumiti naman si Rachel. "You must be her friend."
Nagkatinginan kami ni Kim, para namang sinasabi ng mga mata nito na 'Here we go again' . "Ah yeah. I'm Kim." Bumaling ulit ito kay Rachel at nakipagkamay. Inalis nito ang pagkakaakbay sa akin.
"Rachel Flores. Magkasama kami sa work ni Erika." Nakangiti nitong tinanggap ang kamay ni Kim. Di ko maiwasang tingnan ang kamay nilang magkahawak. Una namang bumitaw si Kim.
"Mag-isa ka lang ba?" Umaandar na naman ang pagiging friendly nito.
"Yeah. Actually it's my birthday today. Wala kasi akong kasama sa bahay at wala rin ang family ko dito kaya naisip kong magbakasyon na lang para maaliw kahit paano." Hindi ko alam na ma-kwento pala si Rachel.
"Really? Wow, happy birthday. Tamang-tama nagpaluto kami ni Erika ng dinner. You can join us if you want, malungkot rin kapag walang kasama sa special day mo."
"Talaga? Ok lang ba?" Excited nitong wika. Tumingin ito sa akin, ngumiti naman ako.
"Of course." Biglang nag-ring ang cellphone ni Kim. "Wait, sasagutin ko muna. Yes dad?" Sagot nya sa cellphone at lumabas ulit.
Napansin ko naman ang mga mata ni Rachel na titig na titig kay Kim.
I cleared my throat. "Uhm magkita na lang tayo mamaya Rachel. Etitext na lang kita."
"Di ba sya si Kimberly Paris Lim?" Hindi nito pinansin ang sinabi ko.
"You know her?" Patay malisya kong tanong.
"I just read an article about her, nakita ko na rin sya dati sa mga business magazine. Matagal na ba kayong magkaibigan?"
"Y-yeah, since high school."
"Gosh, you're so lucky. She's a billonaire." Bulaslas nito. "Wait, totoo ba na lesbian sya? Well it's definitely obvious on her look but i still want to confirm it from you."
"Ahmm.." Hindi ako komportableng sagutin ang tanong nya. "Yeah."
"I knew it. You know what, ang hot pala nya sa personal noh."
Hot?
"Ahmm sige Rachel magkita na lang tayo mamaya ha. Babalik muna kami sa room." Pag-iiba ko sa usapan.
"Ok, see you later." Di mawala-wala ang kanyang ngiti.
Tinalikuran ko na ito at saka pinuntahan si Kim. Kakababa lang din nya ng cellphone.
"Oh asan na yung kaibigan mo?"
"Katrabaho ko lang hindi ko kaibigan." Humawak ako sa kanyang braso. "Tara sa kwarto muna tayo."
"Sige."
Pagkarating namin sa kwarto humiga muna ako. Pumasok naman si Kim sa banyo.
"Babe hindi ka pa ba maliligo?" Tanong nito sa may pinto.