Chapter 15

3.3K 113 10
                                    

Kim's POV





"Saan ka ba galing?" Isang galit na Erika ang sumalubong sa akin sa entrance door ng hotel.

"H-ha? W-wala dyan lang." Maang-maangan kong sagot. Nagtatanong ang mga mata kong tiningnan sina Connan, Yujin at Macky. May masama bang nangyari?

"Dyan lang? Mahigit isang oras? Niloloko mo ba ako?" Galit na dumilat ang mapupungay nitong mga mata.

Shit.

Lunok laway akong lumapit sa kanya. Minsan lang magalit ng ganito si Erika kaya kumakabog ang dibdib ko. Nakikita kong seryoso ang sitwasyon ngayon.

"T-totoo babe. May...may ano kasi.. May.." Shit, ba't ba nauutal ako. Napakamot ako sa batok at saglit na lumingon sa mga bodyguard ko na nasa likod. Lahat naman nakayuko ang mga ulo kaya hindi ako makahingi ng saklolo. Mukhang takot rin ang mga kumag.

"I want to go home right now!" Umirap ito saka iniwan kami. Ang bilis ng mga hakbang nito.

"Ha? As in now?" Sunod ko sa kanya.

Hindi ito sumagot at dire-diretso lang sa may elevator.

"Boss sorry." Wika ni Macky sa likuran ko.

Magtatanong pa sana ako kaya lang pumasok na si Erika sa loob ng elevator.

"Wag na kayong sumunod." Utos ko sa kanila. Nagmamadali akong pumasok sa loob at tumabi sa kanya.

Agad ko namang pinindot ang 4th floor para wala ng makapasok na ibang tao.

"B-babe. What's wrong?" I feel so tense. Alam kong mali ang ginawa ko, kaya lang nagmamadali kasi talaga ako kanina kaya di na ako nakapagpaalam sa kanya.

Bwesit naman talaga yung gagong Donald na yun. Sya ang dahilan kung bakit galit si Erika sa akin ngayon. Kulang pa yata ang bogbog sa kanya, dapat binalian ko na sya ng mga paa at kamay.

"Erika, please talk to me." Malumanay kong pakiusap.

"I don't wanna talk to you." Seryoso ang mukha nito at hindi man lang tumingin sa akin.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad itong lumabas.

Napatiim bagang ako. Naiinis ako sa sarili ko. It's not suppose to be like this.

Damn.

"I'm sorry. Alam ko namang mali ang ginawa ko eh." Habol ko sa loob ng kwarto. "Please babe, lets talk."

But she just remain cold and silent.

Inayos nito ang mga gamit sa maleta, kinuha ang lotion, damit, at kung ano-ano pang nakakalat sa mesa at kama.

Haaaayyyy..

Nanghihina ang katawan ko, uuwi naman kami eh pero sana naman hindi ganito. Hindi ko alam kung kelan nya ulit ako kakausapin.

Nakasimangot at tahimik kong inayos ang mga gamit ko. Wala akong choice ngayon kundi umayon muna sa agos ng pangyayari. Alam kong kahit makiusap pa ako ngayon hindi nya parin ako kakausapin ng maayos.

After we finish packing i immediately call my secretary to book our ticket. Tinawagan ko na rin ang mga bodyguard ko para maghanda.

"Careful." Hila ko sa braso ni Erika. Muntik na itong mabangga ng matandang lalaki.

Andito na kami sa airport at naghihintay na lang ng flight namin.

Walang kibo naman nitong binawi ang kanyang braso. Umirap pa at nauna ng naglakad papunta sa waiting area.

Grabe naman!

"Boss. May sasabihin sana kami." Kamot ulong wika ni Yujin sa tabi ko.

"Ano?" Tinatamad ko syang tiningnan.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon