Erika's POV
"Erika, buti naabutan pa kita. Akala ko iniwan mo na'ko eh." Si Taylor. Recess time namin kaya sinusundo na naman nya ako. "Tara, gutom na gutom na'ko."
"Uhm mauna ka na lang, pupunta muna ako sa locker."
"Ha? Oh sige sasamahan na lang kita."
"Wag na."
"Pero --."
"Sige na susunod agad ako."
"Promise yan ah? Sige. Gutom na talaga ako."
"Ok."
Nagbabye ito at nagmamadaling umalis. 'Sorry Taylor, naiwan ko kasi ang wallet ko sa bahay. Hindi ako makakasabay sayo ngayon.' Nagi-guilty akong tumalikod.
Tinungo ko naman ang locker ko para ilagay ang sapatos na gagamitin mamaya sa p.e class namin.
Mabuti na lang hindi ko to nakalimutan sa pagmamadali ko kanina.
Pagkabukas ko ng locker tumambad sa akin ang isang paper bag at cellophane.
Ha? Ano to? Paanong may ganito sa locker ko?
Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling nagkamali ako ng locker na binuksan. Pero hindi naman, sure ako locker ko to eh.
Ano ba ang mga to?
Kinuha ko muna ang cellophane at tiningnan ang laman. Pineapple juice at ham burger?
Sunod ko namang kinuha ang pink paper bag. Binuksan ko ito, ganun na lang ang gulat ko ng makita ang laman. Ito yung..
Namilog ang mata ko sa saya. Ito yung damit na nakita ko kahapon sa mall. Sigurado ako ito yun, kabisado ko ang red ribbon nito.
Teka..
Sino ang..
Tumingin ulit ako sa paligid. May iilang mga studyanteng andito pero wala naman akong kakilala sa kanila.
Kanino galing to?
Binuksan ko ulit ang paper bag, isang maliit na papel ang napansin kong nakaipit sa gilid ng damit.
'Hi,
Good day. I don't really have much to say. I just want to give you this dress. Don't ask who i am, just think this as my present to light up your day.
P.S.. Binili ko ang pagkain sa canteen don't worry. Eat well.
Secret friend ^_^ 'Napangiti ako sa nabasa. First time kong mabigyan ng ganitong regalo. Pero napakamahal nito, kahit ipunin ko ang dalawang buwan ko na baon hindi parin ako makakabili.
Gusto kong malaman kung sino ang nagbigay nito at bakit nya ako binigyan ng ganitong damit?
Binalik ko ang sulat at tinago ulit ang paper bag sa locker. Mamaya ko na lang ito kukunin pag-uwi ko.
Kinuha ko naman ang cellophane para kunin ang pagkain na nakalagay. Aaminin kong nagugutom talaga ako. Wala kasi akong almusal dahil pinagalitan ako ng asawa ni papa. Mabuti na lang at pa-sekreto akong inabutan ni manang Susan ng sandwich sa kotse kanina.
Bumalik ulit ako sa classroom para doon kainin ang pagkain. Sakto naman na wala pang masyadong tao maliban kay Stella at Kimberly.
Nag-uusap silang dalawa. Tahimik naman akong umupo sa upuan ko. Katabi ko lang si Kim kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ang tapang mo talaga kanina Stella. Nakakatakot ka."
"Akala kasi nya hindi ko sya papatulan. Nakakainis, buti nga sa kanya." Mataray na wika ni Stella. "Alam mo elementary pa lang kami pakialamera na yun sa akin kaya masaya ako at wakas nakaganti na rin ako."