Chapter 16

4.7K 137 20
                                    

Erika's POV


Pagkatapos ng maikling bakasyon namin ni Kim balik reality na naman ako. Nakaabang na sa akin ang trabaho at mga gagawin ko sa school. Pero syempre mas priority ko parin ang pag-aaral ko. Ito ang isang kondisyon ni mama bago nya ako pinayagan na bumukod kay papa. Ang totoo tutol naman talaga ang parents ko sa pagmomodelo ko, pero wala rin silang nagawa dahil hindi na ako tumigil sa pagtanggap ng mga project. Napamahal na rin sa akin ang trabaho ko, tsaka pakiramdam ko kasi mas naeexpress ko ang sarili ko dito.

"Hi." Napahinto ako sa pagbabasa at tiningnan ang nakatayo sa harapan ko.

Si Juancho Santillan pala.

"Hi." I smile. He's one of my good friend here in school, and the only guy that i talk to. Kakilala rin sya ni Kim dahil sa mayaman nitong pamilya.

"How are you?" Tumabi ito sa akin. Nasa library kami kaya mahina lang ang mga boses namin.

"I'm fine. Ikaw? Feeling ko ang tagal na nating hindi nagkita." Malambing akong kumapit sa kanyang braso.

"Yeah two weeks, hmmm it's been a while though. Uy, nakita ko yung bagong ads nyo ng lotion. Ang ganda mo dun ah. Infairness you're the only one who stand out." Pagpupuri nito sa kalalabas lang na bagong ads namin sa tv kagabi.

"Talaga? Thank you. Alam mo ba sobrang tan ng buong katawan namin pagkatapos ng shoot. As in grabe ang init sa bora that time."

Tiningnan nya ako at ngumiti. "Kahit pa siguro umitim ka, you'll still look beautiful."

Pinalo ko ng mahina ang braso nya. "Kaibigan talaga kita. Sige na nga manlilibre na ako." Tumayo ako at kinuha ang bag at books. "Lets go. May 30 minutes pa tayong kumain."

Tumawa ito. "Ako na ang magdadala nyan." Agaw nito sa mga libro. "Tara."

"What a gentleman." I tease him. Kumapit ulit ako sa braso nya.

"Hi."

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Juancho. Bigla kasing may tumabi sa akin na lalaki.

"What do you want dude?" Sita agad ni Juancho.

"Chill. Pinapabigay lang to ng kaibigan ko kay Erika." Ngumisi ito at inabot ang 3 red roses. "Namiss ka raw ni Ziggy."

I rolled my eyes. Ang makulit na si Ziggy. "No thanks." Tinulak ko ang kamay nyang may hawak na roses. "Pwede ba pakisabi sa kanya na tigilan na nya ako kung ayaw nyang mabugbog." Hindi ako nagbibiro sa sinabi. Talagang mabubogbog sya kung patuloy parin sya sa pangungulit sa akin. Nasa paligid lang sina Yujin at Macky, at hindi ko alam ang mga tumatakbo sa utak ng mga iyon. Hindi ko rin kontrolado kung magsusumbong sila kay Kim sa nangyayari dito.

Lahat ng bodyguards nya naka-enroll dito sa school. Not on education purposes but only to guard me. Ngayong araw sina Yujin at Macky ang nakabantay sa akin.

"Pero --."

"Dude sabi nya ayaw nya di ba? Ibalik mo na yan sa kaibigan mo. Inaabala mo lang kami."

"Teka, sino ka ba? Boyfriend ka ba nya?" Hindi sumagot si Juancho kaya hinarap ulit ako ng lalaki. "Sige na tanggapin mo na to." Pamimilit parin nito sa hawak na bulaklak.

"Tara na." Hinila ko na ang braso ni Juancho at hindi na pinansin ang lalaki.

Dumiretso kami sa cafeteria.

"Haay.." Napabuntong hininga ako ng maka-upo na kami sa table. "Buti na lang andun ka kanina."

Walang kibo itong tumingin sa akin. Nakatitig lang ito na parang may gustong sabihin.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon