Chapter 14

3.2K 109 7
                                    

Erika's POV





"Madam, kami po muna ang sasama sa inyong kumain. May inaasikaso pa po kasi si boss."

Nakapameywang kong tinitigan si Connan, kasama rin nito si Yujin at Macky. 30 minutes ko na yatang hinihintay si Kim dito sa baba at hanggang ngayon wala parin.

Iba talaga ang kutob ko kanina sa taas habang kausap ni Kim sina Tony at Wiz. Mukhang may kalokohan na namang gagawin.

"Saan ba sya pumunta?" Basta nya na lang akong pinaalis ng hindi man lang nagpapaliwanag.

"Ah eh..." Siniko naman ni Connan si Yujin na parang humihingi ng tulong. Hay naku.

"Pumasok na naman ba kayo sa gulo?" Seryoso akong tumingin sa kanilang mga mukha.

"Eh maam. Sorry po, hindi po kami pwedeng magsalita. Baka pagalitan kami ni boss." Sagot ni Macky.

Sabi ko na. "Ok. Pakisabi na lang sa BOSS nyo na kapag may nangyaring masama sa kanya wala na akong pakialam." Naiinis ko silang nilampasan. Alam ko namang abot langit ang katapatan nila kay Kim pero mali parin na maglihim sila sa akin.

Tinungo ko ang pinaka-malapit na resto. Umorder ako ng kape saka umupo sa pang-isahang mesa. Hindi ko na lang pinansin ang mga naka-buntot sa akin.

"Hey Erika."

Napatingin ako sa taong nakatayo sa harapan ko. "Rachel."

"Hindi mo yata kasama si Kim?" Nakangiti nitong tanong. Hindi ko alam na naka-stay parin sya dito.

"Ahmm.. Busy." Tipid kong sagot. Totoo naman kasi, busy si Kim ngayon kasama ang mga bodyguard nya.

"Ganun ba. Uhm alam mo ba tatawagan sana kita ngayon dahil may importante akong sadya sayo."

"Rachel." Isang lalaki ang tumawag sa kanya. Hindi naman ako nag-abalang tingnan kung sino.

"Come here." Sabik nitong pinalapit ang lalaki. Nagtaka naman ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "I want you to meet someone." I can feel her excitement.

Alanganin akong ngumiti. "Sino ---."

"Hi, Erika." Isang nakangiti at preskong aura ng pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin.

"V-victor?"

"How are you Erika?" Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. "I'm happy to see you." Banayad na lumapat ang labi nito sa kamay ko.

Mabilis ko itong binawi, pakiramdam ko kinilabutan ang buo kong katawan sa ginawa nya. Napalunok ako at di maiwasang tingnan ang tatlong lalaki sa di kalayuan. Kita ko ang mga mata nina Connan, Macky at Yujin na masamang nakatitig kay Victor.

"So guys maiwan ko muna kayo dito ha." Paalam ni Rachel, hindi nya man lang hinintay ang sagot ko at nagmamadali ng umalis.

Kumuha si Victor ng isang silya at umupo sa tabi ko.

"Mind if i join you? Wala ka namang kasama di ba?"

Umiwas ako ng tingin. Mas lalo yata akong kinilabutan ng makita sa malapitan ang kanyang makapal na balbas.

"Sorry kung nabigla kita. Actually Rachel texted me last day, sinabi nya sa akin na nagkita raw kayo dito. Nagtext ako sayo kanina, hindi mo ba natanggap?" He really think that we're close? Kung tutuusin pwede nga akong magalit kay Rachel, hindi nya man lang ako tinanong kung ok lang ba na ibigay sa ibang tao ang number ko.

"A-ah yeah. Nabasa ko naman." Hindi ako makatingin sa kanya. Ayokong salubungin ang mga mata nyang nakatitig sa akin.

"You know what Erika, this is strange." He chuckle. "Naninibago ako sa sarili ko, hindi naman ako ganito sa ibang babae." Di ko maiwasang magtaas ng isang kilay. Seriously? "I mean you're different, totally different from other women. Kaya ayoko ng magpaligoy-ligoy pa."

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon