Chapter 8

4.2K 141 9
                                    

Erika's POV




"Ui guys totoo ba yung chismis na hindi na raw itutuloy ng producer yung next project?"

"Talaga? Bakit raw?"

"Eh kasi ang chismis may isang model daw na hindi pumayag sa offer na date nung producer kaya nagalit. Binawi raw agad-agad ang pera."

"Kaloka naman. Sino daw yung model?"

"Wala ngang nakakaalam sa name ng girl eh. Pero ang chimis may jowa daw na bilyonaryo itong girl kaya di pumayag."

"Grabe kaya pala di pumatol, actually nakita ko naman yung producer na si mr. Angeles. Dai ang gwapo naman, kahit mukhang nasa 30s na pero bet parin. Sayang din yun."

Rinig kong bulungan ng mga bakla at mga babaeng model sa gilid ko.

"Hoy chismisan kayo ng chismisan dyan. 30 minutes na lang magsisimula na ang show kaya pakibilisan naman mga bakla." Singit naman ng floor director na si Anggie. Lumapit ito sa akin at nag-retouch. "Nakakaloka. Buti ka pa Erika ang ganda parin kahit wala masyadong make-up."

"Hindi naman tita." Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Nakikipagtext muna ako kay Kim habang hindi pa nagsisimula ang show. I'm sure magiging busy na ako mamaya.

"Everybody get ready. Lahat ng models pumunta na sa back stage. Lets get this done. Guys come on." Nagmamadaling sigaw ng director namin.

Agad naman akong tumayo at nilagay ang cellphone sa bag.

"Yung bra mo ayusin mo baka matanggal." Paalala naman ng make-up artist ko.

"Thanks Bly."

Sumunod ako sa mga kasama ko. Lahat kami kinakabahan para sa show ngayong gabi. Ang dami kasing mga bigating politiko ang manonood. Malaki ang bayad sa amin kaya dapat maging maayos ang lahat.

"Teh kinakabahan ako." Nanginginig na humawak si Emma sa kamay ko. Ang pinaka-close ko sa lahat ng modelo.

"Ako rin Em, pero lets just pray na walang maging problema."

"Woooh!! Bigyan mo nga ako ng positivity dyan. Teh ngayon lang ako kinabahan ng ganito grabe."

"Erika come here." Napatingin ako sa director.

"Yes direk?" Lumapit ako sa kanya.

"May last minute change. Ikaw na ang mag-oopen ng show insted of Rachel. Medyo mapula kasi ang skin nya ngayon kaya hindi sya pwedeng mauna."

"Wait direk. Kunting sunburn --."

"Rachel listen. Nakapag-desisyon na ako, ok?" Tumingin ulit ito sa akin. "Now, nakita mo naman ang ginawa ni Rachel sa rehearsal di ba? After that you will give mr. Arellano a red rose and then kiss him on the cheek. Understand Erika?"

Kiss? Pero wala naman sa rehearsal ni Rachel na hahalikan nya ang anak ng senator.

"Pero --."

"Ok pumwesto ka na. In 5 minutes magsisimula na tayo." Umalis ito at kinausap ang ibang crew.

"Bitch!" Taas kilay na wika ni Rachel.

Hindi ko sya pinansin at pumwesto na'ko sa pinaka-unang linya. Nag-sign of the cross ako para mawala ng kunti ang kaba ko. Lord.

Inipit naman ng bakla ang isang red rose sa likod ng black leather jeans ko.

This is it.

Nagsimula ng tumunog ang music sa labas indikasyon na magsisimula na kami.

"Guys be ready."

"In 3, 2, 1. Go Erika." Bumuga muna ako ng hangin bago lumabas sa stage.

Binigay ko ang best smile at ramp ko para sa lahat ng nonood. Nakakasilaw ang ilaw at nakakabingi ang sigawan ng mga tao. Hindi ko pinansin ang lahat ng ito at patuloy lang sa paglakad ng masaya at masigla.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon