Chapter 11

4K 139 8
                                    

Kim's POV


"Kim." Napahinto ako sa tapat ng pinto ng hotel.

"Rachel." Ngumiti ako.

Nakangiti rin itong lumapit. "Sorry kagabi ha. Hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom. Hindi tuloy ako nakapag-thank you sayo."

"It's ok. Mukhang mabilis ka ngang malasing, you just drink 3 bottles." Natatawa kong wika. Actually binuhat ko lang sya papunta sa kanyang kwarto dahil nakatulog na sya sa mesa.

"Nahihiya talaga ako sa nangyari. Sorry, naabala ko pa kayo ni Erika. Haaay.. Mabuti na lang hindi mo girlfriend ang kasama mo dito. Kundi patay ako."

I just smile, i don't want to respond. Honestly i really want to tell her about me and Erika.

"Uhm.. Kim can i ask you something?"

"Sure. What is it?"

"Do you have a girlfriend right now?" Walang paligoy-ligoy nitong tanong.

"Ha? Girlfriend?" Napakamot ako sa batok ko. Nakakabigla naman ang tanong nya. "Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Ganito lang talaga ako, i don't hesitate asking what i want to know." Pagmamalaki nito.

"A-ah.." Naiilang akong umiwas ng tingin. Hindi naman bago sa akin ang ganitong klase ng mga babae.

"So do you have a girlfriend?" Mas lalo pa itong lumapit sa akin.

"Uhmmmm..." Haisss. Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong nya?

"Come on, it's just a simple question." Mukhang diterminado talaga itong malaman ang sagot ko.

"Yes, i have a girlfriend." I answer directly looking into her eyes.

Hinintay ko ang susunod nyang sasabihin pero nanatili lang itong nakatitig sa akin.

"Rachel?" I tap her shoulder. "Are you ok?"

"H-ha? Yeah of course i'm ok." She awkwardly smile. "Kung may girlfriend ka bakit si Erika ang kasama mo ngayon dito?"

"Because i have seven girlfriends. Mahirap kung isasama ko silang lahat." Umakto akong seryoso at mayabang.

"S-seven?" Mukhang shock yata sya sa seven ah. "Wow."

Tumango-tango ako para ipakitang seryoso talaga ako sa sinabi. "Yep.. Bakit parang hindi ka makapaniwala?"

"Well, hindi naman sa hindi ako naniniwala. Napakarami lang kasi ng seven para pagsabayin mo. I know you're charming and kind but... how?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know."

"Kim." Si Erika. Walang kangiti-ngiti itong lumapit sa amin. "Ba't ang tagal mo?" She crossed her arms.

Oh uh! Oo nga pala nakalimutan ko, pinapakuha nga pala nya ang sun block nya sa kotse.

"Hi Erika." Bati ni Rachel.

"Hi." Saglit itong ngumiti kay Rachel saka tumingin ulit sa akin.

"Sige aalis na ako. Thank you ulit Kim."

I just nod and raise my right hand to wave goodbye.

Hinarap ko si Erika ng makalayo na si Rachel. "Sorry babe, bigla kasi nya akong tinawag kaya ---."

"Nasa bag ko pala ang sun block." Sabi nito at agad akong tinalikuran.

"Teka." I grab her hand. "Tara kumain muna tayo."

"Wala akong gana." Binawi nito ang kamay at naglakad papunta sa elevator.

"Why? Akala ko ba nagugutom ka kanina?" Nakakunot noo kong wika habang nakasunod sa kanya.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon