Kim's POV
"Boss." Magkasabay na wika ng mga bodyguard ko. Taranta silang bumangon at tumayo ng tuwid. Maaga ko silang binisita sa kanilang kwarto para kumustahin ang pinagawa ko kagabi.
"Nasan si Russell?" Tiningnan ko ang paligid pero di ko ito makita.
"Nasa banyo yata." Sagot ni Connan. Sa lahat ng bodyguard ko sya ang pinaka-magaling pagdating sa martial arts.
"Ganun ba." Naglakad ako papunta sa maliit na mesa at kinuha ang nakalapag na baril. "Nagawa nyo ba ng maayos ang inutos ko?"
Lumapit naman si Brandon sa akin. "Nagmamakaawa sya kagabi at gagawin nya raw ang lahat para mapatawad nyo."
I smirked. "Gagawin nya ang lahat?"
"Gusto nyang makipagkita mamayang ala una."
Inabot ko sa kanya ang baril. Agad nitong kinuha at umatras. Umupo naman ako at seryosong tiningnan ang mga mukha nila. "Sabihin nyo nga, kelangan ko pa ba syang pag-aksayahan ng oras? At talagang makikipagkita pa sya sa akin? Nag-iisip ba kayo?" I'm so disappointed. "Hindi ba ang sabi ko turuan nyo sya ng leksyon? Ano bang ginawa nyo? Sipa at suntok lang?" Kalmado ngunit may himig ng galit kong wika.
"Miss Lim." Napatingin ako kay Russell na kakalabas lang ng banyo. Sya ang nag-iisang tumatawag sa akin ng miss Lim dahil dati syang bodyguard ni dad.
Inirapan ko ito. "Ang gusto ko wasakin nyo ang bibig nya hanggang sa hindi na sya makapagsalita. Yun ang leksyon na ibig kong sabihin." Tumayo ako nagpalakad-lakad sa harap nila. Huminga ako ng malalim. "Hindi ko kayo pinapadala sa ibang bansa para mag-training lang. Trabaho nyong protektahan ako, trabaho nyong gawin ang lahat ng pinag-uutos ko. Akala ko ba malinaw sa inyo ang pinag-usapan natin?"
"Sorry miss Lim. Nag-iingat lang ---"
"I don't care." Putol ko sa sasabihin ni Russell. "Tapusin nyong dalawa ang inuutos ko." Turo ko kay Tony at Wiz. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at umalis na sa kwarto.
Damn!
Hindi parin humuhupa ang inis ko sa nangyari kagabi. Hindi ako matatahimik hangga't hindi nakakaganti sa lalaking yun.
Bumalik ako sa kwarto namin ni Erika.
"Saan ka galing?" Bungad na tanong nito ng makapasok ako. Naka-upo ito sa kama at halatang kagigising lang.
I cleared my throat and smile. "Wala, may kina-usap lang ako sa phone. Tulog ka pa kasi kaya lumabas muna ako."
"Sinong kinausap mo ng ganito ka-aga?" Inaantok pa ang boses nito.
"S-si dad." Pagsisinungaling ko. "I just ask something." Gumapang ako sa kama at tinabihan ito.
"Ah." Humarap ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisnge. "Teka, patingin nga." Sinipat-sipat nito ang leeg at tenga ko. "Hay buti na lang nawala na."
"Ang alin?"
"Yung pula." Lumabi ito. "Sorry hon ah, ewan ko ba ba't nakalimutan ko na bawal sayo ang seafoods. Yan tuloy nakatulog ka kaagad kagabi."
"Talaga?" Ang totoo hindi ko maalala na nakatulog agad ako.
"Oo."
"It's ok babe. Sabi ko naman sayo ok lang na kumain ako nun. Hindi naman malala ang nangyayari sa akin. Tsaka di naman ako nangangati kaya walang problema."
"Kahit na." Nagiguilty parin ang mukha nito.
"Hay naku, wag mo na nga yang isipin. Buti pa kumain na lang tayo." Aalis na sana ako sa kama pero bigla naman nitong pinigil ang kamay ko.