Chapter 2

4.6K 133 0
                                    

Erika's POV



"Ma, kelangan ko ba talagang mag-aral dito?" Kakarating lang namin sa airport. Ito ang unang beses kong makapunta dito sa manila.

"Paulit-ulit na lang ba tayo Erika? Napag-usapan na natin to hindi ba? Titira ka sa ama mo kaya kelangan dito ka mag-aral."

Wala akong nagawa kundi tumahimik na lang. Hay.. Ang hirap maging anak sa labas, hindi mo alam kung saan ka lulugar.

"Mabuti na yung habang bata ka pa eh nasa poder ka na ng ama mo. Tsaka ikaw naman ang panganay sa mga anak nya kaya wala kang dapat ikahiya. Tandaan mo para rin sayo ang ginagawa ko, sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko kung ayaw mong lumaking mahirap katulad ko."

Tumango ako bilang pag sang-ayon.

Pagkalabas namin sa airport sumakay kami ng taxi papunta sa address ng ama ko.

"Ma kelan mo po ako kukunin sa kanila?"

"Kapag nakatapos ka na." Nakatingin lang ito sa bintana.

"Pero high school pa lang ako ma. Matagal pa ako magka-college ---"

"Hangga't hindi ka natatapos ng pag-aaral hindi kita kukunin." Matigas nitong saad.

Pinigilan kong umiyak, kahit napaka-strikto ni mama hindi ko parin kayang mawalay sa kanya. Mamimiss ko parin ito.

"Ma." Humawak ako sa kanyang braso. "Pwede bang bisitahin nyo ako kahit isang beses lang sa isang buwan?"

"Erika malayo ang palawan. Gastos lang yan. Tatawag na lang ako sayo."

Tinanggal ko ang pagkakahawak dito. Agad kong pinahid ang namamasa ko ng mga mata.

'Mama'

"Tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo. Kapag inabuso ka ng asawa nya isumbong mo agad sa ama mo. Wag kang magpapa-daig, hindi pwedeng tumahimik ka lang sa sulok at hayaan sya. Wag mong kakalimutan maging wais sa lahat ng bagay. Wala kang kakampi dito at wala kang mapagkakatiwalaan bukod sa sarili mo, itatak mo yan sa utak mo."

"Opo ma." Mahina kong sagot.

Hindi na nagsalita si mama kaya binaling ko na lang ang atensyon sa mga nakikita sa labas.

40 minutes ang binyahe namin bago nakarating sa isang exclusive subdivision. Pagkapasok pa lang namin namangha agad ako sa mga nakikitang mga bahay. Wala ka talang makikita na maliit na bahay lahat puro malalaki. Mas malaki pa yata ang mga to sa bahay ng mayor namin eh.

"Itabi nyo dyan sa kulay blue na gate manong." Wika ni mama. "Tsaka paki-hintay muna ako saglit lang naman ako."

"Ok po."

Matapos nitong maitabi sa harap ng gate ang sasakyan bumaba na kami. Binaba naman ng driver ang isang maleta sa likod at binigay sa akin.

"Ma." Hinawakan ko ang kamay nito. Kinakabahan ako, kahit nakakasama ko na si papa tuwing binibisita nya ako sa palawan naiilang parin ako.

"Halika na." Hinila nya ako papunta sa gate. "Magandang umaga." Wika ni mama sa guard na nakatayo sa loob.

"Magandang umaga rin po. May kelangan po ba kayo?" Magalang nitong wika.

"Andyan ba si Clark Florence?"

"Ah opo, nasa loob. Sino po kayo?"

"Paki-sabi andito ang anak nya, si Erika."

Kita ko namang saglit itong nabigla sa narinig. "O-oh sige po sasabihin ko. Maghintay muna kayo dito." Nagmamadali itong umalis.

"Mama, iiwan nyo na po ba talaga ako dito?" Yumakap ako sa kanya.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon