Chapter 6

3.5K 135 14
                                    

Erika's POV


Masaya ako at makakauwi na rin ako sa palawan ngayong darating na semestral break. One week na lang talaga ang hihintayin ko at makikita ko na rin si mama at lola.

"Erika sali ka sa amin." Tawag ni Pocholo, naglalaro sila ng volleyball para sa p.e class namin.

"Erika dito ka sa amin." Wika rin ni Marco.

"Sige kayo na lang. Hahanapin ko muna si Kim." Hindi ko na sila hinintay pang makasagot at umalis na.

Nasaan ba kasi si Kim? Bigla na lang syang nawala. Hay..

Lumabas ako sa gym para hanapin ito. Tumingin-tingin ako sa paligid, siguro bumalik na yun sa classroom. Pero sabi nya kanina sabay kaming babalik?

"Jenny nakita mo ba si Kim?" Tanong ko kay Jenny na papasok sa loob.

"Oo, nasa likod ng gym."

"Salamat." Tumakbo ako papunta sa likod. Ano kayang ginagawa nya dun?

Malapit na ako sa puno ng acacia ng makita ko si Kim at Jam na seryosong nag-uusap. Nakaakbay si Kim habang nagsasalita naman si Jam.

Umiwas ako ng tingin at umatras. Rinig ko pa ang pagtawa ni Kim ng malakas, mukhang masaya yata ang pinag-uusapan nila. Pero bakit silang dalawa lang ang nag-uusap? At bakit kelangan nilang mag-usap dito sa likod ng gym?

Hmp.. Bahala ka Kim.

Bumalik ulit ako sa loob ng gym.

"Oh nakita mo ba si Kim?" Tanong ni Jenny.

"Oo."

"Anong nangyari sayo? Ba't ka nakabusangot?"

"Wala." Ewan, nakakainis.

"Class it's time to go back. Make sure to get your things. Wag kayong mag-iiwan ng gamit dito." Sigaw ng p.e teacher namin. "At bukas maaga kayo dito para mag-warm up, tomorrow will be our last game."

Bahala sya sa buhay nya, bumalik syang mag-isa. Total kasama nya naman si Jam.

"Si Kim." Sabi ni Jenny. Papalapit na nga si Kim sa amin.

"Erika --." Hindi ko ito pinansin.

"Red sabay na tayo."

"Ok."

Malayo na kami sa gym, hindi naman ako nakatiis at kunwaring may hinahanap ako para makita kung nakasunod ba si Kim sa amin.

Nakasunod nga ito pero kasama naman nya si Stella. Naghaharutan sila at parang masayang-masaya. Ok, bahala ka.

Hanggang sa classroom hindi parin kami nagpapansinan. Busy naman kasi ito sa pakikipag-usap ulit kay Jam. Pakiramdam ko tuloy ayaw na nya akong kausap.

Hay.. Kinuha ko na lang ang notebook ko at nag-drawing. Lihim kong ginuhit ang mukha ni Kim, malaki ang bibig, malaki ang butas ng ilong at malalaki ang mga mata. Yan, pangit ka na.

Tinusok-tusok ko ng ballpen ang drawing ko. 'Hindi rin kita kakausapin. Akala mo.'

---

Kinabukasan hindi parin kami masyadong nagpapansinan ni Kim. Feeling ko iniiwasan nya ako, kanina sa classroom ang weird ng kinikilos halos hindi nga ako tinitingnan.

Tapos ngayon naman sumabay na lang ako kina Jenny papunta dito sa gym dahil hindi ko na sya nakita pagkatapos ng recess namin.

'Bahala ka Kimberly.'

"Kim!" Rinig kong sigaw ni Stella kaya napalingon ako. Sinalubong nito si Kim at kinausap.

Hmmp. Saan kaya to galing?

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon