09

87 10 0
                                    

Sungyoung

"Oy Hoshi."

"Yep? Bakit Sung?"

"Ano.."







"...Nakita mo ba si Seungkwan?"







"AHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA-ARAY!"

Agad naman napa hawak sa braso niya si Hoshi nang sapakin ko ito.

"Ang hilig mo manapak no?"

"Sabihin mo na hanggat nakikiusap pa ako ng maayos."

"Lul, maayos daw. Andun siya sa music room. Na-fall ka lang sa kaniya kaya nagkakaganiyan ka eh." Pang aasar niya ulit.

Inirapan ko na lang siya at naglakad ako papuntang school corridor.

"Music room... music room..."

"Hanggang ngayon pa rin ba, hindi mo pa kabisado ang school? Nalagpasan mo na ang music room oh."

Syet.

"Ano ginagawa mo dito Vernon? Dun ka na sa gym, ikaw na lang ang wala don. Pa-VIP ka masyado." Masungit kong tugon.

Nilabas na naman niya ang mahiwaga niyang gilagid na kasama sa ngiti niya.

Agad na rin siyang umalis.

"Whooh.." Sabi ko in relief.

Agad kong binalikan ang music room na nalagpasan ko nga. Tama pala si Vernon. Well kahit papaano pala may silbi siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito at nakita ko nga ang taong hinahanap ko.

Na tumutugtog ng piano.

At kumakanta.

[Now Playing- I hope (Seventeen Seungkwan Cover)]

Haruga jinago, handali jinado
neoege yeonlageun ojireul anhasseo
A day passes, a month passes but I haven't heard a word from you

Nunmuri hulleo gaseumi apa
Aniya jamshippuniya
Tear falls, and my heart hurts
No it's only temporary

Anilkkeoya anilkkeoya
Anilkkeoya nareul dallaejiman
This is not it, this is not it
This is not it, don't get my hopes up but

Niga ddeonan binjariman kojyeoga
The empty space that you left grows

Noreul dashibwado neon neon nae sarang
Even if I see you again, you you are my love

Subaekbeonbwado nan nan nae sarang
Even a hundred times, you you are my love

Haneuri maejeojun neon nae sarang
Decided by the heavens, you are my love

Niga jamshi gireul irheungeotppuniya
You just took the wrong path
That's all

Dashi taeonado neoman barae
If I'm born again, I'll only want you

Dashi saranghaedo neoman barae
If I love again, I'll only want you

Doraolkkeoya doraolkkeoya
You will come back, you will come back

Niga eobsneun naneun eobseunikka
Because if there's no YOU there's no ME





"Uy."

"AY NAANAKAN NI VERNON!"

Natawa na lang ako sa sinigaw niya.

"Nakalunok ka talaga ng megaphone? Lakas ng boses mo brad." Natatawa kong sabi.

Agad naman akong umakyat ng stage kung nasaan siya. Halatang gulat parin siya sa pagdating ko.

"Ang ganda ng boses mo ah." Sabi ko.

Bigla naman siyang nangiti.

"Siyempre, nag eensayo para sa special number ko sa kasal namin ni Vernon, oh ha? Na spoiler ka na sa surprise ko sa kaniya." Sabi niya.

"Ulol, heartbreak song yung kinakanta mo, kakantahin mo yun sa kasal niyo ganon? Mag wawalk out talaga ako kung yan ang kakantahin mo." Sabi ko.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin saakin.

"W-wala.. natripan lang." Sabi niya sa mahinang boses.

Napa iling na lang ako.

"Alam mo, kung ano man yang kadramahan na nararamdaman mo, idaan mo na lang sa pagkanta mo. Ramdam ko na nasasaktan ka simula pa kaninang pag pasok ko dito na tumutugtog ka eh. Mas okay yan kesa umiyak ka. Sayang luha. Tsk tsk." Sabi ko.

Biglang naging tahimik ang paligid namin matapos kong sabihin ang mga yon.

Lol, did I just gave him an advice?

No Sungyoung, you're here for confrontation. Okay? Now do what you really have to do.

"So anyhow." Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Andito ako para komprontahin ka." Seryoso kong sabi.

"Napag-isipan ko... na-"

"Na gusto mo ko para sa kuya mo??? OWEMJI REALLY?!-"

"AISH SHUT UP!"

Bwisit talaga tong baklang to! Di pa nga ako tapos magsalita!

"Hehe, sorry. Sige tuloy mo lang sinasabi mo." Sabi niya.

"So, *eherm* you've really been annoying these days."

"Oo, ramdam ko nga eh." Wow, buti naman alam niya.

"Oh, I'm glad you know. So... I have decided yung about sa sinabi mo.."

"Ano naman about dun?" Nagtatakang tanong nito.

"Are you sure you're going to leave?"

Napakagat labi na lang ako sa tanong ko.

"Uhm.. Oo? Bakit, ma-mimiss mo ba ako sis in law???? Aww... ang sweet mo naman! Tara! I-hug mo ko-"

"Ulol, di kita mamimiss."

Bigla naman siyang nag pout bigla.

"Taena, chaka mo." Sabi ko.

"So ayun na nga, hindi ako matapos tapos ah. Punyemas. Kung sasali ako sa Ms. SBH, lalayo ka? Ganon?" Tanong ko.

Tumango na lang siya.

"Ohkay..."

Napatalikod na lang ako sa kaniya at bumaba na ako ng stage patungo sa pinto ng music room.

Nangmakarating na ako sa pinto palabas, kinuha ko sandali ang cp ko at..

Boo Seungkwan
Active Now

Sungyoung
Sige, sasali ako.

Sungyoung
pero wala akong
alam about sa mga
beaucon







Sungyoung
so help me










Seungkwan
magkita tayo bukas
sa park at 9 AM







Agad akong tumingin sa direksyon ni Seungkwan at binigyan lang rin niya ako ng tipid na ngiti.









Well... I guess this ends out good.

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon