25

81 13 4
                                    

Chwe Sungyoung

*tug* *tug* *tug* *tug*

"Psst, Sungyoung."

"Sungyoung???"

"CHWE SUNGYOUNG! GUMISING KA NA!"

Agad namulat ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang isang nag aalalalang Hoshi.

"Hosh? Anong ginagawa mo dito?"

"Akala ko ikaw yung naaksidente at isinugod sa ospital eh.." Sabi niya.

"Kamusta si Seungkwan? Ayos na ba siya?"

Napatingin ako sa isa pang taong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Ayos lang naman... minor head injury lang.. hindi talaga kasi iyon ang problema." Mahina kong sabi.

~flashback~

"Kayo po ba si Ms. Kim? Yung guardian po ni Mr. Boo Seungkwan?"

Dali-daling lumapit si maam sa doctor na nag iintay na sa labas ng emergency room.

"O-opo... kamusta po yung istudyante ko???" Nag aalala niyang tanong.

"Ayos na po siya, minor lang naman po yung injury sa ulo niya, may mas malaki po kasi tayong problema." Sabi ng doctor.

"Ano po ba yun???"

"Bumagsak po ang katawan niya, kulang po siya sa kain kaya po siya hinimatay. Siguro ilambeses na siyang nagpapalipas ng gutom kaya nangyari to.."

Agad akong nanghina sa narinig ko.

Bakit niya ginagawa yun?

Bakit niya kailangang gawin yun?

Dahil ba sa hindi siya kumakain tuwing lunch at nasa music room lang siya???

Bakit ba kasi niya ginagawa yun???

"Sige maam, proceed na lang po tayo sa room ng patient tutal naitransfer naman na po namin siya. Wala pa po siyang malay pero magigising na rin po siya at pwede niyo na siyang i-discharge." Sabi ng doctor at agad nang umalis.

~end of flashback~

"Sungyoung.. umiiyak ka na.."

Dahan-dahang tinapik ni Hoshi ang likod ko at agad ko ring pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit ba kasi kailangan pa niyang saluhin yung bola eh? Matigas naman mukha ko kaya ayos lang kahit matamaan ako.. alam na niyang may sakit siya.. dadagdagan pa niya yung sakit na nararamdaman niya." Maluha-luha kong sabi.

"Sshhh... wala kang kasalanan, sadyang nag aalala lang talaga si Seungkwan para sayo.... sis-in-law kayo diba???" Nakangiti niyang sabi.

Natawa na lang ako sa huling sinabi ni Hoshi.

Sis-in-law.

"Oh eto."

Agad na nilapag ni Hoshi ang isang container sa harapan ko.

"Luto yan ng ate niya, ipakain mo na lang sa kaniya pag nagising na siya." Sabi niya.

"Mauna na ako, stay safe." Dagdag niya.

Agad na siyang lumabas ng kwarto at naiwan naman ako dito.

Bumalik ang tingin ko kay Seungkwan na wala pa ring malay.

"H-hoy bakla."

Hangin lang ang sumagot saakin. Ewan ko ba kung bakit ko siya kinakausap gayong wala naman siyang malay.

"Gumising ka na nga jan! Dalawang linggo na yung sinasayang mo. Diba sabi mo i-te-train mo ako? Pinwersa mo 'kong sumali tapos tutulugan mo ko!"

Awa, awa at pagtataka ang tanging nararamdaman ko ngayon para kay Seungkwan.

Siguro may pinagdadaanan siya kaya nagkakaganito...

Wala ba siyang kaibigan na matatakbuhan??

Well... andito naman ako..

K-kaibigan niya ako diba???

Napayuko na lang ako sa gilid ng kama niya at tinignan siya.

"Haysss... madami pa akong hindi alam tungkol sayo... sana one day mag open ka saakin.. baka sakaling matulungan kita.."

3rd Person POV

(Now playing - Who Are You [Sam Kim])

Habang pinagmamasdan ni Sungyoung ang mahimbing na natutulog na si Seungkwan ay unti-unting kumalma ang paligid.

Hindi maintindihan ng dalaga ang nararamdaman niya pero hindi na lamang niya pinansin ito. Bagkus, hindi niya namalayan na unti-unti na pala niyang pinag aaralan ang mukha ng kaibigan.

Mula sa napakaraming nunal na nakapalibot sa mukha ni Seungkwan na mistulang constellation, mga pilikmata na napakahaba, hanggang sa matangos nitong ilong at mapupulang mga labi.

Agad nagising sa katotohanan si Sungyoung at tinampal tampal ang sarili.

"A-ano ba 'tong ginagawa ko??.."

Napa-iling ang dalaga at napatingin na lang sa noo ni Seungkwan na may benda.

Napansin nito na nadikit na ang bangs ni Seungkwan kaya inayos niya ito.

"Haynako bakla, losyang ka na tuloy..." Mahina niyang sabi.

Unti-unting tinamaan ng antok si Sungyoung hanggang sa makatulog na siya sa tabi ni Seungkwan.

Sakto namang namulat ang mga mata ni Seungkwan at agad tumama ang mga mata nito kay Sungyoung na mahimbing na natutulog.

Naalala ni Seungkwan ang nangyari at ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ngayon at imbes na mainis ay napangiti na lamang siya.

Unti-unti niyang hinaplos ang ulo ng dalaga na nasa kaniyang tabi, iniiwasang magising ito.

"Salamat, ligtas ka." Mahinang sabi ni Seungkwan.

"Sana ito na. Mapapatawad mo na ako." Bulong ng isang lalaki na nakasilip sa pintuan ni Seungkwan.

[A/N: OWEMJII SORRY GUYS ANTAGAL KO MAG UD. Nasa vacation kasi ang lola niyo hahahaha walang net. :<

Sorry din kung cringey yung 3rd person ko lol. Siguro di ko na uulitin yon. Ewan. Haha

Tenks for reading!]

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon