Sungyoung
"Tara! Tuloy ka!"
Dali-dali akong lumabas ng kwarto upang tignan kung sino ang bisitang sinasabi ni Vernon.
Please sana di siya..
Please sana hindi..
Please sana hindi..
"Oy Sungyoung!"
...siya..
Biglang nag-usok ang ilong ko nang makita ko ang pagmumukha niya sa pintuan habang ansaya niya pa at kumakaway kaway pa saakin.
[Akward Silence]
"Uhm, tuloy ka! Ano ka ba, make yourself at home!" Masiglang sabi ni Vernon.
Wow.
Wtf?
Nagulat pa at namula ang mukha niya nang akbayan siya ni Vernon at hinila papasok ng bahay.
"So uhm.... ano nga pala pangalan mo???" Biglang tanong ni Vernon.
"Uhm... Seungkwan... Boo Seungkwan." Pabebeng sagot ng bading na ito.
Qaqo.
Nagkamali ka ng pinuntahang bahay.
"Ah.... gaano na kayo katagal ng kapatid ko?—"
"PUTANGINANG YAN VERNON!"
"H-huh?"
Agad nanlaki ang mga mata ni Seungkwan sa tanong ni Vernon.
"Aba't— Hoy Chwe Sungyoung, ka-turn off ka! Bakit ka nagmumura sa harap ng boyfriend mo—"
"WALANG NAMAMAGITAN SAAMIN!"
Agad ulit nanahimik ang paligid nang sabay lumabas sa bibig namin ni Seungkwan ang mga salitang iyon.
"Uhm.. c-classmate ko lang po siya. May pag uusapan lang po kami kaya andito ako." Nakangiting tugon nito kay Vernon.
Tangina rin ni Vernon eh. Susupalpalin ko bibig nyan. Daming alam na tanong.
Biglang napangisi si Vernon ng malaki at tumingin ito sa direksyon ko pagkatapos ay bumalik sa direksyon ni Seungkwan.
"So, may gusto ka bang kainin?"
"Inumin?"
"Uhm, h-hindi ka ba nilalamig masyado?"
"O naiinitan ka ba?—"
"VERNON TUMIGIL KA NGA!"
"H-hindi naman po.. s-salamat po.."
Wow taena.
Bakit ang galang niya kay Vernon?!?!?!
"Uy, ano ka ba, wag mo na akong i-po. Ilang taon ka lang ba?" Biglang tanong ng magaling kong kapatid.
"Uhm.. 18 po..."
"Oh! Mag ka edad lang pala tayo eh! Wait, ano nga ulit pangalan mo?"
"S-seungkwan..—"
"OKAY! TAMA NA! BUSY SI SEUNGKWAN KAYA AALIS NA KAMI! OKAY VERNON???" Irita kong sabi.
"Luh, bat galit ka? Natutuwa lang naman ako kasi finally nagdala ka na ng lalaki dito sa bahay—"
"VERNON!"
Halata namang nagpipigil ng tawa si Seungkwan sa bangayan naming dalawa.
Agad ko siyang pinandilatan ng mata kaya bumalik ulit ang mukha niya sa blankong ekspresyon.
Dali-dali kong hinila si Seungkwan palayo kay Vernon.
"Alam mo Bernong, aalis na kami okey? Mamaya na ako uuwi dahil may aasikasuhin pa kami." Pagpapaliwanag ko.
"Ano ba yan, aalis kaagad yang bisita mo. First time mo pa naman magdala ng lalaking—"
"SINABING TAMA NA TANGINA!"
Tatawa tawa naman si Vernon kahit galit na galit na ako.
Agad kong hinila si Seungkwan palabas ng bahay.
Nang makarating kami sa gate, hinarap ko siya pero halatang kinikilig pa rin siya sa inasta ni Vernon.
"Hoy bruha."
Mistulang wala siya sa sarili niya.
"HOY BOO SEUNGKWAN!"
Agad siyang nagulat nang sinigawan ko siya.
"Huh? May sinasabi ka?" Dumbfounded nitong sabi.
"Ano meron? Bakit kailangan mo pang pumunta sa bahay? Ha? Akala ko ba 9 ang usapan? At aba, ang kapal! Pumasok ka pa sa bahay!" Napa tawa na lang ako.
Bigla naman sumeryoso ang mukha nito.
"Hays, sis, una sa lahat, kaya maaga ako kasi may inasikaso pa ako. Kung tutuusin, mas maaga mas maganda diba? At isa pa, pinatuloy ako ng kuya mo. Yiee! Tinuring niya akong parang prinsesa kaninang pagpasok ko owemji!!!" Kinikilig pa siya.
Bigla naman siyang nangiti na parang ewan.
"Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ako pa lang ang kauna-unahang bisita mo na lalaki—"
"Shut up. Una sa lahat, hindi ka naman lalaki kaya kalimutan mo mga sinabi ni Vernon sayo kanina." Seryoso kong sabi.
"Ah yun ba?—"
"Pati rin yung mga tanong niya."
Agad ulit nanahimik ang paligid namin.
Agad kong hinila ang braso niya para maka alis na kami.
"Tara na nga, para matapos na to—"
Pero bigla niyang hinila ang braso ko at pinaharap sa kaniya pabalik.
"Seungkwan bakit—"
"Wag kang gagalaw. Sandali lang."
Nagulat ako nang hinawakan niya ang balikat ko at inilapit niya ang mukha niya saakin.
Biglang gumapang ang hinlalaki niya sa labi ko tapos biglang pinunasan ito.
"Hayss, how can you be so clumsy? Pati toothpaste ginagawa mong lip gloss." Napa-iling na lang ito.
Nanatili kami sa posisyon na yon. Habang busy siya sa pagpunas sa labi ko, bigla akong napatingin sa kulay brown niyang mata.
*tug* *tug* *tug* *tug*
B-but... I'm not usually like this...
BINABASA MO ANG
Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]
Teen FictionSungyoung:I love you. So much Seungkwan:Excuse me? Di tau talo gurll!!! Sungyoung:Sorry. Xsend. "NAGKANDA GULO GULO ANG LAHAT DAHIL SA BWISIT NA XSEND NA YAN!" Started: Feb 1, 2019 Ended:??? Updates every weekends Highest Rank: Chwe #1