CHWE SUNGYOUNG POV
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng apartment ni Seungkwan habang naglakad naman siya papasok na pulang pula yung mukha.
Binilisan niya ang lakad niya at agad siyang napahiga sa sofa at inilapag na lang niya sa coffee table niya yung bag niya.
Isinara ko ang pinto at agaran akong lumapit sa kaniya.
"A-ayos ka lang ba?"
Walang emosyon lang niya akong tinignan.
"Bakit mo kasi nilunok? Alam mo naman palang may kamatis?" Sabi ko.
Tinitigan pa rin niya ako sabay pumikit na.
"Huy! Namamaalam ka na ba???" Sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya.
Natawa naman siya sa sinabi ko at dumilat na rin siya at agarang tumingin saakin.
"A piece of tomato won't kill me." Nakangiti niyang sabi.
"'Won't kill me daw'! Samantalang nagka allergy reaction ka nga!" Sabi ko.
"Who shoved a spoonful of salad inside my mouth in the first place?" He smirked.
Napaiwas ako ng tingin.
"Sorry na nga eh. Di ko naman alam." Mahina kong sabi.
"Yeah whatever." Sabi niya.
"Sorry talaga." Mahina kong sabi.
"Sabi ko, okay lang sis. Hindi ako mapapatay ng kapirasong kamatis—"
"Sorry sa lahat."
Nagtataka siyang tumingin saakin.
"Kasi you've been to so much trouble because of me." Sabi ko.
Natahimik sandali ang paligid at tinignan lang ako ni Seungkwan.
"Kung di lang sana ako tatanga-tanga these past few days, sana wala tayo dito ngayon." Dagdag ko.
He just smiled at me and faced the ceiling.
"Thankyou." Sabi niya.
"Huh?"
"Thankyou, because you showed me that there's still someone who cares for me." Sabi niya.
Agad niyang pinako ang mga mata niya saakin.
"Alam mo bang nagbabalak na akong mag suicide these past few weeks?"
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napasara ang kamao ko.
"Seungkwan, ano bang—"
"Yeah, totoo." Nakangiti niyang tugon.
"Ang hirap kasi ng pakiramdam na di mo kasama ang buong pamilya mo, magkakahiwalay kayong magkakapatid, tapos yung isa mong kapatid, inahas ka kaya hindi kayo magkasundo ngayon..."
Kitang kita sa mukha niya na tanging sakit at lungkot lang ang bumabalot sa kaniya, idagdag pa na pilit siyang ngumingiti. Hindi siya yung Seungkwan na kilala ko. Yung masiyahin at tila walang pinoproblemang Seungkwan.
Nanatili lang akong tahimik at hinayaan siyang ubuhos ang nararamdaman niya.
"But then, you came." Sabi niya.
"Kahit ilang buwan na lang tayo magkakasama dahil college na tayo next year at ilang linggo mo pa lang akong kilala kahit antagal na nating magkaklase..."
BINABASA MO ANG
Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]
Teen FictionSungyoung:I love you. So much Seungkwan:Excuse me? Di tau talo gurll!!! Sungyoung:Sorry. Xsend. "NAGKANDA GULO GULO ANG LAHAT DAHIL SA BWISIT NA XSEND NA YAN!" Started: Feb 1, 2019 Ended:??? Updates every weekends Highest Rank: Chwe #1