24

69 9 3
                                    

Chwe Sungyoung

"OKAY CLASS, SAMAHAN NIYO NA MGA PARTNER NIYO."

Andito na kami sa gym ngayon kasi magkakaroon ng activity.

Nagsipuntahan na yung mga classmate ko sa kani-kanilang partner at nakangiting lumapit saakin si Seungcheol.

"Bagay sayo P.E. natin ah." Sabi ko.

"Haha, salamat. Sayo din." Sabi niya.

Agad akong tumingin sa direksyon ni Seungkwan at nakita kong nakabusangot pa rin siya.

"Oy bakla, bakit ang asim ng mukha mo?" Tanong sa kaniya ng partner niya, si Umji.

"Wala wala, ang panget mo kasi." Sagot niya dito.

Inirapan lang siya ni Umji at nagtama bigla ang mga mata namin.

Agad siyang umiwas sa tingin ko at tumingin na lang kay Vernon na naglalaro sa kabilang court ng gym.

Dalawa kasi court ng gym namin. Isa sa volleyball, at isa sa basketball.

Bumalik agad ang tingin ko kay Seungcheol kesa mag aksaya pa ako ng panahon kakaisip kung ano problema ng baklang iyon.

"Okay class, maglalaro tayo ngayon ng volleyball. Isa isa ko muna kayong tuturuan kung paano mag serve at mag toss." (Tama ba? Sorry di ako nagvovolleyball. I hate it.)

"Kaya wag niyo muna isipin ang mga partner niyong kepapanget naman. Pumila kayo. Isang pila sa girls at isang pila sa boys." Sabi ni maam.

Agad kaming pumila sa perspective lines namin.

"Mauuna ang girls ha?" Dagdag nito.

Literally, I have 0 skills in volleyball so... I don't know. Siguro mayamaya may matatamaan ako sa mukha or whatever. I hate this. Ako pa naman yung pinaka huli.

Agad nang nag serve yung mga girls sa harapan ko. As expected ang tataas at ang lalakas ng mga tira nila.

Hay.. buti pa sila.. eh ako?












"Chwe Sungyoung! Ano tinatayo-tayo mo jan? Ikaw na susunod!"

Agad akong nagising sa katotohanan at dali-daling pumunta sa court.

Halos lahat ng mata ay nasa akin kasi ako ang pinaka huli.

Shit. Di ko ata kaya to, baka may matamaan ako neto eh.

Binigay saakin ni Maam ang bola.

"Relax ka lang, ihagis mo yung bola gamit yung isa mong kamay tapos paluin mo ng sobrang lakas gamit yung kabilang kamay mo. Okay???" Turo niya. (Don't sue me volleyball players, kung mali man ehdi sorry hahaha. Ps. Alam kong spike yon hindi serve.)

Huminga ako ng malalim.

Gaya ng sinabi ni maam, agad kong hinagis yung bola at pinalo ko ng sobrang lakas.

Kaso lang..

[BLAG!]

"ARAY!"

"Huy! Okay ka lang?"

"Haluh natamaan sa braso si Dowoon!"

"Mam dalhin na 'to sa clinic!"

Syet. Sabi na may mataamaan ako eh.

"Dowoon, ayos ka lang ba???" Tanong ni maam.

Nakita kong ansama ng tingin ni Dowoon saakin kaya umiwas ako ng tingin.

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon