Sungyoung
Napa ihip na lang ako.
"S-seungkwan.. okay na yan."
Dali-dali kong inalis ang kamay niya sa labi ko at mukhang narealize naman niya ang ginawa niya at agad din siyang lumayo sa akin.
"Sorry." Mahinang sabi nito.
"Ah, o-okay lang!—"
"Ang chaka mo kasi tignan, sis." Bigla naman siyang natawa ng mahina.
Agad naman bumalik ang mukha ko sa pagiging seryoso.
"Huwag mo nang gawin yun ulit. Di ako bata, may mga kamay ako kaya dapat sinabihan mo na lang ako." Seryoso kong sabi.
Nauna na akong naglakad sa kanya kasi nagiging akward na ang sitwasyon.
"Ay, sis in law!" Bigla nitong tawag sa akin.
"I said stop calling me that." Irita kong sabi.
"Okay lang ba? Sa apartment ko na lang tayo pumunta? Andun kasi ang mga gamit ko at ang mga kailangan mo. Madami kasi masyado." Napahawak na lang siya sa leeg niya.
Tumango na lang rin ako.
"Sige, san ba?"
[SA APARTMENT NI SEUNGKWAN]
Napabuntong hininga na lang ako.
[BLAG]
"Wedges, 6 inch, 3 inch, 8 inch, flats, doll shoes, sandals."
Biglang hinelera ni Seungkwan ang sangkatutak na sapatos sa harapan ko.
Napakamot ako ng ulo ko.
"So, susuotin ko lahat yan?"Napa-iling na lang si Seungkwan.
"Hindi naman. Oo lang. Hahaha!" Biglang tumawa ng malakas ito."Ano ba yan! Makakalakad pa kaya ako kung ganyan ka tataas ang mga suot ko?" Reklamo ko.
"Kaya nga tuturuan kita rumampa diba? Kaya nga nagpatulong ka sakin diba? Duh." Maarte siyang nag hairflip.
"Teka, kukunin ko naman yung mga damit." Sabi naman niya.
Dali-dali siyang pumasok sa kwarto niya.
Nilibot ko ang mga mata ko sa apartment ni Seungkwan.
Sa unang tingin, iisipin mong bahay nga ito ng isang normal na lalaki pero... sadly, hindi lalaki ang nakatira dito.
Agad kong napansin ang mga pictures sa side table na nasa harapan ko.
Kaagad akong lumapit dito.
Bigla na lang akong napangiti nang makita ko ang mga pictures na naka display.
Grabe, puro recognition pictures, baby pictures, at family picture niya lang nandito.
Agad na siyang lumabas ng kwarto niya dala naman ang sangkatutak na damit.
"Asan yung picture ni Vernon?" Natatawa kong sabi.
"Ayt, gusto mo makita?" Nakangisi nitong sabi.
"Lul, wag na. Baka kung ano pang uri ng pagnanasa mo makita ko. I might gag." Nandidiri kong sabi.
Bigla na lang siyang natawa.
Malay ko ba kung anong nasa loob niyang kwarto niya. Baka mamaya meron pang nudes ni Vernon jan. Yak. Ewww.
"Sige, bahala ka." Natatawa nitong sabi.
Kaagad namang inilatag ni Seungkwan ang mga damit na hindi ko naman alam kung anong tawag.
Mukha namang kurtina yan. Pwe.
Agad niyang kinuha ang isang damit.
"Ito, crop top ito." Pagpapaliwanag niya.
"Lol, parang t-shirt ni Winnie The Pooh." Natatawa kong sabi.
Agad namang sumeryoso mukha niya.
"Magseryoso ka nga. 3 months na lang mag sisimula na yung Pageant." Napa-iling na lang siya.
"3 months pa pala eh! Ehdi bakit ang aga nating maghanda?" Nagtataka kong sabi.
Napabuntong hininga na lang si Seungkwan.
"Sis in law, nakikita mo ba sarili mo?" Napa kamot ulo ito.
"Oh bakit? Ano naman problema sa hitsura ko? Maayos naman ah!" Reklamo ko.
"Hayss... sabihin mo nga. Sinong babae ba ang nag susuot ng maluwang na T-shirt, baseball cap, ripped jeans, at rubber shoes, lakad kanto, kilos lalaki, at lalabas ng bahay ng may toothpaste pa sa labi? Huh?" Panenermon niya.
"Uhm... ako?" Pilosopo kong sabi.
"Haynako, Chwe Sungyoung!" Sigaw nito.
"Aba't— sinong nagbigay sayo ng karapatan para sigawan ako ha?!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Alam mo, kung parehas lang kayong lalaki ni Vernon okay ka pa tignan eh. Kaso sis, babae ka. Kabaliktaran ka ni Vernon okay? Kung gwapo at hot si Vernon, maganda at mahinhin ka naman dapat tignan! Hindi yung like kuya like kapatid! Hays... ewan. Madami pa tayong kailangang baguhin sayo." Napailing na lang siya.
"Lul, walang tayo." Irita kong sabi.
"Alam ko. Di mo kailangang ipamukha saakin." Sabi nito sa seryosong tono.
Wait what?
Nasaktan ba siya sa sinabi ko?
"KASI KAMI NI VERNON ANG MAGKAKATULUYAN! YIEEEEE~!" Bigla siyang ngumiti na parang ewan at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
Napailing na lang ako.
Napaka gago mo talaga Seungkwan.
BINABASA MO ANG
Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]
Novela JuvenilSungyoung:I love you. So much Seungkwan:Excuse me? Di tau talo gurll!!! Sungyoung:Sorry. Xsend. "NAGKANDA GULO GULO ANG LAHAT DAHIL SA BWISIT NA XSEND NA YAN!" Started: Feb 1, 2019 Ended:??? Updates every weekends Highest Rank: Chwe #1