Chwe Sungyoung POV
Agad akong napatingala nang may makita akong pares ng paa na nasa harapan ko.
Nginitian lang niya ako.
Narecieve siguro ni Hoshi yung text ko.
"Magiging maayos din ang lahat." Mahina niyang sabi.
"H-hindi ayos. H-hindi ayos... a-andito sila.. sisirain na naman nila k-kami.."
Mas lalong kumirot yung puso ko sa sarili kong mga salita. Totoo naman kasi, yun lang naman ang alam nilang gawin...
"Shh... huminga ka muna ng malalim. Baka mag collapse ka."
Pinilit akong pakalmahin ni Hoshi pero mas nauna ang galit na nararamdaman ko kaya di ko na kinaya.
"P-paano ako hihinahon??? S-sinaktan nila kami pagdating n-na pag dating nila d-dito! P-paanong..."
Unti-unting umikot at nanlabo ang paningin ko. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay.
Tuluyang bumagsak ang katawan ko at mabuti na lang ay nasalo ako ni Hoshi.
Napadilat pa ako ng kaunti habang nakasandal na sa balikat niya ng may natanaw akong isang pamilyar na imahe sa kabilang gilid ng kalsada.
S-Seungkwan???...
"Sungyoung?"
Naramdaman ko ang pagtapik saakin ni Vernon na siyang ikinagising ko.
Pinilit kong bumangon pero inunahan ako ng matinding sakit ng ulo.
"A-aray..." Mahina kong sabi habang nakahawak ako sa ulo ko.
"Wag mong piliting bumangon kung di mo pa kaya." Bilin ni Vernon.
Idinilat ko ang mga mata ko at napansin kong andito na ako sa kwarto ko.
"Paano ako napunta dito?" Tanong ko.
Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang isang Kwon Soonyoung na may kagat kagat na pandesal sa bibig at may hawak na tasa ng kape.
"Salamat sakin." Sabi niya habang may nakasalpak na malaking pandesal sa bibig niya.
Napatingin ako kay Vernon na may halong pagtataka.
"Inuwi ka niya dito. Nawalan ka ng malay sa gilid ng kalsada." Sabi ni Vernon.
Bigla kong naalala yung nangyari. Dumating dito sina mama at papa, sinaktan kaming dalawa ni Vernon, nilayasan ulit kami, sinubukan ko munang lumayo, tumakbo ako ng sobrang bilis na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng malay. Great.
Unti-unting nagsara ang kamao ko sa inis ng maalala ko ulit ang mga pangyayaring yun.
Napansin nilang dalawa na hindi na naman nagiging maganda ang aura ko.
"Sungyoung, kumalma ka muna, magiging ayos lang lahat—"
"Hindi. Walang ayos. Andito sila. Malaking rason na yun para hindi tayo maging ayos." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]
JugendliteraturSungyoung:I love you. So much Seungkwan:Excuse me? Di tau talo gurll!!! Sungyoung:Sorry. Xsend. "NAGKANDA GULO GULO ANG LAHAT DAHIL SA BWISIT NA XSEND NA YAN!" Started: Feb 1, 2019 Ended:??? Updates every weekends Highest Rank: Chwe #1