31

90 7 5
                                    

Chwe Sungyoung

"I'm sorry.. Seungkwan."

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin.

"P-Papaano kung nahuli na naman ako..." Bulong niya.

Nahuli? So totoo ngang nakita ko siya bago ako mawalan ng malay kahapon???

H-Hindi yun panaginip???

*tiit* *tiit*

Agad kaming nagulat at umalis na rin sa pagkakayakap si Seungkwan saakin nang mag-ring yung cellphone ko.

"S-sorry... sandali lang."

Nakita kong si Hoshi yung natawag kaya agad kong sinagot.

"H-hello?"

*Boi, may emergency ako. Okay lang ba na mauna na muna ako? Pasensya na talaga. Batukan mo na lang ako sa monday dahil sa pang iindian ko sayo. HAHAHA! Geh bye na.*

Ibinaba din agad ni Hoshi yung phone kaya ibinaba ko na rin ito mula sa tenga ko habang nakatingin pa rin ako kay Seungkwan.

Coincidence ba to o ano? Bakit parang timing yung pag alis ni Hoshi?...

Opportunity ba tong binibigay saakin?

"M-mauna na ako! Mukhang importante yan.. sige—"

Nagulat siya nang hawakan ko yung braso niya at pinipigilan siyang umalis.

"P-Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko.

Wala na ring nagawa si Seungkwan at napatango na lang.

Nagsorry ako sa guard na sumaway saakin kanina at hinila ko siya sa isang coffee shop sa mall.

~~

Andito kami sa Starbucks ngayon at awkward pa ring nakatingin sa isa't isa.

"M-May sasabihin sana ako." Sabay naming sabi.

"A-Ah! Hindi, Mauna ka na. A-ano ba sasabihin mo?" Sabi ni Seungkwan.

Huminga ako nang malalim at napatingin sa kaniya.

"Sorry talaga, nung iniwan kita kahapon ng walang paalam. Alam kong di ka pa ayos nun dahil pulang pula pa yung mukha mo nung iniwan kita. Sorry talaga... may emergency lang talaga." Sabi ko.

"Yang 'emergency' din bang yan ang dahilan kung bakit ka hinimatay kahapon?" Diretso niyang sabi.

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Nandun nga siya. Hindi ako nag iilusyon dahil nakita ko talaga siya kahapon...

"Ang totoo— Oo. Oo yun nga. Gusto ko rin itanong sayo, sinundan mo ba ako kahapon—"

"Oo sinundan kita. Umalis ka ba naman ng walang sinasabi eh. Natural magtataka ako kung bakit ka kumaripas ng takbo bigla." Sabi niya.

"A-ano nga pala ginagawa mo dito? Paano mo ako nakita?" Tanong ko.

"May bibilhin sana ako, tapos nakita kitang nagtatatakbo, ayun. Sinundan kita. Napansin ko pang kaka-mop lang nung sahig." Sabi niya.

"Atsaka, parang ansigla mo ata ngayon? Kahapon diba nga hinimatay ka?" Tanong niya bigla.

Natawa na lang ako.

"Sinusubukan ko lang lumimot. Kahit pansamantala lang. Nakakita ako ng Penshoppe kaya ayun. Haha." Sabi ko.

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon