33

55 4 1
                                    

Chwe Sungyoung

Nothing much happened since last saturday. In a blink of an eye, Monday na kaagad.

Napabuntong hininga na lang ako while doodling something in my notebook. Vacant hour kasi ngayon so walang teacher na nagbabantay.

Bakit kaya hindi pumasok si Seungkwan???

"Uyyy may inaantay!~"

Nagulat ako nang biglang lumitaw si Umji sa tabi ko.

"Uhm.. HI." Sabi ko.

"Ano? Balita ko simamahan mo si Seungkwan nung sinugod siya sa ospital hanggang sa madischarge siya ah? Yieee goals kayong dalawa ha! Baka mamaya kayo na talaga!" Pang aasar niya saakin.

"Umayos ka nga Umji! Ang aga aga nambubwisit ka!" Irita kong sabi.

Bakit naging feeling close tong babaeng to bigla?

"Nung una talaga iniisip ko kung talagang nagseselos siya kasi type niya si fafa Seungcheol kaya naiinis siya sayo. But gurl-- I WAS WRONG HAHAHA! The way na tinulak pa niya si Seungcheol sa sahig para lang siya yung makapagligtas sayo??? Wow, parang eksena sa Kdrama! Nagbabalik loob na si Seungkwan!" Hyper niyang sabi.

Oo nga pala... sa kabila ng nararamdaman ni Seungkwan, ginawa pa rin niya yun.

"Pag di ka pa tumigil, maiirita na talaga ako sayo. Huwag ka ngang ma-issue. Friends lang kami ni Seungkwan at nag aalala lang siya saakin. Alam mo namang patay na patay siya sa kapatid ko, so impossible mangyari mga sinasabi mo." Inis kong sabi.

Actually di ko na din alam. Nalilito na rin ako. Ano bang nangyayari talaga?

"Sus, kaya pala may pa tulak tulak sa kapwa classmate." Bulong niya na rinig ko naman.

"Narinig ko yon." Seryoso kong sabi.

Nag peace sign sakin si Umji kaya napa irap na lang ako dahil baka humaba pa yung usapan.

Hays bat ba kasi ang komplikado ni Seungkwan eh! Di ko na alam kung ano minsan tumatakbo sa isip niya! Di ko alam kung pinagtitripan lang ba niya ako o ano!

"Sungyoung?"

Biglang may tumapik sa balikat ko at agad ko yong hinarap.

"Ay, ikaw pala yan Seungcheol." Sabi ko.

Nginitian lang niya ako at napakamot siya sa batok niya.

"Uhm... ayos ka lang ba? About sa incident nung friday?" Nahihiya niyang tanong.

"Uhm... yeah ayos lang ako... dapat nga ako nagtatanong sayo niyan eh. Ikaw, ayos ka lang ba? Medyo malakas pagkakatulak sayo ni Seungkwan eh... baka nagka injury ka or something." Sabi ko.

"Hindi, ayos lang ako hahaha. Di naman ako nagalusan eh. Si Seungkwan kamusta na? Di siya pumasok ngayon ah, masama pa din ba pakiramdam niya? Kamusta yung ulo niya? Malakas din pagkakatama sa kaniya ng bola eh... nagdugo pa nga yung ulo niya..." Nag aalalang tanong ni Seungcheol.

"Bumagsak po ang katawan niya, kulang po siya sa kain kaya po siya hinimatay. Siguro ilambeses na siyang nagpapalipas ng gutom kaya nangyari to.."

Nag echo ulit sa utak ko yung sinabi nung doktor about sa kondisyon ni Seungkwan.

Ano na ba kasi nangyayari dun???

"Sungyoung?" Hinawi hawi ni Seungcheol yung kamay niya sa harapan ko.

Bigla akong napailing sa pagkakatulala.

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon