19

83 11 0
                                    

Chwe Sungyoung

[1 week later]

Isang linggo na rin ang lumipas eversince that 'may girlfriend na ako' incident.

Nagpaliwanag naman si Seungkwan na pinagkakautangan niya daw yon.

Hindi ko na lang rin pinansin kasi hindi naman na nagparamdam ulit yung babae na nagpakita saaming dalawa.

Medyo maayos naman na kami ni Seungkwan pero bibihira ko lang siya kausapin kasi pag kinausap mo yon ay dadaldal at iingay siya lalo.

Tuloy pa rin yung pag te-train niya saakin pero every weekends lang. So to sum it, dalawang beses pa lang niya ako na te-train.

Ang pinaka kinaiinisan ko is every after training eh palalamunin naman niya ako. Lagi niya ako inaaya kumain.

"Ambilis ng araw no? Parang kelan lang nung nag dare ako sayo na sabihan ng I love you si Seungkwan, tapos ngayon close na kayo yieee!" Pang aasar ni Hoshi.

Inirapan ko na lang si Hoshi dahil wala ako sa mood makipag asaran.

Andito kami sa cafeteria ngayon, samantalang si Seungkwan as usual nasa music hall na naman.

To be honest, lagi siyang nasa music hall pag lunch.

Lagi siya mag isa.

May mga kaibigan pa kaya siya?

Napa iling na lang ako.

Bakit ko ba siya iniisip? Tss.

Buti na lang at busy pa rin si liit mata sa pag nguya ng burger niya.

"Oy, alis na muna ako. May gagawin pako eh." Sabi ko.

Bigla namang nag pout si Hoshi.

"Ano bayan, lagi na lang pa-ikli ng pa-ikli yung oras na magkasama tayo. Nafafall ka na ata talaga kay Seungkwan eh." Sabi niya.

"Shut up. Ugh.. sige, sa sabado manuod tayo ng sine. Since matagal na nating di nagagawa yon." Walang emosyon kong sabi.

"Haynako, napaka tsundere mo talaga no? Ang cold mo tignan pero deep inside may puso para sa bayan hahaha!" Natatawang sagot ni Hoshi.

"Whateves. Basta sa saturday." Dali dali na akong umalis.

Pumunta ako sa counter saglit.

"Uhm... miss, pabili nga po isang tuna sandwich."

Nagbayad na ako at agad na ring umalis sa canteen.

As usual wala pa ring tao sa school corridor dahil maaga pa.

Patingin tingin ako sa paligid pero mukhang wala naman talagang tao.

Agad na akong huminto sa isang pinto at binuksan ito.

At tama nga ako.

Andun na naman siya. Tumutugtog ng piano.

[Now playing - Say Yes]

Niga bogoshipeoseo

Neomu bogoshipeoseo

Andwineun jul almyeonseo

Siganeul dwidolliryeo hae

Banghan kyeone gidaeeo

Neoreul bulleo bojiman

Say yes

Ijhyeojin ni moksoriman

Oh neomu yeppeoseo

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon