16

69 10 0
                                    

Chwe Sungyoung

"BUT I WISH WE WERE."

Halatang gulat si Seungkwan na nakatingin sa likuran ko.

Alam kong hindi siya ang nagsabi non at isa lang ang kilala kong ganyan ka fluent mag english.





















"Tangina mo Hansol Vernon Chwe. Di ka nakakatuwa." Iritado kong sabi.

"AIIISH~! BRAD!"

Biglang lumitaw si Vernon sa harapan namin mula sa lamesa sa likuran ko.

"Oy! Uhm.. Seungkwan, tama?" Pag aalala niya ng pangalan ni Seungkwan.

Gulat pa rin si Seungkwan sa nakita niya kaya inakbayan na lang siya ni Vernon.

"'But I wish we were'. Dapat yun yung isinagot mo. Tangek." Napa-iling nitong sabi kay Seungkwan.

Tinapik naman niya si Seungkwan sa likod kaya mas lalong nagulat ito.

"Napaka epal mo no? Bakit ka ba nandito???" Inis kong sabi.

"Luh? Bakit? Nabili lang naman ako ng fried chicken ah? Ano masama dun?" Nagtataka niya kunông sabi.

"Sus! Palusot ka pa! Kanina mo pa kami sinusundan siguro!" Iritado kong sabi.

"Luh hindi nga~ pramis—"

"H-hanggang saan y-yung narinig mo?" Biglang sabat ni Seungkwan.

Halatang kinakabahan si Seungkwan habang nagsasalita.

Ay pota.

Kung kanina pa si Vernon dito....

BAKA NARINIG NIYA YUNG MGA PAG UUSAP NAMIN NI SEUNGKWAN KANINA!

"Dito bumibili ng chicken si Vernon boiiii~"

"Ang cute mo. Pero hindi mo mahihila paalis ang pagmamahal ko kay Vernon."

"Parang bonding na natin to kasi malapit na rin kami ikasal ng kuya mo so dapat maging close na rin tayo."

WHAT THE ACTUAL FVCK?!?!





"Uhm....." Napaisip si Vernon.

















"Ang narinig ko lang is yung sinabi ng kapatid ko na 'it's not that were in a date or something'. Yun lang promise."

Nakahinga ako ng maluwang nang yon ang isinagot niya. Si Seungkwan naman ay hindi maipinta ang mukha.

"Hayysss, sige na nga. Mauna na ako. Baka nakaka istorbo pa ako sa date niyo. Tsk tsk, buti pa kapatid ko may jowa na samantalang ako—"

"PUTA KASI UMALIS KA NA!" Bulyaw ko sa kaniya.

Napatakbo na rin siya palabas.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Hayssss muntikan na tayo dun girl!" Sabi nito.

Agad na rin saaming isinerve yung order namin.

"Tara kain na tayo." Sabi niya sabay lamon ng manok.

"Walang tayo." Walang emosyon kong sabi.

"UGGGHHKK~" Nagkunwari siyang nabilaukan at sabay hawak sa dibdib niya (hehehez( ͡° ͜ʖ ͡°)) at madramang tumingin saakin.

"I-ikaw...." Tinuro niya ako gamit ang chicken feet na hawak niya.

"M-minahal kita ng lubos... tapos.. tapos.. ganun-ganun lang sayo na ako'y iwan???.. bakit?!?! Waaaaaah! Baaaakeeeeetttt?!?!"

Di pa yun natapos dahil tumayo pa siya at nag walling sa pader na nasa likuran niya habang hawak pa rin niya ang chicken feet na kinakain niya.

Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao as usual. Pero this time, natatawa na sila.

Natawa na lang rin ako sa ginagawa ni Seungkwan.

Ngumiti naman siya at umupo na ulit.

"Finally, nakangiti ka na." Nakangiti niyang sabi.

Bumalik yung mukha ko sa blanko nitong expression.

"Just eat. Kailangan ko na ring umuwi." Sabi ko.

Natawa na lang siya.











"S-seungkwan oppa???"

Agad akong napatigil sa pagkain dahil biglang nagdabog si Seungkwan sa lamesang kinakainan namin.

Nakita kong bakas sa mukha nito ang galit at inis.

Ano meron???

"Ikaw nga yan... oppa.."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang magandang dilag sa likuran ko.

Nagulat ako nang biglang hinila ni Seungkwan ang kamay ko paalis ng restaurant.

"Sandali!" Hinila niya ang braso ni Seungkwan pero nagpumiglas din ito.

"Hindi mo ba nakikita? May kasama ako oh? O sadyang parang ahas ka lang na pupulupot nang pupulupot saakin?" Halata sa boses ni Seungkwan ang galit.

"P-pwede ba tayong mag usap kahit sandali?" Pag mamamaawa nung babae.

Seungkwan just scoffed in frustration.

"Talagang di ka makaramdam no?"

Nagulat ako nang bigla niya hinawakan ang kamay ko at ipinakita ito sa dalaga.


"May girlfriend na ako. Kaya wag kang malandi."


Another trouble with Seungkwan. Taena.

[A/N: Ngayon pa lang ako nakapag A.N. ulit hahahahaha.

So anyhow, yep. May reference ng weightlifting fairy Kim Bok Joo yung mga recent chapters neto hahahaha! ENEBENEMEN KESEE~ ANG GANDA KASE NG WLFKBJ LIEK WTFFFFF. Kaya ayon, sinama ko yung resto ni Bok Joo dito sa story hahahaha SWAEEEG~

Kung di niyo pa napapanood yon. Then you're sleeping on a masterpiece. hahahaha charot.

Panuorin nyo yun. Marerealize nyong di nyo kailangan ng jowa.

And sorry din dahil di ako naka UD for weeks dahil walang internet sooo deal with it HAHAHHA

THANKS FOR READING~ BYE~]

Sorry, Xsend [BOO SEUNGKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon