Four

5.5K 136 1
                                    

Deanna's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong nakayakap sakin. Pagharap ko sa likuran ko tahimik siyang natutulog.


Jema Galanza



Aalis na dapat ako sa yakap niya ng mas hinigpitan pa niya.

"Bakit di mo sinasagot mga tawag at text ko?" mahinang bulong niya sakin. Nagtayuan ang balahibo ko. Shit! Ang sexy niyang bumulong. Yung pakiramdam na ayaw mo nalang sagutin yung tao dahil gusto mo nalang siyang halikan. Kung kaya ko lang sana.




"Jema, bitaw magCcr ako." Pilit kong inaalis ang yakap niya pero mas lalo lang humihigpit.



"Babalik naman ako, bitaw muna please." Lumuwag na ang yakap na hanggang sa tuluyan na kong nakawala.

Ginawa ko na ang morning routine ko. After nun ay umupo ako sa kama. Tiningnan ko ang cellphone ko 17 missed calls and 26 unread messages lahat galing kay Jema. Napailing nalang ako. 6:30am na pala. Nagcheck muna ako ng social media.


Nagpop out ang gc namin sa theories of learning.

"Good Day class, sorry wala tayong klase now dahil may seminar akong kailangan puntahan. Next week is our midterm, just review what we discussed in the previous weeks. Have a great day Class."

Pahinga pala ngayon. Wala akong klase, pwede akong matulog magdamag.


"Deanna" Lumingon ako kay Jema na ngayong ay nakatingin sa akin habang nakahiga pa rin sa kama ko.



"Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" Hinawakan niya ang kamay ko at pilit niyayayang humiga sa tabi niya. Sinunod ko na tutal gusto ko pa rin namang matulog.


"Paalis na sila tita at tito nung dumating ako. Sabi nila dumaretso nalang daw ako dito sa kwarto mo. Kaya eto na ko. Tayo nalang andito. Binilin din nilang isara ko daw yung pintuan kaya I make sure na nakasara lahat ng pintuan niyo." Inaantok na sabi niya habang yakap ako.




"Bakit parang puyat na puyat ka?" Lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sakin.

"Hinihintay ko yung reply mo." Napatitig nalang ako sakanya. Wala akong masabi. Ano idadahilan ko?





Naramdaman kong lumuwag na ang yakap niya at nakatulog na siya ng tuluyan. Pinagmasdan ko siya hanggang sa nakatulog na rin pala ako ulit.











Nagising ako na wala na akong katabi. Bumangon agad ako at tiningnan ang oras. 9am


Lumabas ako ng kwarto para tignan kung andun si Jema pero wala akong naabutan. Hindi man lamang ako ginising.




Nang makarating ako sa kusina nakita kong may nakatakip na pagkain at may note sa takip.

"Good morning Deanna. Kumain ka na. Luto ko yan. Pumasok na ko sa work ko. Kainin mo yan lahat ha. -Jema"




Gutom na rin ako tamang tama. Kaya naubos ko ang luto ng almusal.






"Thank you sa breakfast." text ko kay Jema. Agad naman siyang nagreply ng "Always welcome 😘". Hindi ko na siya nireplyan. Bakit kailangan may kiss pa sa dulo? Ano bang ginagawa mo sakin Jema.







- - -
"Sa wakas! Exam week was finally over!" Masayang sabi ni Issa. Kaklase ko siya. Education din ang kinukuha niya.


"Tara! Kain tayo, nagutom ako sa pagsasagot." Nagtawanan kami sa sinabi ni Joy. Education din ang course niya at kaklase ko din. Magkakasama kaming apat nila ate Rhian at Issa.



Nag agree naman kami na kumain sa labas. Sa Festival ang napili naming pumunta para kumain. 11am palang naman.


Chineck ko ang phone ko. Wala pa rin siyang paramdam. More than a week na nung huling text niya. At huling kita namin nung pumunta siya sa bahay. I am thinking about Jema.



'Sabi naman kasi sayo self, wag kang masanay eh!' Pananaway ko sa sarili ko sa isip ko.




Pagdating namin sa Festival dumaretso kami agad sa kakainan namin. SNR. Nag order lang kami ng rice, chicken, at pizza.







"Guys, sino magpapakuha ng sauce? magrerefill ako." Tanong ko sakanila, kukuha ako ng ketchup.



"Ako, ketchup!" Sabi ni Issa.

"Ako din." Sabi ni Ate Rhian.

"Okay na ko dito." Sagot naman ni Joy. Kaya tumayo na ko at dumaretso sa refillan.




Pabalik na ko ng may mapansin ako. Si Jema. Napatingin ako sa way niya. May kasama siya. Isang lalaki. Natatawa nalang akong isipin na halos landiin mo ako tapos sinanay mo pa ako sa mga mangungulit mo then biglang di ka na ulit nagparamdam at makikita kita ngayon na may kasamang lalaki. Wow. Nice! Bravo!




Pagbalik ko sa table namin ay nawalan na ko ng ganang kumain.




Nag arcade kami pagtapos namin magpahinga sa pagkain. At kung sweswertihin ka nga naman. Andito din sila Jema. Nagbabasketball sila nung lalaki niya. Lalaki niya ha. Kasi naman! Naiinis ako!





Sa inis ko kahit gusto kong magbasketball ay iba nalang ang nilaro ko. Ayoko siyang makatabi. Sila pala. Ayoko silang makatabi. Baka imbis na sa ring ko dapat ihagis ang bola at maihagis ko sa pagmumukha nung lalaki!




"Okay ka lang?" Tanong ni Issa. Tumungo ako at ngumiti bilang sagot.

"Tara dun tayo." Hinila niya ko papunta sa kuhanan ng stufftoy. Tinary naming ang laro pero bigo kami.

"Sayang! Gusto ko pa naman nung Spongebob na stufftoy." Malungkot na sabi ni Issa.

"Dinadaya tayo ng machine." Natatawang sabi ko. Pano ba naman kasi biglang bibitawan ng machine kapag nataas na yung stufftoy.


"Nakakainis di tayo marunong dyan!" Pagrereklamo pa niya. Natatawang inakbayan ko nalang siya at pinuntahan namin sila ate Rhian at Joy na naglalaro ng hindi ko alam yung name ng laro basta yung may hinihila ka tapos may bola na nalabas tapos dapat malagyan mo yung bawat numbers yung may pattern. Basta yun na yun.



By 4pm at umuwi na kami. Chineck ko ulit ang cellphone ko. Pero wala talagang text or tawag na galing sakanya. Pano ka tatawagan o itetext Deanna eh busy yun sa lalaking kasama niya! hmp!



Magsama sila!

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon