Six

5.1K 139 2
                                    

Deanna's POV

"Mga anak gising na kayo. Kakain na." Sigaw ni Mama ang nakapagpagising sakin. Sunday ngayon tapos ang aga aga manggising ni Mama. Inaantok pa ko. Yumakap ako sa unan ko.  Naramdaman kong yumakap din to sakin. Yumakap sakin? Unan?




Pagmulat ko may nakayakap nga sakin. Si Jema.



"Mga anak!" patuloy na sigaw ni Mama.



"Ma! Gising na po kami." Sigaw ko pabalik. Pero nakapikit pa rin ang mga mata ko.





"Bumaba na kayo at kakain na. Hintayin namin kayo sa baba." Sagot ni Mama na hanggang ngayon ay hindi pa umaalis.



"Opo." Sigaw ko sabay inat.




"Bilisan niyo!" Narinig ko na bumaba na si Mama.



"Jema." Tinapik tapik ko naman ang katabi ko para magising na. Pero knock out pa rin.



Pagtingin ko sa cellphone ko ay 7am na pala. Bumangon na ko at dumaretso sa restroom para mag ayos.




"Anne." Tapik ko kay anne pagtapos kong gawin ang morning routine ko. Kinusot kusot naman ni Anne ang mata niya.




"Gising na Anne. 7am na. Naghihintay sila Mama sa baba. Kakain na." Sabi ko sakanya. Tumungo tungo naman siya. Kaya bumaling naman ako kay Jema.



Sumampa ako sa kama at tinapik tapik ulit siya.


"Jemaaaaaa! Gising na. 7am na. Kakain na." Yugyog ko sakanya at pinaupo ko siya habang nakapikit pa.




"Eto na po." Sabi niya sabay mulat ng mata at ngiti sakin.



"Goodmorning too Deanna." Dagdag pa niya. Sabay daretso sa restroom.



Bumaling ako kay Anne na ngayon ay nakikipagtitigan sa floor namin. Paglabas ni Jema sa Restroom ay tinapik niya si Anne at sinabihan na siya naman. Agad namang tumayo si Anne at dumaretsong restroom.




Hinintay lang namin matapos si Anne at sabay sabay na kaming bumabang tatlo.




"Umupo na kayo at kakain na." Bungad samin ni Mama habang nag aayos ng mga pagkain sa mesa. Kanya kanya naman kaming upo.



Magkatabi si Mama at Papa. Katapat ni Mama si Anne, Katapat ko naman si Papa, At nasa kaliwang side ko si Jema. Bali pinapagitnaan ako ni Anne at Jema.



"Salamat po sa pagkain." Sabi ni Jema pagkatapos naming kumain.



"Deanna." Pataas na ulit kami ng tawagin ako ni Papa. Kaya napahinto kaming tatlo sa paglalakad.



"Bakit po?" Harap ko kay Papa. Humarap din yung dalawa kong kasama.




"1pm kami aalis ng Mama mo ngayon. Sa Isabela ang team building namin. 18hours ang byahe kaya ngayon ang alis namin." Sabi niya habang sakin nakatingin.



"Kayo na muna bahala dito sa bahay ha. " Baling niya saming tatlo.


"Opo Pa." Tumungo tungo naman yung dalawa.



"Eto allowance mo. Wag kang masyadong magastos ha. Kapag nagkaproblema puntahan mo sila Tita mo." Lapit ni Papa at sabay abot ng sobre sakin.





"Sige po Pa. Taas na po kami." Tumungo lang si Papa, kaya tumaas na kaming tatlo.


"Guys, alis pala ako mamayang 1pm din. Balik nalang ako dito after dinner." Sabi ni jema habang nakaupo sa kama. Kami naman ni Anne nakaupo sa couch.



"San punta? May date?" Tukso ni Anne. Tahimik lang akong nakatingin sakanila. Tumungo naman si Jema habang nakangiti sabay higa sa kama ko.




Napatingin naman sakin si Anne na parang pinag aaralan kung anong nasa isip ko. Tsk.


I mouthed "What?"




Umiling iling lang siya at pumikit na then sumandal sakin.



"Okay lang yan." Bulong niya habang nakapikit at nakasandal sakin.


Okay lang naman talaga ako.


Wala naman akong choice kundi maging okay lang. Dapat okay lang ako. Kasi tapos na, finish na. Ex lang ako.


Ngayon kaibigan nalang ako na nakasupport sakanya, kung san siya magiging masaya.

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon