26

4.1K 106 12
                                    

Deanna's POV

Patulog na ko ng tumunog ang phone ko.

'Deanna punta tayo kila Jema bukas ha. Birthday niya.' Text sakin ni Anne.


'Babe, kita tayo bukas. Sunduin kita 9am.' Text naman sakin ni Samuel. Magrereply na sana ako kay Anne kaso nagkasunod sila ng text ni Samuel.


Isang linggo na mahigit ang lumipas ng nakita ko siyang may kasama sa mcDo. Isang linggo na rin kami hindi nagkakasama ni Jema. Naging busy daw siya sa work niya kaya hindi niya ko masamahan.




"Anne." Caller ID. Sasagutin ko ba? Hindi ko alam kung san ako sasama. Maya maya ay nag end na ang call.





- - -
Samuel POV

Pinagmamasdan ko ngayon ang babaeng mahimbing na natutulog sa kama niya. Mahigit isang buwan na rin ng makasama ko ulit siya. Sa isang buwan na yun nagulo niya ulit ang sistema ko.

'Sana sinabi mo nalang sakin noon ang pinagdadaanan mo, hindi sana ako nahihirapan ngayon. Kasama mo sana akong lumaban. Wala sanang Deanna ngayon sa buhay ko.' Isip isip ko. Malungkot na pinagmasdan ko siya. Si Deanna, kumusta na kaya siya?


"Hijo." Napalingon ako sa pintuan. Agad naman akong tumayo at pumunta kay Tita.



"Bakit po?" Tanong ko pagkasara ng pintuan ng kwarto ni Rosher.


"Gabi na. Dito ka ba matutulog?" Sumulyap ako ng tingin sa pintuan ni rosher tsaka ko binaling ulit ang tingin kay Tita.


"Hindi po. Sa bahay po ako matutulog." Napabaling ang tingin namin sa bumukas na pintuan.


"Love." Nagpaalam naman si Tita na matutulog na kaya kami nalang ni rosher ang natirang nakatayo dito sa labas ng kwarto niya.





"Bakit bumangon ka? May kailangan ka ba?" Sabi ko sakanya. Agad ko namang kinuha ang panyo ko ng mapansin kong biglang dumudugo na naman ang ilong niya. Nilapitan ko siya pinunas ko agad ang panyo sakanya at inalalayan ko siyang bumalik sa kama niya.




"Gabi na. Dapat tuloy tuloy ang pahinga mo." Paalala ko sakanya ng nakahiga na ulit siya sa kama niya at tumigil na rin ang pagdudugo ng ilong niya.






"Nakapagdesisyon na ko love. Payag na kong bumalik ulit sa US at magpachemo. Love, sabi mo sasamahan mo ko di ba?"



*Flashback

Pagkatapos akong kausapin nila Tita at Tito upang ipaalam ang situation ni Rosher ay kinabukas ng umaga ay bumalik ulit siya.


"Hijo." Napalingon ako sa tumawag sakin. Kasalukuyan akong kumakain ng almusal dahil may pasok ako ngayon.





"Tita. Good morning po. Kain po." Tumanggi naman si tita at sinabing hihintayin niya daw ako sa sala pagkatapos kong kumain. Nagmadali naman akong kumain dahil nahihiya ako na may pinaghihintay.





Pagkita ko kay Tita sa sala ay agad naman akong umupo sa harapan niya.


"Tita, bakit po?"



"Hijo, nakikiusap ako na samahan mo si Rosher ngayon. Pilitin mo siyang magpachemo ulit. Alagaan mo ang anak ko ngayon. Kailangan ka niya. Pagkatapos ng lahat ng to at maging okay na ang anak ko, nasa sayo pa rin ang desisyon kung wala na talaga kayong pag asa magkabalikan. Nakikiusap lang ako na samahan mo siya ngayon."



Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon