Deanna's POV
"Samahan mo na ko." Pamimilit sakin ni Anne.Nakakaloka naman na magpapasama siya sakin dahil hindi niya kayang iapproach si Jema kapag nagkita sila mamaya.
Jema Galanza
Matagal ko na rin siyang di nakikita't nakakausap.
Icleclear ko lang. Si Anne at Jema ay close noon. Yup noon nung magkakasama pa kami. Nung panahong kami pa.
Hindi ko naman siya masisisi kasi matagal na rin silang di nagkikita. A year? More than a year, I guess.
"Anne naman eh!" Haynako kanina pa niya ko kinukulit para samahan siyang makipagkita kay Galanza. As in kanina pa. 1 hour na ata namin to pinagtatalunan.
"Dali na. Samahan mo na ko. Alam mo namang hirap na ko mag approach ngayon di ba?"
Ewan ko ba kung anong nangyari sakanya at bumaba ang self esteem niya. Hirap siya ngayon makitungo sa mga taong nakapaligid sakanya. Maliban sakin at sa boyfriend niya.
"Pano kapag wala na kaming mapagkwentuhan? Pano kapag nagbago na pala siya? Pano kapag di na kami ganon ka okay na? Di na click. Pa--"
"Pano! Pano! Paano naman ako?" Putol ko sa speech niya.
"Satingin mo kung nandoon ako magiging okay ang atmosphere niyo?" dagdag ko pa.
"Di ba sabi mo approachable ka naman? Tsaka teka nga! Nakamove on ka na di ba?" Nakasalubong ang kilay niya na tanong sakin.
"Oo approachable ako. Approachable ako sa mga bago kong kakilala, sa mga kaibigan ko." defend ko sa sarili ko.
"So di mo na siya kaibigan?"
"Hello! Ipapaalala ko lang sayo. EX KO PO YUN! EX KO!"
"Bakit parang may sama ka ng loob. Nasasaktan ka pa? Di ka pa nakakamove on. Sabi mo okay ka na. Sabi mo nakamove on ka na!" Pagrereklamo niya.
"Oo nakamove on na ko." Siguro?
"Kung nakamove on ka na talaga sasamahan mo ko." Masungit na sabi niya.
"Namblockmail ka pa talaga ha." Natatawang sabi ko.
"So di ka pa nga nakakamove on? 3 years na ha." Ngisi niya sakin.
"Nakamove on na nga ako ateng. Paulit ulit naman eh!" Pagmamaktol ko.
"Sus. Hay na ko Deanna. Uso magmove on."
"MOVE ON NA KO! OKAY NA KO." Seryosong sabi ko.
"Patunayan mo. Sumama ka sakin makipagkita sakanya."
"Hindi mo talaga ako titigilan no?" Ngisi lang ang sinagot niya sakin.
"Sige na. Oo na. Suko na ko. Sasamahan na kita para matapos na tong usapan na to."
"So move on ka na nga?" Asar pa niya.
"So di ka talaga titigil?" Tinawanan niya lang ako.
-------
"Okay ka lang?" Asar na tanong niya sakin.
"Nandoon na ba siya?"
"Bakit mo tinatanong?" Wala talaga siyang balak tumigil ha.
"Ewan ko sayo." Haynako.
"Kanina ka pa? Sorry ngayon lang kami." sabi ni Anne.
Nginitian ko lang si Galanza. What did you expect, guys? Ano ba dapat maging approach mo sa ex mo.
'Hi kumusta ka na? may bago ka na ba?' ganon ba dapat? malamang hindi. Pano ba siya kausapin?
"Hindi naman. Kararating ko lang din." sagot ni Jema.
"Gusto niyo ng kumain?" tanong ni Anne. Habang nakatingin saming dalawa ni Jema.
"Okay lang." Sabay naming sagot ni Jema.
Oooopps! Spell awkward? U-S
Dumaan ang katahimik na agad namang binasag ni Anne.
"guys, kain na muna tayo. Tara." sagot ni Anne.
Sabay sabay na kaming tumayo. Sila sa harapan ko, habang ako nasa likuran nakasunod sa kanila. Ako yung tipo ng tao na mas gugustuhin kong nasa likuran ako habang naglalakad kesa sa unahan na ikaw ang sinusundan. Lalo na't tatlo lang kaming magkakasama, ayoko may maout of place sa kanilang dalawa. Kaya okay lang na sila yung mag usap habang ako nasa likuran nakasunod ng tahimik lang.
Huminto si Anne sa paglalakad kaya napahinto din kami ni Jema.
"San niyo gustong kumain?" Tanong ni Anne.
Nagkatinginan lang kaming tatlo.
"Ano guys, tinginan nalang tayo?Uso magsalita. Try niyo mag usap." dagdag pa niya.
Para namang di niya ko kailangan dito. Dapat pala di nalang ako sumama. Ang awkward lang kasi. 3 years na kaming break. Ganon na din kami katagal di nag uusap ng maayos.
"Kung san niyo gusto, okay lang sakin." Sagot ni Jema. Sabay tingin nilang dalawa sakin.
"What?" bakit kasi sila sakin nakatingin? "Ako ba dapat pumili ng kakainan?" Confused na tanong ko sakanila.
Pareho silang natawa. Nagpapatawa ba ako? Nababaliw na ata sila.
"Bakit kasi ang tense tense mo? Relax" May pang aasar na sabi ni Anne.
Ako? natetense? di kaya! hmp!
"Tigilan niyo ko. Go lang ako kung san niyo gusto." Sagot ko sakanila.
"Ang hirap magdecide. San ba kayo madalas kumain noon?" Sabi ni Anne habang nakasimangot.
"Noon?" Confused na tanong ko.
"Noon. Yung kayo pa." Ngising sabi ni Anne.
Nagkatinginan kami bigla ni Jema. Sabay iwas ng tingin. Baliw talaga tong si Anne. Pahamak!
"Gutom na ba kayo? Di ba pwedeng magkwentuhan muna kayo. Upo muna tayo. Maya nalang tayo kumain kapag meron ng interesado magbigay ng pangalan ng kakainan."
"Wow! Haba nung sinabi mo Deanna!" Sabay tawa ni Anne.
"Ewan ko sayo. Ano nga?" Pagrereklamo ko sakanila.
"Okay lang sakin." Sabi ni Jema.
Anong okay lang? puro siya okay lang. Lahat ng tanong puro okay lang sagot niya. Okay lang kung kakain na. Okay lang kung kahit saan. Okay lang kung di pa kakain. Puro okay lang.
"Okay." sabi ko.
"Ikaw Anne?" sabay tingin ko kay Anne.
"Ikaw ba? Okay ka lang?" Mapang asar na tanong ni Anne sakin.
"Tara na nga!" Sabay hila ko kay Jema. Ramdam kong nagulat siya. Pero hinayaan ko nalang. Nakakainis kasi si Anne. Asar ng asar sabing okay na ko eh. Ramdam ko namang nakasunod samin si Anne sa likuran.
Pumunta kaming foodcourt para dun umupo.
"Bakit magkasalubong yang kilay mo?" Natatawang tanong ni Jema sakin. Magkatabi kami while si Anne ay kaharap namin.