Ten

5.2K 113 2
                                    

Deanna's POV

Nagising ako ng maramdaman kong nauuhaw ako. Nakapulupot pa rin sakin si Jema. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Jema at dumaretso na ako sa kitchen.




Pagtapos kong uminom ay bumalik agad ako sa kama ko. Umupo muna ako at chineck ang phone ko. 5:03pm na pala. Tuesday ngayon. 8am pasok ko sa linear algebra ko until 10am then 10am to 12nn ay rizal ko naman.


Rizal! May quiz pala kami. Chapter 8-10. Kesa matulog magrereview nalang ako.




Kinuha ko ang gamit ko, sa sala nalang ako magrereview.





Matapos kong ihighlight lahat ng importanteng impormasyon at sinimulan ko na ang pagrereview.


'Padre Rodriquez ang nagbatikos kay rizal sa gawa niyang noli. Sila Marcelo H Del pilar, Gracia---'



"Deanna." Napatigil ako sa pag-aaral ko ng marinig ko ang tawag niya. Inangat ko ang mukha ko na kanina ay nakayuko habang inaaral ko ang mga hinighlight ko.




Nasa tapat ko na pala siya. Tiningnan ko lang siya. Sa tingin ko naman ay mga 20 minutes palang ako nandito. mga 5:20 something am palang.




Umupo siya sa single sofa. Bali nasa kanan ko siya. Sumandal siya at pumikit.





"About nga pa--"



"Kalimutan na natin yun." Putol ko sa sasabihin niya. Binalik ko sa libro ko ang mga tingin ko. Kailangan ko magfocus. Ngayon pa talaga niya balak pag usapan yun halata namang nag aaral ako.





"Pinapauwi na ko ni Mama. Si Anne na bahala sayo." Sabi niya habang pabalik ng kwarto ko. Mga ilang minuto lang ay nakita ko siyang dala na ang mga gamit niya.


"Masyado pang maaga. Mayang 6am ka nalang umalis." Sabi ni Anne paglabas niya ng kwarto ko.




"Hindi na. Andyan na si Mark naghihintay sa labas." sagot ni Jema habang inaayos ang dala niyang bag.



"Pano guys, alis na ko. Iingat kayo." Tinigil ko muna ang pagrereview ko at pinagmasdan siyang makaalis.


"Mag aral ka na ulit." tapik sakin ni Anne at daredaretso na sa pagbalik sa kwarto ko.


Nagtataka ba kayo bakit hanggang ngayon nag aaral pa ko? Pero sila Jema at Anne ay may mga work na? Well, sila po kasi ay tuloy tuloy sa pag aaral nila sa iisang course lang. Ako kasi ay palipat lipat ng course. Business related ang course ko before na naging kaklase ko dun sila Jema at Anne pero di ko makita yung future ko sa course na yun habang tumatagal ako sa pag aaral dun. Walang fulfillment akong nararamdaman. Kaya nagpalit ako noong nasa 3rd year na ko, nagshift ako sa education konti lang ang nacredit kong mga subject kaya almost back to zero ako. Dito ko nakikita ang future ko. Sa pagtuturo.




After kong magreview ay nagligo na ko habang si Anne ay nagsimula ng magluto ng almusal namin.



- - -

"Deanna!" Tawag sakin ni Ate Ella. Hrm student siya. Nilapitan ko siya. Nandito kami sa tapat ng registrar office may tambayan kasi dito ng mga students.


"Anong klase mo?" Tanong ko sakanya sabay upo sa tabi niya.

"Business stat. kay Sir Manny. Ikaw?" Nakasimangot na sabi niya. Ayaw niya kasi ng subject na yan. Mahirap daw.

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon