Jema's POV
"Bakit ka nga pala napapunta dito kagabi?" Tanong ko kay Deanna habang nagsasalamin ako. Naging maayos naman ang simula ng araw ko. Matapos namin mag usap ay lumabas na rin kami para kumain kanina. Naabutan namin sila Mama na nakapaghain na kaya sabay sabay na kami nag almusal. Ngayon nandito kami ni Deanna sa kwarto ko dahil nag aayos na ko papasok sa work habang siya ay uuwi naman daw.
"Sila Papa kasi. Hindi ko nga alam bakit nila ako pinupush na pumunta sayo kagabi. Nakakapanibago nga e. Noon nung umamin ako sakanila halos hindi nila ako kinakausap nun, mailap sila sakin. Pero ngayong tanggap na nila ang kung sino talaga ako, naging open sila sakin, sa atin. Hindi ko alam kung pano nangyari pero sobrang thankful ko dahil doon." Sabi niya habang nakaupo sa kama na nakatingin sakin.
"Jema, may tanong nga pala ako." Sabi niya habang palapit sakin. Nang makalapit siya ay niyakap niya ko sa likuran habang nakaharap pa rin ako sa salamin, backhug. Pinatong niya sa kanang balikat ko ang mukha niya habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.
"Ano yun?" Tanong ko ng hawakan ko ang kamay niya na nakayakap sakin.
"Ano na pala ta--" Naputol ang sasabihin niya ng sabay kaming napabaling sa pintuan ng kumakatok si Mama habang tinatawag ako.
"Jema! Nandito si Joseph. Sabay daw kayong papasok sa work." Pagkatapos sabihin ni Mama yun ay narinig naming umalis na siya. Napabaling naman ako kay Deanna ng kinalas niya ang yakap sakin. Nagtwo step backward siya sakin ng mapagmasdan ko siya sa salamin.
"Sino siya?" Tanong ni Deanna. Wala akong mababakas na ngiti sa kanya ngayon. Seryosong nakatingin lang siya sakin. Hinarap ko siya.
"Officemate ko siya. Kapag dumadalaw siya sa lola niya sinasabay na talaga niya ko sa pagpasok. Dyan lang sa kabilang bahay nakatira ang lola niya." Sabi ko. Kinuha ko ang phone ko na nasa table ng tumunog iyon.
'Jema, tara na baka malate pa tayo. Mahirap maabutan ng traffic.' Text galing kay Joseph. Matapos kong mabasa yun ay bumaling na ko kay Deanna para magpaalam. Nakasalubong ko naman ang tingin niya sakin. Pinagmamasdan niya ko. Nilapitan ko siya pero umatras na naman siya. Sa bawat hakbang ko palapit ay umaatras siya.
"Deanna." Pagsuko ko sa paglapit sakanya. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Nauubos ang oras ko baka malate pa ko. Nagulat ako ng mag angat ako ng tingin sakanya ay umiiyak na siya.
Kusang kumilos ang katawan ko at mabilis siyang nilapitan. Hinawakan ko ang balikat niya.
"Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Malalate na talaga kami.
"Jema! Papasok ka ba? Malalate na kayo ni Joseph." Katok ulit ni Mama pero ang atensyon ko ay na kay Deanna pa rin. Pinupunasan na niya ngayon ang mga luha niya at umiiwas ng tingin sakin.
"Wag mo kong iiwan." Nasusumamong nakatingin sakin si Deanna. Naiiyak na rin ako habang pinagmamasdan siya pero pinipigilan ko.
"Ano ba yang pinagsasasabi mo? Baby, kailangan kong pumasok sa work." Naguguluhang tugon ko sakanya.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Nagseselos ako dun sa Joseph! Bakit kailangan sabay pa kayong papasok? Sorry Jema. Sorry nagseselos ako." Niyakap ko siya ng umiyak na naman siya.
"Ikaw ang mahal ko. Bakit kailangan magselos dun? Kailangan ko ng pumasok. Puntahan kita sainyo pag out ko. Magtetext ka kapag nakauwi ka na ha." Sabi ko sakanya habang yakap ko pa rin siya. Kumalas na ko sa yakap at pinagmasdan siya.