Jema's POV
"Pasok ka." Nauna na siyang pumasok pagdating namin sakanila iniwan nalang niya ang gate nilang nakabukas kaya wala akong choice kundi pumasok.
"Good afternoon po." Bati ko kila tita at tito na mukhang kakauwi lang din sila kasi ang nabungaran ko pagpasok ko na nakaupo sa sofa nila habang nakaoffice attire pa.
"Pasok ka hija. Buti at napadalaw ka ulit dito." Nakangiting bungad ni Tita at pinaupo ako sa tabi niya kaya agad naman akong sumunod.
"Naging busy po kasi sa office kaya ngayon lang po ako ulit nakapunta dito pasensya na po." Baling ko kay tita habang pasimpleng hinahanap ng tingin si Deanna.
"Ano ka ba naman batang ka. Okay lang yun naiintindihan naman namin. Sayang lang at nung bday ni Deanna ay hindi ka nakapunta. Nakilala mo na ba ang boyfriend niyang anak namin? Si Samuel?" Tita nandito po ako nung bday ni Deanna yun nga lang nasa malayo ako nun nakatanaw sakanila. Wala pa kasi akong lakas ng loob nun para harapin si Deanna.
"Opo pinakilala na po siya sakin ni Deanna."
"Mabuti naman kung ganoon. Kahapon ay dito nagcelebrate ng monthsary yang dalawa na yan. Tuwang tuwa nga kami ng malaman naming sila na. Akala namin wala ng balak magboyfriend yang kaibigan mo." Nakangiting kwento ni Tita sakin.
"Napakabait na bata niyan ni Samuel kaya botong boto kami diyan. Sabi nga namin kay Deanna wag ng papakawalan dahil napakabait at napakagalang na bata." Dagdag pa ni tito sa sinabi ni Tita. Nakangiting nakikinig naman ako sakanila. Ramdam kong panalong panalo na si Samuel sa pamilya ni Deanna. Gusto ko mang malungkot ay pinakita ko nalang na masaya ako habang nakikinig sa sinasabi nila tungkol sa relasyon ni Deanna at Samuel. Nakakaramdam ako ng inggit kay Samuel pero wala naman akong magagawa kundi maging masaya kung sino ang nagpapasaya sa taong mahal ko. Pero yung kanina? Niloloko ba niya si Deanna?
Ako tong umaasa na maging akin ulit si Deanna tapos siya lolokohin lang niya?
"Jema." Nabaling ang tingin naming tatlo kay Deanna na nasa labas ng kwarto niya.
"Tara dito." Sabi niya sabay pasok sa kwarto niya. Iniwan naman niyang bukas ang pintuan niya.
Tumayo naman ako at nagpaalam na puntahan ko lang si Deanna. Umakyat na ko at pumasok sa kwarto niya. Nakita ko siya nakaindian sit sa kama niya at nakapambahay na siya.
"Upo ka dito." Pinat niya yung nasa harapan niya kaya nagindian sit din ako at magkatapatan na kami ngayon.
"Okay ka lang ba?" Umangat ang tingin niya at Malungkot niya kong tiningnan.
"May kailangan ka ba? Anong kailangan mo para gumaan ang loob mo?" She smile a bit.
"Ikaw" nakangiting sabi niya. I look at her na makikitaang confused ako sa sinabi niya. After she saw it natawa nalang siya.
"Biro lang. Gusto ko ng Choc-O." sabi niya ng ibaling niya sa kama ang tingin niya.
"Yun yung makakagaan ng loob mo?" Paninigurado ko sakanya. Tumungo tungo naman siya.
"Sige. Wait lang bibili lang ako sa labas." Tumayo na ko at chineck ang wallet ko kung nasa pocket ko ba.
"Upo ka." May tatakang napatingin ako sakanya. 'Di ba bibili nga ko' face.
"Upo ka ulit." Sabi niya sabay tayo. At hinihintay akong umupo ulit. Kaya umupo ulit ako habang nakatingin pa rin sakanya ng may pagtataka. Naweweirduhan na ko sa batang to.
"Ako na bahala. May Choc-O kami sa ref. Kuha lang ako." Sabi niya sabay nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.
Pagbalik niya ay may hawak na siyang dalawang Choc-O. Umupo na siya ulit sa pwesto niya. Binuksan na niya agad ang Choc-O niya pag abot niya sakin ng isa. Nilagay na niya ang straw at parang batang sinipsip ang inumin niya.
"Huy. Ayaw mo ba?" Napabaling ako sa mata niya ng sabihin niya yun. Umiling iling lang ako sakanya at binuksan na din ang sakin at sinipsip. Tahimik kaming umiinom hanggang sa maubos niya yung kanya. Pinalobo niya yung pisngi niya pagkatapos niya maubos ang Choc-O niya.
"Gusto mo pa?" Umiling iling naman siya sakin habang tiningnan ang choc-o niya.
"Zest-o Choc-o Chocolate milk drink is a high source of Vitamins A, B1, B2, B3 and D that help boost your immunity, Protein that builds muscles and Calcium for stronger bones. So you're zest-up for studies and fun play." Basa niya sa likuran ng choc-o.
"Fun play. Fun play. Fun play." Paulit ulit na banggit niya habang nakatingin pa rin sa binasa niya.
"Satingin mo ba pinaglalaruan lang niya ako?" Sabi niya sabay angat ng tingin sakin. Nagtitig lang kami dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Si Samuel lang makakasagot sakanya. Kahit naman mahal ko siya hindi ako magsasalita ng masama about sa boyfriend niya dahil issue nila yung magboyfriend. I know my place and boundary.
"Mas okay siguro kung mag usap kayo. Kausapin mo siya." Yumuko siya sakin. Ramdam kong nasasaktan siya. Visible yun ngayon.
"Wa..wala na si..siyang oras sa-kin." Nadurog naman ako ng marinig kong umiiyak na siya at nakikita kong yumuyugyog na ang balikat niya habang tumutulo na ang mga luha niya habang nakayuko sa harapan ko.
"Kailangan mo siyang kausapin para maging malinaw sayo." Umiling iling siya sakin habang patuloy na naiyak.
"Ayaw mo siyang kausapin tungkol sa nakita mo?" Umangat ang tingin niya sakin. Mas lalo akong nadurog sa nakikita kong sakit sa mga mata niya.
"A..ayokong iwan niya ko." Sinabi niya yan habang nakatingin sa mga mata ko. May mas idudurog pa ba ako ngayon? Gusto ko ng lumayo sakanya kasi durog na durog na ko pero may pumipigil sakin na umalis sa harapan niya ngayon. Kailangan niya ko. Kailangan niya ng magpapagaan sa loob niya. Pero pano naman ako? Sino namang magpapagaan sa loob ko? Durog na durog na ko deanna.
"Ganyan mo siya kamahal? Handa kang magstay at kalimutan ang nakita mo para sakanya?" Tumungo tungo siya sakin at tinakpan ng mga kamay niya ang mukha niya. Dun siya umiyak ng umiyak.
Dapat lumalayo na ko ngayon para maisalba ko pa ang sarili ko pero kabaliktaran ang ginawa ko lumapit ako sakanya.
Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mukha niya at tiningnan ako. Nginitian ko siya. Nginitian ko siya kahit na dapat ay umiiyak na ko ngayon. Niyakap ko siya. Agad naman siyang yumakap pabalik sakin at sinandal sa balikat ko ang ulo niya at dun ko naramdaman na nababasa na ang balikat ko.
"Jema." Hinagod ko ang likuran niya.
"Jema, ayoko siyang mawala."
Deanna pwede bang tama na? Gusto kong magstay sa tabi mo pero pakiramdam ko sirang sira na ko. Hindi ako to. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ako yung taong nagpapabaya sa work. Hindi ako yung taong gustong masaktan ng paulit ulit. Walang taong gustong masaktan ng paulit ulit pero bakit pagdating sayo kinakaya ko. Natatakot na ko na baka hindi ko na masalba ang sarili ko sa ginagawa ko ngayon. Natatakot na ko Deanna. Ubos na ubos na ko.