Deanna's POV
"Mary, wala si Maam Asio." Sabi ni Samuel ng makasalubong namin sa hallway. Papunta na sana kami sa room.
"Hi Deanna." Baling niya sakin. Tiningnan ko lang siya.
"Bakit daw wala? so wala tayong quiz? walang klase?" Tanong ni Ivy. Tumungo si Samuel sakanila.
"May meeting daw na pinuntahan eh. Kaya pinapasabi nalang na wala tayong klase. Next week nalang daw yung quiz." Pagkatapos sabihin ni Samuel yun ay humarap siya sakin.
"Deanna, lunch tayo sa labas?" pagtingin ko sa phone ko ay 10:07am palang naman.
"Uuwi na ko. Guys, una na ko ha." Baling ko kila John. Nakatingin lang sila samin ni Samuel.
"Deanna hatid na kita." hawak niya sa braso ko. Tiningnan ko yung paghawak niya sa braso ko sabay tingin sakanya.
"Please." Binitawan na niya ako pagtapos niya magplease. Umiling lang ako.
Nagsimula na ko maglakad palabas ng school. Sa bahay nalang ako. Matutulog. Mamaya pa uwi ni Anne pagkatapos ng work niya. Si Jema naman. Ewan ko dun kung uuwi pa sa bahay o hindi na.
Napansin ko naman na nakasunod sakin si Samuel hanggang sa labas ng school pero di ko nalang pinansin. Hanggang sa malapit na ko sa bahay ay nakasunod pa rin siya. Pati sa pagsakay ko kanina ay sumakay din siya. Binaliwala ko nalang.
Pagdating ko sa bahay ay nilock ko na agad ang bahay. Gusto ko pang matulog. Maaga akong nagising kanina dahil sa pagrereview.
- - -
Jema's POV
"Huy!" Tapik sakin ni Cess. Isa sa mga kaofficemate ko. Close kami nito ni Cess dahil magkasunod lang ang desk namin.
"Tutulala ka lang ba dyan? Aba hindi mo matatapos ang work pag ganyan." May pag iling pa na sabi niya. Napatingin lang ako sakanya at napabuntong hininga. Pagtingin ko sa mga paper works ko ay wala pa ko nagagawa niisa.
Naguguluhan ako. Kaya wala ako sa wisyo magwork dahil nalipad ang isip ko sakanya. Sa mga nangyari.
*Flashback
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong gumalaw ang kama. Pinanatili kong nakapikit pa rin ako. Ng maramdaman kong lumabas na siya ng room ay umupo naman ako dito sa kama.
Naramdaman kong umupo din si Anne sa sofa kung san siya nakahiga kanina. Binuksan ko ang lampshade para may liwanag kami.
"Jema." Tawag pansin sakin ni Anne. Mahina lang. Sapat lang para ako lang ang makarinig. Napatingin ako sakanya.
"Handa ka bang magmahal ng taong hindi pa sigurado sayo? Ng taong hindi ka pa kayang ipaglaban? Handa ka bang sumugal ulit kay Deanna?" Seryoso siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam. Alam kong ramdam ni Anne na nagkakaroon na naman ng something samin ni Deanna. Umiwas ako ng tingin kay Anne.
"Jema, may boyfriend ka. Kung hindi mo kayang sumugal ulit kay Deanna please lang itigil mo na ang pagpapakita ng motibo." Nablangko ako dun. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Jema, hayaan mo namang magmahal si Deanna ng iba. Hangga't nagpaparamdam ka ng motibo alam nating dalawa na mahihirapan si Deanna na makamove on sayo. Ikaw may boyfriend na. May nagpapasaya na sayo. Pano naman si Deanna? 3years na. Ituloy mo na ang paglet go mo kay Deanna, tutal naman nasimulan mo na noon. Wag kang bumalik kay Deanna kung hindi mo siya kayang sugalan ulit." Nanghina ako. Natahimik kami pareho. Ang bigat ng nararamdaman ko.