18

4.3K 141 18
                                    

Deanna' POV

"Hello Jema! Sakto nandito ka din ngayon. Buryong buryo na ko sa paghihintay dito eh. Tara dito ka sa tabi ko upo." Bati sakanya ni Anne. Napaangat na ang tingin ko sakanila. Napalinga naman sakin si Jema.




"Sakto nga nung nagtext ka nandito pa ko. Paalis na sana ako dahil may binili lang ako." Sabay taas niya ng paperbag ng watson.



"Okay lang kung dito nalang ako kay Deanna tabi?" Nag aalangan na tanong niya. Napansin ko naman na napangisi naman si Anne kay Jema. Alam ko naman na hanggang ngayon kay Jema pa rin ang boto ni Anne kaya nga ayaw niya kay Samuel para sakin.




"Go lang Mare. Support kita dyan." Natatawang biro ni Anne. Agad naman umupo sa tabi ko si Jema. Nagvibrate naman ang phone ko kaya napalingon ako sa hawak ko.





'Babe, kakagising ko lang pasensya na. Nangungulit ngayon yung mga kaibigan ko na ngayon na kami magkita kita. Di na ko makakasunod dyan. Sorry po babe.' Wala naman akong choice. Ayoko siyang pagbawalan pero di ko maiwasang mainis kasi sabi niya susunod siya.



'Okay lang babe. Ingat kayo.' Sent ko. Tinago ko na ang phone ko dahil naiinis lang talaga ako. Binaling ko nalang sa mga kasama ko ang atensyon ko.




"So anuna sabi ng boyfie mo? Nagparamdam na ba?" Nakataas na kilay na tanong sakin ni Anne. Napabaling din ang tingin sakin ni Jema.




"Hindi na daw makakasunod. May lakad." Uminom nalang ako ng shake ko pagkasagot ko kay Anne.



"Yan na nga ba sinasabi ko. Sa umpisa lang magaling yan. Hindi ka na priority niyan. Pinagpapalit ka na sa lakad niya. Ang matindi pa pinaasa ka. Susunod susunod pang nalalaman." Sarcastic na sabi ni Anne. Sanay na ko sakanya ganyan naman talaga yan lalo na kapag inis.




"Hindi talaga ako makapaniwala na sinagot mo yun." Dagdag pa ni Anne.



"Mabait naman si Samuel kung bibigyan mo lang ng chance makilala." Nakangiting baling ko kay Anne.




"Mabait, okay given na yun kung yun ipupush mo. Pero tanong mahal mo ba?" Kinagulat ko naman ang tanong niya sakin. Naawkward ako kasi present ko pinag uusapan namin habang nandito ang past ko. Magkakamigraine ata ako.




"Hindi ko naman siya sasagutin kung hindi." Sagot ko sakanya sabay tingin sa iniinom ko.



"So mahal mo nga? Eh si Jema di mo na mahal?" Napabaling ako kay Anne sabay tingin kay Jema na nakita kong nagulat din sa tanong ni Anne kaya bumaling ulit ako sakanya. Wala talagang filter ang bibig ni Anne.




"Anne ano ba yang tinatanong mo? Hello andito si Jema oh." Sabi ko sabay turo kay Jema na nakatingin lang samin ni Anne.




"Okay lang yun kay Jema. Tinatanong kita. Mahal mo pa ba si Jema?" Napalingon naman ako kay Jema. Bumaling naman sakin si Jema at ngumiti sakin bago binaling ang tingin niya kay Anne.




"May boyfriend na ko. Ganon din si Jema. Pare--" pinutol ako ni Jema.




"Single na ko. Matagal na." Paglingon ko sakanya ay sakin siya nakatingin ng sinabi niya yun.







"Ilang buwan na?" Tanong ni Anne kay Jema.


"Anim na buwan na." Anim na buwan?


"Nung umalis ka sa bahay? Nung umuwi ka sainyo?" Takang tanong ko sakanya. Bumaling naman sakin si Jema.


"Yup. Nung sinundo ako ni Mark. Bago ako umuwi samin nag usap muna kami at nakipagbreak ako. Pero happy naman ako na until now kaibigan ko pa rin siya. In a relationship na siya ngayon kay Cassy, dalawang buwan na sila." Habang pinagmamasdan ko siya ng sabihin niya yun ay wala akong nakitang bitterness sa mata niya at wala akong naramdaman na lungkot sa boses niya. Mukha pa ngang masaya siya para sa ex niya.






"Masaya ako para sayo kasi mukhang masaya ka Jema." Nakangiting sabi ni Anne kay Jema na nginitian din ni Jema pabalik. Bakit parang di siya nasaktan? Nagtatakang isip ko. Ganon ba siya kabilis magmove on? Ang galing.






"Ano na Deanna? So mahal mo pa ba si Jema?" Nabaling na naman ang tingin nila saking dalawa.









"Wag mo ng itanong yan. Umuwi na tayo." Sabi ko bago ko inubos ang shake ko.



"Ang kj mo Deanna. Siguro mahal mo pa no? Di mo masagot eh." Hindi ko alam kung nagbibiro si Anne pero batay sa boses niya parang seryoso siya.




"Tara na uwi na tayo." Sabi ko sabay tayo. Napairap naman sakin si Anne.






"Wait lang restroom lang ako. Umupo ka muna dyan hintayin niyo ko dito." Sabi ni Anne bago tumayo at dumaretso ng cr.







"Deanna." Napalingon naman ako kay Jema ng makaupo ako dahil sa tawag niya. Hinihintay ko siya ipagpatuloy ang sasabihin niya.







"Curious lang ako." Nag aalangan na sabi niya.



"Hmmm?" Sabi ko habang hinihintay na ipagpatuloy niya ang sasabihin niya.






"Mahal mo pa ba ako? I know naman na in a relationship ka na. Na oo nga naman di mo naman sasagutin yun kung hindi mo mahal. Sorry. Wag mo nalang pala sag--"




"Shhh." Putol ko sakanya na ikinatahimik naman niya habang napatingin sakin kasi habang nagsasalita siya kanina ay sa shake lang niya siya nakatingin.





"Mahal pa rin kita." Alam kong mahal ko pa rin siya. Napaiwas naman siya ng tingin sakin at pinagmasdan ulit ang shake niya.




"Pero mas mahal mo sila." Lumingon siya sakin ng hindi na ko sumagot sakanya.





"Yup. Mas mahal ko ang pamilya ko. Sorry." Yuko ko sakanya. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Ngayon lang ulit namin pinag usapan to dahil noon iniiwasan namin hangga't maaari. Siguro ito yung tamang pagkakataon.






"You don't have to say sorry. Naiintindihan ko naman. Alam ko namang mahal na mahal mo yung family mo. Na ayaw mong madisappoint sila. Lahat naman tayo takot madisappoint yung family natin kaya wag kang mag alala naiintindihan ko kung hanggang ngayon sila pa rin ang uunahin mo." Nakita kong pumatak ang luha niya. Hanggang ngayon ba nasasaktan pa rin siya?






"Alam ko namang kasiyahan pa rin nila ang uunahin mo." Bumaling siya sakin. Visible sa mga mata niya ang pagiging teary eyes niya.




"Pero sana Deanna. Masaya ka din. Kasi as long as masaya ka isusupport kita. Kahit sakanya isusupport kita."

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon