15

4.7K 117 12
                                    

Jema's POV

"Nagleave ka daw sa work mo?" Agaw pansin sakin ni Mark. Nandito ngayon si Mark sa bahay. Okay na kami. Limang buwan na ang nakakalipas ng magbreak kami ni Mark. Natuwa ako ng malaman kong sila na ni Cassy. Ang cute nilang couple dahil madalas mangulit si Cassy kay Mark na nagiging dahilan para mainis si Mark pero in the end si Mark pa rin ang sumusuyo kay Cassy kasi kapag nainis si Mark maiinis din si Cassy. Madalas ko silang kasama kaya feeling ko may award ako bilang third wheel of the year.






"Jema, okay ka lang ba?" Tabi sakin ni Cassy dito sa sala. Magkasama sila ni Mark ngayon na dinalaw ako. Mag isa lang ako dito sa bahay dahil pumuntang probinsya sila Mommy at Daddy. Hindi ako sumama, dinahilan ko yung work ko. 2 weeks lang naman sila doon. Pero yung dinahilan ko na work ay sinukuan ko muna ngayon. Gusto kong magpahinga kasi pakiramdam ko pagod na pagod na ko. Hindi ako makapagfocus.





"Nakakahiya naman sayo, ako na kumuha ng makakain natin sa kusina niyo." Nilapag ni Mark yung pitsel na may laman na juice at casava na dala nila ni Cassy.


"Wala kang balak asikasuhin kami no? Bisita mo kaya kami." Pagrereklamo ni Mark bago umupo sa single sofa at binuhay ang tv.



"Feeling at home ka ha." Sabi ko sabay irap sakanya. Natawa naman samin si Cassy.




"So bakit ka nga nagleave madam?" Tanong ni mark habang nanonood ng basketball.




"Wala ako sa focus." Pag oopen ko sakanila. Alam nila ang nagyayari sakin this past few months. Nandyan sila para pasayahin ako kapag nalulungkot na ko sa pinagdadaanan ko.






"Dahil ba sakanila?" May simpatya na tanong sakin ni Cassy. Tumungo naman ako. Nasasaktan ako. Tuwing may pagkakataon lagi kong sinusundan si Deanna. Stalker of the year na nga daw ako sabi ni Mark pero hinayaan ko lang siya at pinanindigan yung pagsunod sunod ko kay Deanna.




Nandun ako noong pumupunta punta sa kanila yung Samuel. Nandun ako nung nalaman kong formal na nililigawan na nung Samuel si Deanna. Nandun ako nung nanood sila ng Volleyball ni Deanna sa MOA. Nandun ako ng pumunta sila sa Enchanted kingdom. Nandun ako ng nagskating sila sa MOA. Nandun ako tuwing hinahatid sundo nung Samuel si Deanna. Nandun ako ng nagcelebrate ng birthday si Deanna. Nandun ako ng tinanong nung Samuel si Deanna. Nandun ako ng sinagot ni Deanna yung Samuel.




Nandun ako sa malayo.
Nandun ako nakatanaw sakanila habang nakikita kong masaya yung mga tao para sakanilang dalawa.
Nandun ako ng makita kong masaya si Deanna.



Nandun ako. Nasasaktan.







"Tahan na jema." Hinahagod ni Cassy ang likuran ko habang patuloy akong umiiyak. Nasasaktan ako. Sila na. Wala na, finish na. Talong talo na ko.






"Bakit mo kasi sinukuan?" Tanong ni Mark. Malungkot silang nakatingin sakin ni Cassy. Ayokong kinakaawaan ako. Strong ako! Alam kong strong ako, pero bakit ngayon hindi ko kayang maging strong. Na pagod ako.






"Nakakapagod." Yumuko ako sakanila. Ayokong makita nilang nadudurog ako pero hindi ko mapigilan ilabas ang emosyon ko.




"Nakakapagod yung naging relation namin. Akala ko kaya ko kasi ang importante naman yung mahal namin yung isa't isa. Pero nagkamali ako." Umiiling ako habang umiiyak na nakayuko sakanila.




"Hindi pala sapat na mahal niyo lang yung isa't isa. Hindi sapat yun, Mark. Para kaming may ginagawang masama na tuwing magtatabi kami para kaming huhulihin. Napagod ako sa set up na gusto niya.Sana pala di ako napagod. Baka sana hanggang ngayon kami pa." Ang gusto ko lang ilabas lahat ng gusto kong sabihin. Masyado ng mabigat.




"Kung hindi kayo nagbreak baka naman sirang sira ka na. Baka kahit ikaw hindi mo na makilala ang sarili mo kung pinagpatuloy mo yun? Jema, kapag alam mong hindi ka na masaya at pagod ka na itutuloy mo pa bang maubos ka?" Humagulgol na ko sa pag iyak. Ang sakit sakit.




"Tama lang na pinalaya mo yung sarili mo sa sakit na nararamdaman mo nung kayo pa." Sabi ni Cassy habang nakatingin sakin.



"Kasi kung sakin nangyari na mapagod na ko at hindi na ko masaya, susuko na din ako." Napaangat ang tingin ko sakanya na ngayon ay nakatingin kay Mark.




"Hindi ko hahayaan mangyari yun." Malungkot na sabi ni Mark. Nakita kong may pumatak na luha kay Cassy.





"Para kayong ewan! Ako kaya yung nag eemote dito!" Agaw pansin ko sakanila. Natawa naman si Cassy habang si Mark ay nakatingin kay Cassy. Nararamdaman kong may pinagdadaanan sila. Sa halos araw araw na magkasama kami ngayon ko lang naramdaman na may problema sila. Batay sa nararamdaman at nakikita ko ngayon ay si Mark ang may sala dito.









"Hoy ikaw! Mark!" Baling ko kay Mark dahil nakayuko lang siya. Parang ewan! Kalalaking tao nagdradrama ngayon. Moment ko to eh! Panira! Tumingin naman siya sakin pero sabay lingon din kay Cassy na ngayon ay nakatutok sa panonood ng tv. Hindi ko nag alam kung nanonood talaga to para kasing yung tingin niya tagos sa tv.








"Magtino ka! Dapat iparamdam mo dito kay Cassy na mahal mo siya. Patunayan mo. Sinasabi ko sayo makakatikim ka sakin ng magkapatid na sampal kapag sinaktan mo to!" Seryosong pagpapaalala ko kay Mark. Natawa naman si Cassy sa tabi ko.






Ramdam ko na mahal na mahal ni Cassy si Mark. Noon pa. Kaya kung may tendency mang magloko ay si Mark yun. At may tendency na may masaktan ng sobra sakanila ay si Cassy yun. (Nag iisip si Author kung gagawa ng sariling story para kay Mark at Cassy.)



"Back to you Ms. Galanza. May boyfriend na yung mahal mo. Anong balak mo?" Umaliwalas na ang mukha ni Mark bago niya kong tanungin ulit. Gumaan na rin ang atmosphere sa pagitan ni Cassy at Mark.





"Ano pa nga ba magagawa ko? Nakita ko namang napapasaya niya si Deanna, anong laban ko dun?" Naramdaman ko naman sumandal sakin si Cassy.





"Masaya ba talaga si Deanna dun? o nasasabi mo lang na masaya si Deanna dun kasi nakikita mong masaya yung mga taong nasa paligid nila para sakanila?" Napatigil ako dun.







'Masaya ka nga ba talaga Deanna?'

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon