34

4.3K 121 15
                                    

Deanna's POV

Pagpasok namin sa kwarto niya ay niyakap ko agad siya. Naramdaman ko namang niyakap niya ko pabalik. Naglakad siya paabante kaya paatras ang lakad ko hanggang sa maramdaman ko na ang kama niya. Nagbitaw na kami ng yakap. Umupo naman agad ako sa kama niya.





Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa lap ko. Bali nakaharap siya sakin. Niyakap niya ko ulit habang nakaupo pa rin sa lap ko. Niyakap ko ulit siya. Nasa kaliwang balikat ko ang ulo niya nakasandal. Sinandal ko rin naman sa balikat niya ang ulo ko.







Pwede bang patigilan ang oras? Ang saya ng ganitong pakiramdam. Ang gaan.



"Ang saya." Mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig niya. Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako ng nakangiti. Hinawak niya ang mga kamay niya sa pisngi ko at binigyan ng smack na kiss ang labi ko.




"Magnanakaw ka talaga no?" Nakangiting sabi ko sakanya matapos kong maramdaman ang halik niya.





"Bawiin mo kasi. Willing naman akong ibalik e." Sabi niya sabay baba ng mga kamay niya.


Umupo na siya ng ayos sa tabi ko tsaka siya sumandal sakin. Hinawakan ko naman ang kamay niya.



"Paano nalaman ng parents mo?" Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko bago sumagot.



"Noong Christmas di ba lagi tayong magkausap? Videocall, or kahit simple call lang talaga. Halos oras oras na nga ata e. Then tinanong nila ako. Ayokong itanggi ka Deanna. Mahal kita kaya hindi ako natakot umamin sakanila. Siguro nandun na rin yung feeling ko na matatanggap nila tayo kaya sinabi ko na. And thank God kasi tama yung instinct ko. Sorry kung nabigla ka ha." Napaangat ang tingin niya sakin kaya nagkasalubong ang tingin namin.




"Sana lahat kasing tapang mo. Sana lahat katulad ng parents mo." Sabi ko. Tumingin nalang ako sa pintuan na nasa harapan namin. Katahimikan ang nabuo.





"Kinausap nila ako kanina bago umalis ng bahay. Tinanong nila kung bestfriend ba daw kita. Tumungo ako bilang pagsang ayon na bestfriend kita. Sorry kung hindi ko pa pala kayang aminin sakanila na girlfriend kita." Hinihintay ko ang magiging reaction niya pero hindi siya nagsalita.





"Okay lang naman tayo di ba?" Humarap ako sakanya ng sabihin ko yun. Umangat naman ang tingin niya sakin. Nginitian niya ko.





"Oo naman! Okay tayo. Bestfriend mo naman talaga ako di ba? Bestfriend mo and girlfriend mo. Ipakilala mo man ako as girlfriend or bestfriend mo, okay lang. Walang kaso yun sakin. Ang importante tayong dalawa. Alam nating dalawa kung anong meron sating dalawa. Yun ang mahalaga sakin, yung tayo." Sabi niya sabay side hug sakin.


Bakit mahal na mahal niya ko? Bakit mahal natin ang isang tao? May dahilan ba?







"Oo nga pala! Para sayo nga pala." Sabay abot ko ng paper bag sakanya.





"Buksan ko na?" Sabi niya habang sinisilip ang loob ng paper bag.




"Ikaw bahala. Mukha namang gusto mo na makita, go." Sabi ko. Nakita ko namang excited niyang binuksan ang paper bag.






"Shirt." Sabi niya sabay labas ng shirt. Bumalik ang tingin niya sakin at sa hawak niyang shirt.





"Wow. Couple shirt?" Natatawang tukoy niya sa soot ko ngayon at sa hawak niyang shirt. Tumungo naman ako. Bigla tuloy akong nahiya.





"Bracelet." Labas pa niya sa huling laman ng paper bag. Tinaas ko naman ang kamay ko kung nasan ang bracelet na meron din ako.



"Couple bracelet rin?" Nakangiting sabi niya sabay soot ng kanya.



"Yup. Distance bracelet ang tawag dito. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon magkasama tayo. So para kahit papaano maramdaman mo yung presence ko." Nakatanggap naman ako ng yakap galing sakanya. Hindi naman nagtagal ay humiwalay na rin siya.





"Ako rin may gift sayo. Wait lang." Nagtungo siya sa cabinet niya. Habang hinihintay ko siya ay humarap muna ako sa pintuan niya. Hindi niya nilock. Sayang gusto ko pa naman sana siyang halikan kaso baka mahuli kami. Kahit na legal kami dito sa side niya nakakahiya pa rin.




Naramdaman kong sumampa na siya sa kama. Nang akmang lilingon ako sakanya ay agad niya kong pinastop. Kaya nakabaling ulit ang tingin ko sa pintuan niya.


Naramdaman kong hinawi niya ang buhok sa kaliwang balikat ko.



"Uy jema." Pigil ko sa kamay niya na patuloy hinahawi ang mga buhok ko.




"Bakit?" Nakasalubong na kilay na silip niya sakin.


"Hindi nakalock yung pintuan mo." Nakatanaw ako sa pintuan niya ng sabihin ko yun. Napasulyap din siya sa pintuan.




"Oh ano naman ngayon?" Baling niya ulit sakin. Napayuko naman ako.



"Eh baka kasi mahuli tayo." Bumaba naman siya sa kama at hinarap ako. Nakatayo siya bali sa harapan ko.




"Ha? Anong baka mahuli? Ano bang pinagsasasabi mo? Anong hin-- Oh! Don't tell me iniisip mo na may gagawin ako sayo?" Gulat na tumingin siya sakin. Bakit wala ba? E hinahawi niya yung buhok sa one side tapos nasa likuran ko pa siya. Hindi niya ba ko ikikiss sa leeg?




"Omg Deanna! Ewan ko sayo!" Tumatawang sabi niya habang papunta ulit sa likuran ko. Naramdaman ko ulit na hinawi niya yung buhok ko.





"Yan perfect!" Sabi niya pagpunta niya sa harapan ko. Napahawak naman ako sa leeg ko.



"J?" Sabi ko. Pinakita naman niya yung nasa leeg niya.



"J sayo stand for Jema. And D sakin stand for Deanna." Hinawakan ko ulit ang pendant na nasa kwintas ko habang pilit na tinitingnan ang J.






"Hindi ba baka mahalata ng parents ko to? What I mean is J, it really means you, Jema. Nanghihinala na sila di ba?" Malungkot na jema ang nakita ko pag angat ko ng paningin sakanya.





"Jema sana mainti---" Naputol ang sinasabi ko ng nakita kong tumulo ang luha niya pero agad naman siyang nag iwas ng tingin sakin at pinunasan yun.

- - -
A/N: Bitin guys? Pabirthday ko sainyo yan 😂

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon