Deanna's POV
"Deanna" Nagising ako ng marinig ko ang katok sa pintuan ko at tawag sakin.
"Deanna, anak gising na!" Boses ni Mama. Pagtingin ko sa orasan ko ay 7pm na pala.
"Deanna!" inaantok pa ko.
"Eto na po! Gising na!" sigaw ko habang nakahiga pa.
Yung pakiramdam na gusto mong tumayo pero ayaw sumunod ng katawan mo. Hinihila ako ng kama.
"Lumabas ka na dyan, kakain na tayo." Narinig ko na bumaba na si Mama.
Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto ko at dumaretso sa dining table.
"Kumusta mga exam mo?" tanong ni Papa. Nakasanayan na nilang tanungin ang mga nangyayari sakin sa school para updated sila. Nakasanayan ko na din namang magkwento sakanila ng mga nangyayari sakin. Maliban lang ng tungkol samin ni Jema. Alam lang nila na bestfriend ko yun.
"Okay naman Pa, hindi naman mahirap, tama lang." Kampanteng sabi ko. Nag aral naman kasi ako kaya di ako nangangamote sa exam.
"Mabuti naman kung ganon." sabi ni Papa. Nagpatuloy lang kami sa pagkain.
"This coming Monday aalis kami ng Papa mo, may team building ang company na pinapasukan namin. Kaya mo bang mag isa dito? o dun ka muna sa tita mo tumira?" Sabi ni Mama pagkatapos niyang kumain.
"Gaano po ba kayo katagal dun Ma?" tinigil ko muna ang pagkain.
"Isang linggo ang team building namin. Dun ka muna sa tita mo? iiwanan kita ng allowance mo na good for one week." Sabi ni Papa na tapos na ring kumain.
"Dito nalang po ako sa bahay. Dyan lang naman sa kabilang bahay si tita eh. Kaya ko naman dito mag isa." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
Ang bagal ko talagang kumain. Ninanamnam ko pa kasi bawat subo ko.
"Sige bahala ka. Basta Deanna wag mong kalimutang isarado ang mga pintuan ha. Patayin mo lahat ng mga nakasaksak." Paalala ni Mama.
Anong araw na ba ngayon? Sabado na pala ngayon. The day after tomorrow mag isa na naman ako.
"Opo Ma." Sabay tungo ko at binilisan ko na ang kain ko dahil inaantok pa talaga ako.
Pagtapos kong kumain ay nagsupilyo na ko at nagpaalam na ko para tumaas na at ipagpapatuloy ko na ang tulog ko.
Ilang araw din akong puyat sa pagrereview. Para sa mga taong puyat Heaven samin ang pagtulog.
Pagpasok ko ng kwarto ko ay narinig kong may nagdoorbell. Tiningnan ko ang orasan ko. 8:15pm na may bisita pa sila mama? Grabe naman.
Humiga na ko at hinila agad ako ng antok.
Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sakin. Gising ba ko o nananaginip? Nakapikit pa rin ako. Ayokong imulat ang mga mata ko. Naaninag ko na madilim pa.
Kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Shit ano ba to? multo? mygod! Paglumingon ba ko may makikita akong nakangiti sakin na pula ang mata? shiiiiit! Naiiyak na ko sa takot!
Tatayo na at bumebwelo na kong tumakbo palabas ng kwarto ko ng maramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin. Ramdam ko rin ang hininga niya sa leeg ko. Lalo akong napapikit!
Deanna! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale. Ramdam ko yung bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa takot!
Inhale!
Exhale!
Inhale!
Ex--
"hmmm deanna" sabi ng nakayakap sakin. shit! kilala ko yung boses na yun! Nawala lahat ng takot ko. Pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakumpirma ko.
Si ANNE! Bwisit na Anne na to! halos maiyak na ko sa takot eh!
"bwisit!" mahinang bulong ko.
"hmmm" bulong ni Anne sa leeg ko. nakasiksik na kasi siya ngayon sa leeg ko.
"bwisit ka kamo." Inis na bulong ko. Paano ba to nakapasok dito sa kwarto ko? Wala na ba tong mauwian at dito pa talaga napiling makitulog?
Ramdam kong mahimbing pa rin ang tulog niya. Pagtingin ko sa phone ko ay 2:35am palang pala.
Naramdaman kong bumukas ang pintuan ko kaya napalingon ako doon.
JEMA!?
Pumunta siya sa couch ko at umupo doon. Nakita kong nakatingin siya sa kamay ni Anne na nakayakap sakin.
Malungkot ang itsura niya.
Huminga muna ako bago bumangon at tumabi sakanya.
"Bakit kayo nandito?" nagtatakang pabulong ko sakanya.
"Si anne sabi overnight daw kami dito. Nalaman niya kasi kila tita na wala kang makakasama dito for a week. Kaya dito kami matutulog sa loob ng isang linggo." Bulong din niya pabalik.
"Nagpaalam na kami kila tita kaya wala ka ng palag." nakangising sabi ni Anne. Gising na pala siya di ko man lang napansin.
Tumayo siya at umupo sa tabi namin ni Jema. Bali ako ang nasa gitna nila.
Katahimikan
"Tulog na ulit tayo." sabi ko sabay tayo at higa sa kama ko.
"Tara na." Dagdag ko sabay tingin sakanila.
Tumayo naman si Jema sabay higa sa tabi ko.
"Dito naman ako sa couch matutulog." sabi ni Anne.
"Ha? bakit dyan?" tingin ko sakanya ng may pagtataka.
"Hindi tayo kasya dyan Deanna. Tsaka usapan na namin yun ni Jema napalitan kami sa couch at kama mo." sabi ni Anne sabay higa sa couch. May kumot at unan na nakaready sa couch.
Pagtingin ko sa katabi ko ay nakatalikod nato sakin. Satingin ko ay mahimbing natong natutulog.
Humiga na din ako patalikod sakanya. Ilang minuto lang ay naramdaman kong kumilos siya at naramdaman ko ng yumakap siya sakin.
'Bakit di ka nagparamdam ng dalawang linggo?' Sa isip ko. sabay hawak sa kamay niya na nakayakap sakin.