30

4.7K 138 40
                                    

Deanna's POV

"Tara. Uwi na tayo." Tumayo na ko, siya naman ay hindi kumilos nakaupo pa rin siya at nakamasid lang sakin.

"Dare or consequence? Answer me first." Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Punong puno ng emosyon ang mga mata niya. Kakagaling ko lang sa break up biglang ganito ang bubulaga sakin? seriously?




"Deanna sit down." Hinawakan niya ang kamay ko at pinipilit akong umupo ulit. Jema anuba!



"Jema pwede bang pag isipan ko muna?" Sabi ko sabay upo sa harap niya. Sa magkahawak na kamay namin siya nakatingin.



"Deanna bakit kailangan pag isipan pa? Napakasimple lang naman ng pagpipilian mo di ba? Just pick between the two because in the end, we still end up together." Napatingin ako sa kamay namin na pinisil niya. Agad ko namang binawi ang kamay ko.



"Pwede bang umuwi na tayo? Late ka na makakauwi." Mahinahong sabi ko sakanya pero nanatili pa rin siya sa upuan niya. Tiningnan ko ang phone ko. 6:35pm na 8pm na siya makakauwi if ever.



"Bakit ba di mo ko masagot!?" May inis na mababakas sa tono niya at sa matang nakatingin sakin ngayon.




"Bakit ba kasi yan yung dare mo?" naiinis na rin ako.



"Hindi pa ba obvious? Deanna gusto kong maging tayo ulit!" Tumutunog ang phone niya pero tiningnan lang niya at pinatay.





"Umuwi na tayo. Kanina ka pa hinihintay nila Ma--"


"Deanna!" Putol niya sa sinasabi ko. Ramdam ko na yung frustration sa boses niya. Ano bang nangyayari sakanya?





"Just please. Please pick between the two." Nadadala ako sa emosyong nasa mata niya. Para siyang pagod na nasasaktan.




"Jema." Hawak ko sa left hand niya na nasa table. Naramdaman kong nacalm down ang emosyon niya.




"Ilang beses na nating pinilit to di ba? Ilang beses na tayong nagkabalikan noon, hindi ka pa ba nadadala? Kakalabanin na naman ba natin ang tadhana? Hindi mo ba pansin na noon pa man pinaglalayo na tayo? Masasaktan lang ulit tayo. Tama na." Pinagmamasdan ko siyang umiiyak sa harapan ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Nadudurog rin ako. Alam kong may mga taong hindi ako maiintindihan sa desisyon ko pero ayokong dumating sa point na hindi na niya masave yung sarili niya.




"Baka pwe..pwede pa?" Gusto ko ng ilayo ang kamay ko sa hawak niya dahil nanghihina na ko emotionally kaya di ko magawa.





"Masasaktan lang ulit kita." Tumingin siya sakin. Nangungusap ang mga mata niya, tuloy tuloy ang luha na dumadaloy doon.





"Hindi na ba kita kayang pasayahin? Hindi ka ba masaya kapag kasama mo ko?" I slightly smile to her.

"Napapasaya mo ko. Masaya ako kapag nasa tabi kita. Napapagaan mo yung loob ko." She slightly smile also.


"Napapasaya mo man ako pero hindi pa rin kita kayang panindigan. Hindi kita kayang ipaglaban." Kumalas na ang hawak niya sa kamay ko. Tinakpan niya ang mukha niya ng mga palad niya at dun umiyak ng umiyak.




'Sorry... Jema.' Yan ang nasa isip ko habang pinagmamasdan siya.




Jema's POV

Napakapathetic ko na ba para magpumilit na maging kami ulit? Ayoko kasing bitawan ulit siya. Ayokong makita ulit siya na hawak na ng iba. Desperate na nga siguro ako. Sasabihin niyong bumitaw na ko at Sumuko na dahil ang taong minahal ko ay isang malaking duwag. Pero kasi yung duwag na yun, siya yung taong hindi ko kayang mawala ulit.


Sabi niya napapasaya ko siya. Okay lang naman sakin kung hindi niya ko kayang ipaglaban, okay lang sakin kung itago niya ulit ako. Okay lang. Okay lang kahit ang sakit sakit. Okay lang kahit alam kong hindi ko deserve ang itago. Okay lang. Magiging okay lang basta nasa tabi ko si Deanna.

Ganito ba kasakit magmahal sa unang pagkakataon? Si Deanna ang 1st girlfriend ko at alam kong ako din ang 1st niya. Napakahirap ba talagang bitawan ang 1st love?



Tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. Sinalubong ko ang tingin niya. Awa. Yun ang nakikita ko. Pinunasan ko na naman ang mga luhang tuloy tuloy na pumapatak dahil ang sakit palang makita at maramdaman na awa nalang para sakin ang nakikita ko sakanya. Ayokong kinaaawaan ako pero ano tong ginagawa ko? Nagmamakaawa akong ako nalang ulit.



Tumayo siya. Tumabi sakin. Hanggang sa maramdaman kong nasa bisig na ko ng taong mahal na mahal ko. Mahal na mahal ko si Deanna. God! Mahal na mahal ko siya.







"Shhh. Mamamaga na yang mata mo kakaiyak. Tama na." Mas lalo akong nagsumiksik sa leeg niya. Lintik na mga luha to nag uunahan.





"Itatry ko ulit. Pero hindi ko maipapangakong makakaya ko, basta itatry ko. Dare. Okay? Dare na po. Basta ipangako mo sakin na kapag sobrang sakit na magsasabi ka sakin ha? God! Mahal na mahal kita jema para makita kang umiiyak ng ganyang kalala hindi ko kaya. Nasasaktan ako sa bawat hikbi mo. Tahan na. Please, tama na ang iyak." Nararamdaman kong nababasa na rin ang balikat ko. Umiiyak si Deanna. Mukha na siguro kaming tanga dito. Buti nalang at masyado ng late kaya konti nalang ang tao dito sa food court.





Kumalas ako sa yakap at nakangiting hinarap siya sakin. Finally, akin na ulit siya. Pinunasan ko ang mga luha niya.




"Natatakot ako jema." Hindi ko naman siya iiwan.


"Kasama mo ko Deanna. Wala ka dapat ikatakot. Hindi kita iprepressure na ipaglaban o ipagmalaki mo ko. Handa akong itago mo hangga't hindi ka pa ready sabihin sa lahat. Handa akong maging bestfriend mo sa mata ng iba pero sana hayaan mo kong maging girlfriend mo kapag tayong dalawa lang." Niyakap niya ko. Ramdam kong umiiyak na naman siya. Ako tong umiiyak kanina ngayon siya naman.



"Sorry. Jema sorry kung hindi ko pa kaya. Sorry kung babalik na naman tayo sa set up noon na patago. Sorry ku--"


"Shhh. Okay lang Deanna. Okay lang ako." Kumalas siya sa yakap at nagkasalubong ang tingin namin.





"Uwi na tayo?" Nakangiting anyaya niya. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at sumunod sa tayo niya.





Susugal ulit ako. Susugal ako kay Deanna.

- - -
A/N: Kumusta ang chapter na to?

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon