Medyo matino na 'to. :) Hindi Parental Guidance yang PG ah haha.
Dedicated to MoonLighFireFlies. Hey, thanks for adding this to your reading list. :)
------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2
Hindi alam ni Aeris ang nangyari sa kanya. Ni hindi nga niya alam ang mga pinaggagagawa niyang kabaliwan. Ang huli niyang naalala ay lumalakad pa rin siya habang kumakanta.
Natauhan na lang siya na nakatitig sa 'di kalayuan kung saan may nakatalikod na lalaking nakasuot ng purong itim na damit.
Inayos niya ang magulo niyang buhok at sinuklay gamit ng kanyang kamay. Kinakabahan siya, ewan niya kung bakit. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dugdug. Dugdug. Dugdug...
Tumingala siya sa kalangitan, ngayon niya lang napansin na madilim na, kani-kanina lamang ay ang liwa-liwanag isip niya. Tinignan niya ang kanyang dinaanan, ang makukulay na bulaklak na sumusunod sa kanya ay puros naging itim na. Nag-iba ang itsura ng mga ito at hindi na kumikinang.
Binalik niya ang tingin sa lalake, nakatayo pa rin iyon doon at nakatalikod. Natatakot siyang lumapit dito, there was something about him that doesn't feel right.
Napalunok siya.
"Psst!" tawag niya sa lalake ngunit hindi ata siya narinig.
"Pssssssssst!......." ulit niya ng mas matagal ngunit hindi pa rin siya napapansin nito.
"HOY!" sumigaw na siya ngunit wala talaga, hindi man lang siya nilingon nito.
Umirap siya at napakamot ng ulo.
Wala siyang nagawa kundi lapitan ito. Tinahak niya ang kaliwang daan kahit na isa itong dead end, nasa pinakadulo kasi ang lalake. Tumigil siya ng makalapit konti dito.
Tumikhim siya, "Ehem!.." ngunit hindi pa rin ito kumikibo.
"Excuse me.."
"Hellooo!!"
"Taooooooooo!..."
Napakunot-noo siya.
Ano ba yan? Bingi ba 'to?
Lumapit pa siya dito. Nanliit siya bigla, napakatangkad pala nito. He had broad shoulders, malaki ang kanyang pangangatawan at hanggang balikat lamang siya nito.
Tinaas ni Aeris ang kanyang kamay, kinalabit niya ang kaliwang balikat nito..
"Uhmmm... Excuse me..."
Dahan-dahang umikot ang ulo ng lalake habang nakatalikod pa rin..
at ng makita na ni Aeris ang mukha nito ay---
BINABASA MO ANG
Forgotten Labyrinth
FantasyKung magising ka sa isang lugar na kakaiba, wala kang maalala at hindi mo alam kung sino ka. Mababaliw ka kaya? Kasi ako muntik na, muntik nang mawala sa katinuan ko. Ako si Aeris. Ang babaeng pinaglaruan ng tadhana.